Part 37

7 0 0
                                    

"Halos sumabog ang dibdib ko kakahanap sayo akala ko kung napaano ka ano ba kasing nangyari sayo-"daming sinabi ni mama pero ako nakaupo sa sofa natulala lang di ko nga alam kung anong ginagawa ko sa oras na ito.

"Sumagot ka naman anak ano bang problema mo huh!"oo naririnig ko ang sinasabi ni mama pero hindi ko alam ang sinasabi niya.

Alam mo yung pakiramdam na wala kang ganang magsalita, gumalaw, umintindi at huminga pero natural na kasing nangyayari iyon kaya hinahayaan ko lang kaya naman bahala na ewan ko.

"Ma ako na muna kakausap sa kapatid ko kalma ka na please"naririnig ko si ate pati si baby naririnig ko ng naiyak siguro natatakot na sa boses ni mama.

Inaya ako ni ate na tumayo at saka pumunta sa kuwarto ko.

"Now tell me bunso, sabihin mo kaya ate, may problema ba?"

Umupo ito sa tabi ko.

Marahan akong tumingin kay ate wala man akong ganang magsalita, all i want is to be alone, cry, and sleep.

"Alam mo ba ang pakiramdam na ate na wala kang ginawang masama, hindi ko naman siya inaway, wala naman akong demand sa kanya or anything but why it end up like that?"i felt my ate's hand squeeze mine gently.

"Ganoon talaga bunso eh sa pag-ibig no matter how good you are as a partner  but when the other person in the relationship suddenly found someone else kahit wala, kahit meron kang ginawa may masasaktan, sasaktan at babalewalain na lahat ng anumang kagandahan na binahagi mo sa relasyon ninyo."

"But i just want him to tell me, tell me where did i go wrong? hindi ba sapat ang ako, ang sarili ko bilang ako para sa kanya?baka naman pwedeng ayusin o baka may pwede akong baguhin kasi as far as i know ate wala akong ginawang masama sa kanya."wala na akong mailuha sa sandaling iyon, pero dama ko ang bigat at sakit sa dibdib ko.

"Its only him that have the answer bunso eh, alam mo nagagalit ako kasi i know how painful it is sayo sa pinagdadaanan mo ito and honestly gusto kong sugurin si Ian."

"No ate don't, please wag, maybe i should be the one to off everything since tinapos na rin naman niya ang lahat even he left me hanging and waiting for the answers, maybe hindi na dapat akong umasa pa, narealize ko bakla lang pala ako, ni hindi rin siguro karapat-dapat kasi bakla lang ako, pangit, basura, wala rin akong matres, hindi ko maibibigay ang kaya ng babae na iyon sa kanya, i'm just a piece of shit at higit sa lahat hindi ako kamahal-mahal."

"Mali ka diyan bunso, hindi ka isang Lang lang, you are our precious brother mahal na mahal ka namin, kamahal-mahal ka hindi ka basura don't think like that dahil sa ginawa sayo ng tao iyon. And please don't say na bakla ka lang, tao ka, tao ka at wag mong maliitin ang sarili mo dahil sa nangyari, nangyayari naman ito sa lahat, almost, pero keep going, keep moving okay lang manghina ka pero wag mo namang ibaon ang sarili mo sa kanya, bata ka pa marami pang darating sayo."

Bumukas ang pinto at nakita namin si kuya Bench.

"Tama si ate, bunso."lumapit na ito sa amin, lumuhod ito sa harap ko at saka ako hinawakan sa kamay "Andito kami ni mama, ni ate Bel, kuya Kurt at baby boy mahal na mahal ka namin wag kang matakot bumitaw"tinapat niya ang kanang palad niya sa dibdib ko "wag kang matakot bumitaw sa nararamdaman mo sa kanya, kung tapos na tapos wala na tayong magagawa eh yung ang pinili ni Ian siguro hindi talaga kayo meant for each other but we want you to keep your smile on your face, and the bunso na nakilala namin, malakas ka, matatag ka parte lang ito ng buhay Benedict, ang mahalaga buhay ka pa, at mahalaga ang buhay na yan."pinasilay ni kuya ang ngiti sa kanyang labi habang nakatitig sa akin.

"Naalala ko ang madalas sabihin ni mama sa amin ng kuya mo, ang mga pagsubok dumadaan yan pero nasasayo kung paano mo yan lalagpasan pero pakakatandaan mo ang minarka ng buhay sa sandaling iyong kasi iyon ang magiging sasakyan mo para hindi ka maligaw sa susunod pang pagsubok, bunso sa mga panahon na hindi ka pa namin nakikita alam namin marami ka ng nadaanan at tignan mo andito ka kasama ka namin di ba kasi malakas ka, kasi natuto ka, kasi may puso ka at matibay ka. Bunso heartache will pass and it makes you smarter and better on the next chapter katulad ng paglagpas mo sa nakaraan mo alam mo ba how proud i'm kapag nalalaman ko sa client natin na you make them feel happy at nasasatify sila sa paano ka magwork even the people around you alam mo kung bakit naachieve mo yan dahil sa mga natutunan mo. And kahit si kuya Kurt mo nagugulat knowing na baguhan ka sa field at sobrang tuwa ni mama kapag naririnig niya yun kahit yan kuya Bench mo susko kung alam mo lang bunso we are so proud of you, you are so bright and talented. Lagpasan mo ito bunso and you will bloom, bata ka pa, maraming darating na pagkakataon sayo, wag ka ng manatili sa kung anong meron dati at sa gusto mo sana bagkus lakad na, sulong na okay."

"Ate ang haba naman"

Natawa silang dalawa, actually ako din but narinig ko naman lahat tama siya pero siguro dahil una kaya masakit, pero tama siya si ate i need to go on with my life ito na siguro kasi ang end point ng sa aming dalawa.

"Basta bunso andito lang kami huh kapag kailangan mo kausap and kung siya bumitaw na sayo kami lalo na si mama at si baby boy natin we will never kami na ang forever mo, halika ka"niyakap ako ni kuya at sumali din si ate and i feel lighter that time.

Kinagabihan si mama naman ang kumausap sa akin, umiyak ako sa kanya, i felt her anger kay kuya Ian dahil sa ginawa nito sa akin. Pinayuhan din niya ako.

"Ang pag-ibig naman kasi anak di naman laging pwedeng masaya at makulay darating din kasi ang panahon na susumpa mo yan, but the more important is you love, you share love and feel the love."

"Hindi ka dadalhin ng paglubog mo dahil sa nangyari sa dapat sana ay kinaroroonan mo, yung deserve mong marating. Keep you eyes on the goal and keep your feet walking towards it. Pasasaan naman eh mawawala din yan nararamdaman mo magiging parte na lang ng alaala yan pero nakarating ka na sa gusto mo kasi nga di ka nagpatalo sa sakit bagkus ginawa mo yan na drive di ba?"

"At andito naman si mama ako na lang muna ang lovelife mo mas mahahalin ka ni mama ng higit sa lahat at saka andito ang kuya at ate mo andito din si baby boy natin at siguro naman ayaw mong nalulungkot si mama di ba?"napailing ako noon at saka yumakap kay mama ng mahigpit "anak kaya mo yan andito lang kami huh mahal na mahal ka namin at laban lang anak maraming nangangailangan sayo at darating din ang tunay na magmamahal sayo."

Katabi kong natulog si mama at kinabukasan kahit mabigat pa ang pakiramdam ko gumising ako, kumain ng lutong almusal ni mama at nakipaglaro sa pamangkin ko.

I need to fight.

I need to be strong.

I need not to be grounded by the pain.

Ngayon lang to lilipas din ito, hindi ko alam kung kailan pero dapat akong lumaban.

Itutuloy.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon