Chapter 15

12 0 0
                                    

Ian's PoV

Huminto kami sa isang fastfood restaurant pinaiwan ko na siya sa kotse.

Naiinis ako una hindi nya ako pinapansin simula noong umuwi kami galing sa team building namin, hindi daw ginagalawa yun peace offering ko, tapos laging sumasama sa field eh office work siya. Humanda sa akin tong tao na to kahit kapatid pa siya ni Benjamin. Tapos nakita ko pa siyang nakikipag-usap sa ibang lalake puta mapapatay ko yun.

Siguro 10 minutes din ako sa pila maraming tao kasi ng dumating ako.

Ng ako ng dinamihan ko na rin ang order ko. Foodtrip kaming dalawa sa hotel namin sa unit na para sa akin. Kailangan mag-usap kaming dalawa.

Matapos ang pagbili ng pagkain bumalik na ako sa kotse, inabutan ko itong naglalaro sa phone niya.

"Umayos na ka ng upo mo!"pagalit kong utos dito.

Umayos naman ito ng upo, para siyang bata na natatakot.

Pinaandar ko na ang kotse patungo sa hotel, akin ka lang ngayon baby ko!

---------------------

Hindi ko na alam ang gagawin.

Nagtext ako kina Tammy, para humingi ng payo kaso di pa nasagot.

Ano kayang problema?

Oo di ko pa rin siya pinapansin at hindi ako nagstay sa office bagkus nasama ako kay Ms. Jo sa field.

Kinakabahan ako hindi naman ako makatawag kay kuya, kasi parang nahihiya din ako tapos baka mag-away pa sila dahil sa akin.

Paano na kaya?

Sa gitna ng aming paglalakbay patungi sa di ko alam, binuksan nito ang music player.

Ang galing ng timing ng kanta........

Ba't hindi pa sabihin ang hindi mo maamin.............

Hinayaan ko na lang ito at tumingin na lamang ako sa labas. Saan kaya kami patungo at hanggang saan ko kaya kakayanin na pigilan ang damdamin ko sa taong hindi pwede maging akin. Bakit ba naging problema ito eh crush ko lang naman siya, bakit ako napunta sa ganitong punto ng pag-iisip?

Hindi ko hiniling ang ulan sa tag-araw.

Gusto lang naman lumaya sa init na nakakapaso.

Idulog sa tubig ang sakit at ilubog ang sarili.

Ako ang gumawa ng pag-agos na ito.

Ngayon ninanais ng makalipad palayo.

Nasasaktan na ako sa pagkakamali kong binuo.

Baka ang totoo ako lang naman ang lahat.

Baka ako lang bumubuo ng istoryang ito.

Saan nga ba dadaloy pa ang ihip ng hanging ginapos.

Nilikhang apoy paano papatay, o baka ako na lang mamatay.

Hindi ko na alam anong gagawin.

Kasalanan ko ito, bakit ba ako napunta sa ganitong senaryo ng pagkakataon.

Wala naman siguro ito at wala naman masamang mangyayari. Una kaibigan siya ni kuya, close sila ni mama, boss ko siya at siguro ang totoo sa lahat mula ng malaman niyang kapatid ako ng matalik niyang kaibigan ay nakakabatang kapatid na ang tingin niya sa akin. Siguro ayaw nya lang ng may ganito kaming eksena, siguro mali nga ako bakit umaarte ako ng ganito eh una straight siya hindi naman siya magkakagusto sa akin kahit artihan niya ako ng ganoon na iba ang interpretasyon ng dibdib ko kasi nga crush ko siya kaya iba talaga ang tingin ko sa ginagawa niya, siguro ang ginagawa niya lang ito bilang lambing kuya lang at siguro nalaman niya na malambot ako kayo ganoon. Umayos ka na lang Benny!

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon