Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 2: Deeply
Kabanata 27
Watching the beauty of Bataan has been my life since I live here. Kapag gusto kong mag-isip o kahit magpalipas lamang ng oras, rito lagi ako sa aking balkonahe at tinatanaw ang mala-paraisong ganda ng lugar. Naging gawi ko na ito sa mga nakalipas na taon at nasanay na ako. At kapag ganitong nakatulala lang ako, I always wonder how my friends are doing. How's my father and everyone I left behind.
For the past years, tanging si Kuya Liam lamang ang nakakausap ko sa kanila. I deactivated all my social media accounts, burned my old phone and totally isolate myself in here. I never talked to anyone. Kahit kay Papa.
Kuya Liam always updates me of my father's whereabouts but I don't have the courage yet to talk to him. Bawat tawag ni Kuya sa akin, lagi niyang nababanggit si Papa at tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.
Matapos noong nangyari years ago, I heard that Papa returned to Manila to manage the business because Tito Lorenzo refused to do it anymore. Sa sobrang galit ni Tito Lorenzo, hinayaan niya si Papa na ayusin ang lahat ng naging problema kabilang doon ang muntik nang pagbagsak ng negosyo namin. And when my father settled everything, I heard he went to US without clear reasons. Basta ang sabi raw ni Papa ay doon muna siya.
With that news, I felt relieved because at some point, my father is making his way to realise things. Mali pala ako noong mga panahon na naniwala akong maghihilom ang mga sugat basta magkasama kaming dalawa. It was the other way around. We healed separately and with our very own ways. Hindi pala namin kailangan ang kahit sino para maalis ang sakit.
Ayon din kay Kuya Liam, my father was trying his best back then to talk to me but afraid to because of my condition. Noong marinig ko iyon, parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko. For the first time since Mama left us, he remembered me. He remembered that I am his daughter who's waiting for him. But then again, because I was too hurt and broken, hindi ako nakipag-usap
And recently, I heard from Kuya Liam that my father is back to finally announce his retirement. Ako na lang ang hinihintay para gawin niya iyon kaya naman itong si Kuya Liam and the company's shareholder are all eager to meet me in person. My father's company and all its subsidiary is all mine. Sa akin iyon ipapangalan ni Papa once I come back.
At first, I am hesitant to accept it. It's too big for me. Hindi bastang responsibilidad lamang pero dahil alam kong walang ibang gagawa, tatanggapin ko. I just need time before that. I just need to assure first that I am all okay to finally take the responsibility.
"Psst! Senyoritang lutang!"
Naistorbo ang aking lutang moment nang mula sa ibaba ay may tumawag sa akin. Napakunot pa ako ng noo. Nang mapagtanto kung sino iyon, I smirked. Dumating na pala ang broken ng taon.
"Huwag mo akong ngisian diyan! Muntik na akong i-report noong babae sa kabila dahil inakalang akyat-bahay ako! Kanina pa ako tawag nang tawag!" sigaw niya mula sa baba. Ngumisi ako at nagpasyang salubungin ang bagong dating.
Pawis na pawis siya na akala mo ay tumakbo ng milya milya.
"What happened to you? Bakit pawis na pawis ka?"
"Ikaw kaya ang umakyat doon sa bakod ano? Kanina pa rito, walang sumasagot!"
"Sorry about that," I said and giggled. Sinimangutan niya naman ako. "Nasaan ang mga gamit mo?"
BINABASA MO ANG
Deeply (IN LOVE SERIES #2)
General FictionAya was totally lost. Her mother died and her father is totally wrecked. For the sake of saving, both her and her father, she choose to leave everything behind and turn her back even it means to lose her greatest dream -to be part of the National Vo...