Kabanata 40

342 7 1
                                    

 Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you

***

July 24, 2021

This is the final chapter of my second installment of IN LOVE SERIES. Next will be the Wakas. Thank you very much for the support you have given me through out the whole time I am writing DEEPLY. This is not possible without your support and patience to wait until we reach this chapter. It was hard at first because I thought I won't finish this but here we are! I hope you enjoy the journey of my Isaac Camillo and Alyanna Mayumi! THANK YOU VERY MUCH! Mahal ko kayo!

MARAMING SALAMAT! KEEP SAFE EVERYONE AND GOD BLESS! SENDING LOTS OF LOVE!

P.S. I did proofread this chapter.


In Love Series 2: Deeply

Kabanata 40

ISAAC CAMILLO ACOSTA

She was the first who said that my eyes are beautiful.

"Who's that girl, Noriel?" I asked Noriel, one of my friends who works in Casa Mayumi owned by the Amantes. "Iyong kasama ni Marta?"

I was in grade 12 when I first saw her. It was summer before I enter college. Nasa Casa Mayumi kami dahil nagyaya sina Iskong maglaro ng basketball.

Lumingon si Noriel sa babae na tumatawa habang kausap ang mahinhin na si Marta, pinsan ni Noriel.

"Anak iyan ng Senyor Roderick. Nagbabakasyon rito, bakit?"

"Ngayon ko lamang nakita. Akala ko'y si Melay lamang ang apong babae ng Don Armando."

"Sa Maynila iyan lumaki. Tuwing summer lang iyan rito kaya baka nga hindi mo kilala," sagot nito at itinuloy ang pag-dribble ng bola.

Inayos ko ang aking salamin at pinagkatitigan ang babae.

Matangkad ang ito at payat. Mahaba ang buhok na naka- braid mula sa tuktok. Ang mga mata ay katamtaman at may mahahabang pilik. Maliit ang ilong at may manipis na labi na hugis puso. Kulay rosas iyon at hindi na kailangan pa ng kahit anong kolerete.

"Type mo?" tanong ni Isko nang mapansin ang pagtitig ko sa babae. "Mataray at maarte iyang si Mayumi. Kay Marta lang hindi."

Mayumi huh? It suits her. She is beautiful.

Muli kong inayos ang salamin ko at mas pinagkatitigan siya. She's younger than me, I think. Mukhang ka-edad lamang nina Marta.

Napangisi ako nang maarte siyang umirap sa kaniyang pinsan na si Nel at maarteng hinawin ang naka-braid na buhok. She crossed her arms over her chest and gave Nel a deadly glare.

I like her. That's for sure. I like her.

"Gusto mong magpakilala, Senyorito? Mukhang type mo. Hindi lang ako sigurado kung papansinin ka dahil ubod ng taray at arte. Ayaw makipag-usap sa iba."

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatitig sa babae. Ayaw niyang makipag-usap sa iba? Sa akin, ayaw rin?

Nagtungo si Noriel sa kung nasaan sila. Sumunod ako, walang ibang emosyon. Humalukipkip ako nang makalapit at hindi nag-alis ng tingin kay Mayumi. From my post, I can smell her sweet scent. The hem of her dress is gently dancing as wind blew.

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon