E9

3 0 0
                                    


Isang sulat ang nareceived namin mag-asawa, aaaayyyiiieee mula sa isang sikat na blogger and influencer na half pinoy at half kalamansi, maasim cheret yun kasi sabi ng iba maasim daw ugali pero ewan.

"Hello kumusta, wow nice to finally meet both of you huh and lalo na po ikaw-"tingin sa akin ni Ms. Aliyah Mariah.

"Hehehe thanks"galing ng sagot di ba?

Pinaupo na kami at nagsenyales na siya sa mga kasama niya na magstart na.

Nasabihan na rin kami about dito at tungkol saan ang pag-uusapan tungkol sa gagawing interview.


Nag-intro na si bakla at kami naman mag-asawa chill lang.

"Grabe sobrang happy ko po now kasi gaya ng promise ko sainyo guys makakasama na natin ngayon ang isa mga laging nasa trending Instaphotogram at XY."tumingin ito sa amin at "Mr. Benedict Del Rosario and Mr. Lawrence Del Rosario, two years na po right? Wow and base po sa mga nabasa ko and nakita ko sa post ninyong mag-asawa, literaly wow talaga and hoping kahit po ibang nagsisimula maging inspiration iyon set-up ninyo, so ang una ko pong tanong paano ninyo po napagsasabay ang work, family life at relationship ninyo

Nagkatinginan kami at nagsenyas siya na ako na ang sumagot.

"Sa relationship namin dahil parehas kaming busy, ako naghahandle ng business namin mag-asawa tapos nag-aasikaso ng mga issues sa investment and other stuff namin though may tulong pa rin mula sa kanya. And sa kanya naman kasi is lumipat na siya sa pagiging public attorney and sobrang dami ding hawak na cases so ayon kahit pag-uwi nasa study room siya nag-aaral ng kaso niya. But even though na ganoon ang buhay trabaho namin but we never let na hindi magmessage kahit once or twice para alam namin ang nangyayari sa amin at sa mga bata, kapag matutulog nag-uusap kami kuwentuhan kahit saglit, tapos nagiging open kung may maling nagawa or sama ng loob, date namin kapag may time nalabas kaming pamilya at or minsan kaming dalawa lang at sa simple date lang-"

Pinatong niya ang kamay niya sa hita ko ang tumingin ako and nabasa ko kaagad na magsasabi siya.

"Sobrang simple lang kasi nitong asawa ko when it comes to date, maglalakad lang sa park tapos kakain ng ihaw or fishballs, o kaya kapag nagustuhan namin ang palabas sa sine ganoon lang or minsan kapag marami akong time sa tabi ng pool namin set-up lang lulutuan ko siya kahit hindi ako ganoon kagaling magluto which is sobrang nakikita ko na naaaprepreciate niya tapos magtatawanan lang kami sa lasa ng pagkain kasi itong asawa ang marunong magluto."dagdag ni Lawrence.

"Tapos sa celebration like birthday simple lang din binibigyan ko lang siya ng letter, chocnut, sopas which napakamemorable sa aming dalawa na gustong-gusto niya na niluluto ko and surprisingly gusto din ng mga bata or nagpapabili ako ng tatlong set ng pabango na gusto niya, minsan nagpapatawa ako nagsasayaw ako ng sexy kapag kaming dalawa na lang sa kuwarto habang nakasindi ang mga scented candles and karamihan lalabas kami kakain together with our kids"dagdag ko.

"Kaya no wonder po na okay na okay ang flow ng relationship kasi may communication and understanding talaga-"tapos kumuha siya ng isang index card sa mesa.

"So nasagot na po ninyo ang relationship and work paano naman kayo as daddies sa mga bagets?"sunod na tanong nito.

"Ako kasi normal lang but somehow traditional kasi tinuturuan ako ni mama ko at ni ate lalo na sa screen and gadgets, kaya kung makikita ninyo sa bahay may playing area talaga kami para sa mga bata na mas nakakagalaw sila, takbo, laro ng bola, makapagpuzzle, drawing though may time kami na manood ng mga favorite nila with my supervision or ng asawa ko minsan alam ng mga ate nila kung anong gagawin while binabantayan ang mga alaga nila."

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon