Actually litong-lito ako kung saan ako pupunta hahahaha.
"Saan po kayo pupunta sir?"tanong isang kasambahay na mukhang bata pa.
"Ah eh kasi hinahanap ko sana yung library sabi kasi ni kuya may iniwan siyang mga gamit doon kukunin ko sana"tugon ko, ilang araw na ba ako dito nalilito pa rin ako laki kasi ng bahay eh.
"Ah sige tara samahan ko na kayo"sumunod lang ako sa kanya para akong nasa mall.
Pagpasok namin, grabe dami din mga books kaso tamad akong magbasa hahaha. Ano ba yan Benny kaloka ka!
"May kailangan pa po ba kayong iba sir?"tanong ni teka.....
"Wa-wala na"tumalikod na ito pero hinabol ko lang para tanungin ang tanungin ang pangalan.
"Clara po sir tawagin nyo na lang po ako kapag may kailangan kayo"
"Sige Clara salamat ah"
Muli akong tumingin sa paligid ang sabi ni kuya nasa table daw yun, ah ayun nakita ko na may tatlong paper bag sa ibabaw ng la mesang gawa sa matibay at mamahaling kahoy.
Kinuha ko ang paper bag at saka lumabas muli.
Sabado ngayon at off ko ngayon, five days a week lang kasi ang pasok ko.
May kabigatan ang dala ko grabe ano kaya itong mga to si kuya talaga.
Wala sila ngayon ni mama kaya nakatunganga lang ako pero may pinababasa sa amin si Miss Josephine para sa launching para kapag may nagtanong daw may isasagot kami marami daw kasing pupunta.
"Hello kuya?"sagot ko sa phone kong may saltik.
-Nakita mo na?
"Yes kuya nakita ko na po"
-Buksan mo na galing kay ate yan.
"Talaga galing kay ate"
Binuksan ko kaagad binaba ko muna ang phone sa kama.
Laptop, dalawang phone at saka mga pabango.
Dinampot ko ulit ang phone.
"Kuya ang dami naman po nito at saka ang mahal"
-Hehehe okay lang yan bunso kay ate galing yan ayaw mo kasi bilhan kita eh kaya si ate ang bumili lagot ka doon kapag di mo tinanggap.
"Hala kuya hindi naman sa ganoon nakakahiya kasi eh"
-Sira bakit ka mahihiya eh kapatid ka namin.
"Sobra na po kasi na nandito na ako tapos inaalagaan naman ako ni mama solve na solve na po iyon kuya."
-Hmmm para ka talagang si mama, pero wait pauwi na rin si mama tapos mga after two hours pauwi na rin ako mall tayo huh inutasan kasi ako ni mama bilhan ka ng mga damit at wag kang kokontra si mama na ang may utos.
"Sige po ayaw ko namang magalit si mama."
-Okie dokie bunso tapos bukas may pupuntahan din tayo.
"Saan po?"
-Basta kasama din natin boss mo.
"Talaga kuya?"hala bakit ko nasabing ang ganoon ng may excitement baka anong isipin ni kuya.
-Hahahahahahaha.
"Hoy kuya bakit ka natawa"
-Wala sige na may kakausapin pa akong client bye bunso.
"Okay kuya ingat ka po"
Sira ka Benny......hayst.
Tok!Tok!
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
AlteleDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...