E5

7 0 0
                                    

Sila tawa ng tawa ako bigat na bigat na sa dala ko grabe si mama mamili ngayon.

Hayaan mo na happy naman si mama deserve naman niya tagal niyang nagpakapagod kakawork and ito na ang fruit ng kanyang pagod "chilling and shopping".

"Hoy nak!"napatingin ako sa tinawag ni tita Liza kapatid siya ni tita Amalia guardian ng anak niya dito yung binisita namin dito.

Napatingin naman ako sa tinawag nila.

Ang tangkad.

Slim pero maganda ang porma ng katawan wait no! may laman naman siya kumpara sa akin at may bukol na muscle mali pala ako sa description ko basta di siya malaki siguro kung ako ang tipikal na slim na may konting laman siya may laman talaga at saka may bukol na muscle. Basta ang gulo kong magdescribe kasi mas focus ako sa smile niya.

Mahaba din ang buhok at nakatali ito ng scrunchies na kulay itim, nakita ko kasi ng dumaan ito sa harap ko at ayon sinalubong si tita Liza, and another thing is ang bango niya.

Hindi yung strong parang sweet and smooth scent na malinis na mabango na nakakatuwang amuyin na parang pwede bang habulin pero chill lang ang amoy pero ang bango eh, hahaha sorry mabango siya at gusto ko ang ganitong scent yung scent and mild lang.

Tapos hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila ang alam ko lang nageenjoy ako sa amoy niya at sa smile niya. Tapos ang sarap sigurong hawakan ang pisngi ang smooth kasi visual pa lang iyon ah what more kaya kung mahawakan ko talaga, tapos yung jawline niya, tapos bagay ang suot niya sa kanyang na fit na black shirt, litaw ang kaputian niya, tapos nakatuck-in pa wala siyang tiyan, mali hindi umbok ang tiyan niya ang flat, tapos nakabelt ng brown leather at pants na kulay brown na dark tapos nakaconver$3 siya na shoes na white. Siguro nasa 5'8 or 6'0 ft siya basta mas mataas siya ng hindi hamak sa akin parang ang sarap siguro yumakap niya tapos papakinggan mo ang tunog sa dibdib niya.

"Oy anak ang laway"biglang may panyong tumakip sa aking bibig, shuta nakanganga pala ako napatingin tuloy ako kay mama na parang natatawa sa akin ako naman annoyed kasi naglalakbay pa ako sa pagkilatis sa lalaking dumaan sa harapan ko na kausap ni tita Liza.

Narinig ko silang tumatawa and biglang hala lumakas ang tibok ng puso ko noong lumapit si tita Liza, tita Amalia at yung lalaki.

"Lawrence this ______________________"Lawrence pagkarinig ko ng pangalan niya lumutang na naman ako kung saan.

"And this his youngest son, Benedict."may sumundot sa akin at natauhan ako at saka inabot ang kamay niya.

"Hello =-8308 @^899"hanu daw?"

"Ah-eh uhmmm Benedict nice to meet"sheet anyare sa akin.

Ang lambot ng kamay niya hala nakapaglotion ba ako?

"Nice to meet you too di ko alam na may cute and beautiful son pala si tita&8300- 369)*(&)(_"may sinasabi pa siya pero nakatingin lang ako sa kanya at smile.

"Ay wait Lawrence excuse lang ako may nakita akong magandang bilhin kita tayo sa bahay."thank you mama!

"Anak huh tulala much?"

"Huh mama ano yun?"

"Ewan ko sayong bata ka pero eeeiiihhhhh bagay kayo"tumawa na slight lang na malakas si mama pero yung tawa na masaya na may kilig, tama ba basta di usual laugh niya.

At pumasok kami sa store na puro shoes na pambabae ang tinda, may bilin pala si ate Bel kaya ayon sinugod ni mama.

-----------------------------------------

"Mama paano po natin ito iuuwi eh ito pa lang ikalawang bugso ng shopping nyo di na kasya sa bagahe natin at saka suwerte po ng mga tauhan niyo ah kahit di na kayo ang boss nila may pasalubong pa rin sila sa inyo."ito ang isang bagay na gusto ko kay mama kasi talaga hindi siya nakakalimot sa mga naging tao niya lagi siyang may binibigay sa mga ito at yung din ang nagustuhan nila kay mama.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon