Magkayakap kami ni ate grabe siya ang higpit para tuloy may alaala na kahit malabo pero nararamdaman ng puso ko.
Kapag may ginagawa ako nak kung hindi ang kuya Benjamin mo ang kalaro karga ka ng ate mo, at susko anak mas matindi pa ate mo sa akin kahit langaw di ka pinadadapuan at hindi inaalis ang tingin sayo. Kaya ang saya ng puso ko nak kapag nakikita ko kung paano ka nila inaalagaan at prinoprotekhan at ganoon ang durog ng puso ko nak ng maghiwalay-hiway tayo kung alam mo lang kung gaano kasakit sa ate at kuya ng hindi ka nila kasama ng matagal na panahon.
-MamaParang naririnig ko yung "No bunso!", "Very good naman ang baby namin!", "Yehey galing-galing!",....
"Kumusta ka na? Anong nangyari? Ang laki mo na, kulang talaga ang time natin sa video call at tawag sa phone, pahug nga ulit sa baby bunso namin"maraming tao na nagtitinginan pero imbis na mahiya ako, i feel good and somehow brings me to a place of peace and safety.
"Hoy kayong magkapatid mamaya na ang drama nailagay ko na gamit ng kapatid mo dear sa sasakyan tara na" si kuya Kurt ang boyfriend ni ate.
"Dear naman alam mo naman ilang years namin hinahanap itong bunso namin"
Binuksan ni kuya kurt ang pinto ng van.
"Oo dear alam ko umiiyak ka pa nga kapag birthday ng bunso nyo tapos todo kuwento ka tungkol noon maliit pa siya"
"Ito naman, tara na nga o siya bunso tara na para makakain na rin at magkukuwentuhan tayo."
---------------
Ganda ng mga ilaw ang romantic ng vibe, ang lamig din ng simoy ng hangin. Napapayakap tuloy ako sa sarili ko.
"Hey bunso, inom ka muna"dumating ang magjowa nasa rooftop kami ng apartment na tinutuluyan namin.
Humiling kasi ako ng solong apartment nakakahiya kasi sa magjowa kung doon ako maglalagi sa kanila.
Sumandal si kuya Kurt sa may grill malapit sa akin.
"Kamukha mo talaga si dear ng bata pa siya ngayon tumanda na kasi mukha niya puro stress kasi ate mo"banat nito at may lumipad na donut kay kuya.
"Sira ka makatanda to."
Tumabi na rin si ate sa akin at saka inabot ang hot choco.
"Napaaga ba ang flight mo dito dahil ba gusto mo na akong makita or may dapat kang ikuwento sa akin?"sumeryoso na ang tono ni ate, kanina kasi nakuwento ko na halos buong buhay ko kasama si papa.
"Bel its not okay to ask your brother about that"mahinahon na pagwika ni kuya.
"Wala lang gusto ko lang ishare niya ang nasa loob niya kasi i believe kapag naishare mo na yan eventually gagaan and until mawala."napatingin ako kay ate and i tried to smile at her.
Broken hearted ako, pero wala ito kaya ito mas dapat ko ng tignan ang buhay ng masaya at tagumpay.
"He is my first ate, he is my boss pero dahil nga siguro may pagkapusong mamon ako nagkaroon ako ng crush sa kanya at hindi ko naman alam na magkakaroon ako ng instant connection sa kanya dahil noon nalaman ni kuya Benj na magkapatid kami at tropa pala sila naging close kami, doon nagsimula ang lahat..."relax lang ako wala na yata akong maiiyak pa iniwan ko iyon sa Pinas tama na siguro yun.
"All i can say is be strong and focus ka muna sa ibang goal mo, makakahanap ka din ng kagaya ni kuya Kurt mo, ilang taon na ba kami. Lucky to have him sobrang lucky mula ng magsimula kami dito iwan niya buhay niya sa Pinas para suportahan ako dito."
"Mas lucky ako diyan sa ate mo biruin mo paeasy-easy lang ako noon pero your sister becomes my light"humarap ngayon si kuya sa nagniningang ilaw ng siyudad "She even my strongest ally kahit wala ng naniniwala sa akin even my family siguro ayon lang binigay na nga kami ni God para sa isa't-isa"
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
RandomDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...