Nababaliw na ako sa office, pero infairness daming bumati sa akin parang ang fresh ko daw at saka glowing ngumiti lang ako di naman kasi ako sana'y na binabati.
"Benedict pakiayos itong mga folder huh tapos dahil mo sa accounting department please" inabot ni mam Jo ang mga folder.
"Opo"agad kung sinalansan pagkakuha ko. Wala naman ganoong gawain today. Namiss ko tuloy noong party daming kong nakilala, pero ito ang nakakatuwa.........
Yung parang close na close kami ni boss Ian.
"Ito try mo ito masarap"sinubuan ako ng slice ng sausage.
"Sarap no"kumuha ng tissue "Ano ba yan parang bata"pinunasan niya ako sa labi.
"O tara doon naman tayo pakilala din kita sa mga kasama natin sa negosyo."yung bango niya tapos init ng katawan, ay init ng katawan hahahahaha.
Tapos umupo pa kami sa isang table magkatabi din kami habang chumichika sa ibang nilalang.
Dikit na dikit kami................
Sana habang buhay na ito mahal na mahal kita boss....
"Tara na bunso ako na maghahatid sayo"binuksan niya ang pinto ng kotse.
"baka pagalitan tayo ng kuya mo at ni tita"
Awww......kala ko naman......nalungkot ako doon...
"Huwag na po"
"No pasok na dali na madaling-araw na dali na"
Wala na akong nagawa....
Ang sweet niya pero parang kapatid lang pala ang sa amin dahil tropa niya si kuya ko.
Hindi ko na lang alam kung anong itsura ko sa sandaling iyong kasi naman...tapos makita ko pa sa isip ko sweet moment nila ni Lucy.........kainis.
"Hoy!"
"Ay palaka!"
"Naku Benedict Erese na nag-aayos ng folder pero nakatulala baka naman mag-iba-iba ang laman nyan naku mapapagalitan tayo nyan"si Ms. Jo pala.
"Sorry po hehehe"
Bakla ka tigil na........
"Psssstttt!"napatingin ako sa paligid ko wala naman si Ms. Jo at focus na ako sa ginagawa ko sino naman yun?
"Ang sipag naman hehehe tara miryenda"si Boss Ian pala napatayo ako grabe makangiti tapos.......wag po ang liwanag.
"Po?"
"Ay boss good afternoon ano pong atin?"biglang labas ni Ms. Jo.
"Wala naman Miss Jo ayain ko lang sana itong baby ko ng miryenda"shit kinilig ako, ay wait....
Nasundot na lang ako ni Ms. Jo sa tagiliran ko and pinayagan naman niya ako. "Ganda mo beh laban"bulong ni Ms. Jo sa akin grabe ka po kung alam mo lang po hahahahaha.
"Ku-kuya may trabaho pa ako eh"bulong ko kay Boss Ian.
"Eh ano ako ang boss dito kaya pwede kita ayain at saka may pinadala si Lucy na pizza sabi nya pakainin kita"si Lucy sungal-ngalin ko yung babae mo eh, charot.
"Ah eh boss pwede po wag ka ng umakbay baka ano kasing isipin ng iba"
"Eh ano hayaan mo silang mag-isip na jowa kita malay mo maging tayo"
Napamura na lang ako sa isip ko!
Pero wag po marupok po ako!
Nararamdam ko ang tingin ng mga tao sa amin, nahihiya ako ng sobra....oo crush ko si boss pero mali iniisip nyo tropa po siya ng kuya ko at malapit na rin siya kay mama kung alam nyo lang po...bulong ko sa sarili ko habang naglalakad kami ni boss-kuya.
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
DiversosDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...
