Chapter Fourteen

12 0 0
                                    

Hindi ko siya pinapansin.
Kahit anong kulit nya kunwari nagbabasa ako ng story sa phone.
Hanggang makarating ako ng bahay.
Pagkabati at bigay ng pasalubong kina mama at kuya dumiretso ako sa kuwarto at naglakbay sa akin mundo.

Ang saya ng hinaharot ka ng crush mo.
Ang saya ng ginagawan ka nya ng action na parang pagmamay-ari ka niya at pagmamay-ari mo siya.
Ang saya kasi dream mo yun eh.
Pero katangahan na mahulog sa kanal na may putik at lumok kahit kaya mo namang hindi.

Nababaliw na naman ako.

"Anak?"tawag ni mama, nagising lang ang diwa ko sa paglalakbay na yun ng marinig ko si mama.

"Po?"binuksan ko ang pinto.

"O anak bakit di ka pa nagpapalit ng damit-" pumasok na si mama "ito may dala akong gatas uminom ka muna bago matulog, hala-"pagbaba ni mama ng gatas sa working table ko ay hinila niya ang luggage ko putik di pa pala ako nakakapag-ayos "pagod ka siguro sa biyahe anak ako na mag-aayos nito."akmang bubuksan na ni mama ang luggage ng pigilan ko ito.

"Mama ako na po hehehe nagpahinga lang po ako saglit."umupo na ako sa sahig at binuksan ang bagahe ko.

"O sige anak wag kalimutan uminom ng gatas tapos bukas palabhan mo na yan kina manang" tumalikod ito sa akin at kinuha ang laundry basket.

"Ah mama may gusto pala akong sabihin"

"Ano yun anak?"nilagay niya sa tabi ko ang basket.

"Pwede po ba akong sumama kay ate sa Paris at doon na lang po ako mag-aaral?"

Umupo na rin si mama sa sahig at tinulungan akong maglagay ng damit sa basket.

"Oo naman anak pwedeng-pwede mas mainam yun ng matulungan mo si ate mo doon at saka marami ka din matutunan sa ibang bansa."

"Salamat mama pero sure po ba kayong okay lang na doon muna ako?"

"Anak ayos lang at saka twice a year kaming napunta ng Paris ng kuya mo kaya mabibisita ka namin"

"Sabi po kasi sa mga nababasa kong article sa magazine maganda daw po mag-aral ng tungkol sa business sa ibang bansa at saka magresearch na rin para at least maging malawak po ang ideas and knowledge pagdating sa negosyo."

"Tama yan anak bukod sa pag-aaral mag-enjoy ka din at okay lang na magjowa ka para may insipirasyon ka hehehe"

"Mama naman eh wag muna po yun ang goal ko po kasi mag-aral, matuto at pagkatapos po tutulong po ako sa inyo."

Napatigil si mama at napatingin sa akin at ngumiti.

"Masaya ako para sayo anak and kampante na rin ako na magretiro man ako, i'm happy to have Belinda, Benjamin and you my baby bunso, pakayakap nga si mama bunso."lumapit na ako kay mama at niyakap siya "Kahit hindi kami naging okay ni papa mo alam kung proud na proud yun sayo at siyempre ako din dahil lumaki ang baby ko ng mabait at masipag."

Bumukas ang pinto...at biglang sumingit sa eksena si kuya.

"Ehem drama-drama parang teleserye"

Inalalayan ko ng tumayo si mama.

"Para naman hindi ka rin madrama lalo na kapag inaaway ni Jessie"binuhat ni mama ang basket "Hala ma ako na diyan"habol ko "Hindi na nak lalagay ko lang naman sa labas ng pinto mo at sasabihan ko na sina manang para malimutan"

Lumabas na si mama at naiwan na kami ni kuya.

"Bakit kuya?"

Inabot niya ang isang box na kulay puti at siguro singlaki ng birthday cake yun.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon