"Hoy!"naglalaro kami ng bata batuta ng ito na naman si hoy.
"Ang tunay na ina ay narito gustong makuha anak hello!"ang sama ng tingin ko kay ate.
"Ate busy kami ng baby ko okay!"
Tapos nakisali sa kama ko si ate at kinulit na si baby.
"Kumain ka na nga doon bunso at saka pwede ako naman sa baby ko"kiniss kiss ni ate si baby tapos tawa ng tawa ito sa ginagawa ni ate pati kasi sa kili-kili hinahalik-halikan.
"Ayaw gusto ko dito lang sa aking ang baby ko"actually wala akong gana masaya na akong makipaglaro sa baby namin.
"Lumakad ka na doon para kang ano diyan"
Sumimangot ako tapos kunwari nagsumbong sa batang abala sa paglalaro ng bear at balls.
Tumayo na rin ako, ayaw ko kasing mag-inarte sa harapan nila.
Pagbaba ko parang may kaaway si mama, pero ang totoo inaaway niya lang ang character sa teleserye tandem pa sila ni manang.
Dumiretso ako sa kusina para kumain.
Sumandok ako at sinabayan ng paglalaro sa phone sabi kasi ni goooggle gawin ko yun para makalimoot kahit panandalian.
Pero sadya atang sinusubok ng pagkakataon, lumabas sa screen ko ang pangalan niya at tumatawag.
"Hello"monotone kung sagot at sumubo ako at nilakasan ang pagnguya para mapansin niya na nakain ako.
"Kumusta di ka nagtetext maghapon?"alam mo yun sa isip mo bakit di na lang sabihin na wala na di ba? sarap magsalita ng masama.
"Busy"talagang parinig kong nakain ako.
"Ngayon ka pa lang nakain?"
"Oo"
"Uwi ko bukas puntahan kita?I miss you"pero wala akong nararamdaman sa sinasabi niya.
"Nasa La Union ako bukas kailangan ako doon para magcheck"pagsisinungaling ko.
"Ganoon ba sige kain ka muna baba ko na ito"
"Okay"hindi ko na hinintay nakipag-unahan na ako ng off na phone.
Napatigil ako ng saglit, gusto kong umalis at ngumalngal pero ayaw kong maging abala sa iba, yung tipong pag-aaksayahan nila ako ng oras dahil lang sa drama ko.
Lumalakas ang boses na lumalapit sa akin, si manang na nakikipagtalo pa din sa teleseryeng pinanonood nila.
Benny balik na!
Sumubo ako at saka kunwari nagstastart ng game.
"Iho gusto mo ng tubig or juice?"dinig kong tanong ni manang"napatingin ako sa kanya.
"Ay opo manang juice po at tubig na rin po please thank you"at binalik ko ang pansin ko sa ginagawa ko.
Ilang sandali ay natapos din ako at bumalik na sa kuwarto ko.
Naligo, at sasabihin ko pa ba? Oo umiyak ako habang nagshoshower, nakakainis kasi biglang may pumipitik sa dibdib ko ang sakit lang.
I just spend my time crying while the water runs.
---------------------------------------
"Bunso papasok ka ba?"shit mukhang hindi ako nagising sa tunog ng alarm ko.
"Uhmmm ate pwede bang tanghali na lang ako pasok medyo sumasakit ang ulo"tugon ko hinigpitan ko pa ang yakap sa unan.
"Ayan kasi sinabi ng next week ng tapusin ang work tapos inabot ko lang sayo pamangkin mo hindi mo na binalik hay naku sige na kita na lang mamaya"pumikit na lang ulit ako at narinig kong magsara ulit ang pinto.
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
RandomDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...