S2 E2

6 0 0
                                    

Ito na iyong party....

But bago yun nahuli ako ng pamangkin ko na paalis at ayon pakarga ayaw akong paalisin. Alam mo iyong kapit na kapit siya noong binuhat ko eh sabi ko kay mama need ko ng umalis kasi kailangan kong umattend doon sa party ng possible na pinakamalaki ko na sigurong client. Balak ko nga babaan ng konti ang presyo namin sa kanila kasi ayon sa proposal nila kada buwan dalawang box ng limang perfume namin ang kukunin nila at ititinda sa store nila kasama pa ang facial at lips moisturizer, whitening cream with SPF50  at saka iba pa.

Aarte pa ba ako, pati product ng SPA bet nila sinabi ko na kay kuya Jessie yan at nabasa naman niya ang proposal okay na okay daw.

And guess what sarado ang restaurant namin kasi umorder sila ng food din sa amin na papakain sa bisita, at kahit 150 lang ang invited nagpaluto sila for 400 katao kasama na doon ang tauhan nila kaya di magkanda ugaga sina Neri at Mika sa pag-aasikaso.

Simple get-up pero suot ko siyempre ang brand na binibenta ng store ko.

Mamaya ko na papadaan kay kuya Noy iyong pangformal ko kapag sa hotel na at balita ko 50 pang kami mga VIP ito guys, may pogi sana char.

"Kuya okay lang ba ako di ba ako nadumihan si baby kulit kasi nagpakarga pa?"tanong ko sa driver ko.

"Okay naman po sir wala naman pong dumi at bagay na bagay po sainyo ang porma ninyo lalo kayong pumogi"sagot naman niya.

"Naku kuya bola ka diyan kala mo makakabonus ka hehehe, sige na kuya iyong bilin ko po ah tawagan kita."

Tawa lang din at matapos noon umalis na rin siya.

Ang laki pala talaga nakita ko lang to sa social media pero magara at huge ang lugar pwedeng tumambling ng 5000 times.

May lumapit sa akin nakapolo shirt na red na fit sa kanya at naka jeans na fit din okay naman ang katawan di naman ganoon katabaan pero bukol sa shirt ang bilbil, siguro yun ang uniform (napaka mo no lait ka?) hala hindi ah nilarawan ko lang si ateng to naman galit agad.

"Good afternoon sir kayo po si sir Benedict tama po?"

Huh? Kilala mo ako ateng?

Eh malamang vaklang two nasabi nga namesung mo diva?

"Ah eh oo ako nga actually invited ako sa event."

"Opo nasabi na po ni mam ganda"

Mam Ganda?

Sino?

Teka amo mo ba ako?

Gaga malamang si Beauty Queen ang sinasabi niya.

"This way po tayo sir"ang laki ng store, warehouse ito pero iyong area niya maraming malalapit na bahay, school at offices. Inayos at pinaganda mukhang papatok ito at may malaki ding parking lot kaya walang hassle para sa mga may kotse.

"Miss saan po tayo pupunta?"mukhang sa office niya ako dadalhin.

"Ay pinasasabi po ni mam Caressa sa office daw kayo habang wala pa ang iba andoon na po siya para di po kayo mainip."

"Ah ganoon ba salamat ah."sumunod lang ako.

Ganda dito ah.

Tumapat kami sa isang pinto at binuksan ito, grabe hotel ba ito?

"Hello sir!"hala adik ba to?bumeso siya siyempre sosyal ako today kaya keri lang char.

"Hi Ms. Caressa bakit po dito eh may mga bisita na sa labas eh?"

"Kasi po padating na si doc."

"Doc? Bakit wala naman akong sakit ah."

Natawa ang gaga.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon