Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 2: Deeply
Kabanata 1
I cried hard inside our SUV. Kuya Liam was just hugging me. He did not say anything and just listening to my torment. This is too much to take, very hard to accept but I need to defend this until everything fall on their right places. I will just give it a bit of rest for me to fight this battle 'till the end. Dahil kung hindi, ay matatalo lang ako sa gitna ng digmaan ng kalungkutan at pighati.
In just a blink, my city life ended, my dreams fell, and my heart broke.
Akala ko noon, my greatest heartbreak will be given by a man which I'll love. Iyong lalaking una kong iibigin. Mali pala ako dahil ang unang wawasak pala sa puso ko ay ang aking pinakamamahal na ama. And that heartbreak is not only in love. Heartbreak will always find its way in everything- family, friendship, commitment. Every circumstance has heartbreak, even in less important situation. Iba iba nga lang ang atake.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa bisig ni Kuya Liam. Ang huling naalala ko lang ay ang pag iyak ko. Mabuti na rin siguro iyon , nakapagpahinga ako kahit saglit lang.
"Drink this, Aya," Kuya Liam handed me a bottle of water. Kinuha ko iyon at ininom.
"Where are we, Kuya?" I asked.
"We're already in the premises of Batangas pero malayo pa sa farm."
Tahimik kong pinagmasdan ang tanawin sa labas. If this is one of those escapades in my bucket list, I will appreciate the beauty of this place.
Hindi na ako nakatulog. Kahit pa nakarating na kami sa bayan kung saan naroon ang farm ay nanatili akong mulat.
The familiar way reminds me of my childhood vacation. May kaunting pagbabago ang bayan pero hindi katulad ng mga pagbabago sa siyudad. This is still a typical province. Kaunti lang ang mga gusali at mga sasakyan. Karamihan pa ay mga pampasahero. This municipality is known as the Cattle Trading Capital of the Philippines kaya siguro hindi masyadong pinauunlad. They're preserving the title, the agriculture and the nature.
This is where my Papa grew up kaya siguro pumayag siyang bumalik dito.
"Aren't you hungry? Pwede tayong tumigil muna para makabili ng pagkain," nilingon ko si Kuya Liam. Tumango ako sa kanya. Medyo gutom na nga ako. "What do you want?"
"Anything, Kuya,"
Itinigil ng driver sa gilid ang sasakyan. I was about to go out, too but Kuya stopped me.
"Dito ka na lang. Medyo mainit sa labas."
Hindi na ako nakipagtalo sa halip ay nanatili na lang sa loob. Bumaba si Kuya kasama ang driver at ang bodyguard ko. They went to a store nearby. Pinanood ko silang pumila sa maliit na tindahan. They look out of place in the middle of the line. Lalo na si Kuya Liam. The market goers are looking at him with awe. Tila bago sa kanilang paningin si Kuya Liam.
Well, Kuya Liam never had a chance to stay here for long. Pumupunta lang siya rito noon, dalawa hanggang tatlong araw. Hindi katulad ko na taon taon ay narito para sa bakasyon. Madalas kasi sa ibang bansa sila magbakasyon kaya hindi na nakapagtataka na hindi siya masyadong kilala dito. And he hates going here. Mas gusto niyang sa siyudad lang siya.
BINABASA MO ANG
Deeply (IN LOVE SERIES #2)
General FictionAya was totally lost. Her mother died and her father is totally wrecked. For the sake of saving, both her and her father, she choose to leave everything behind and turn her back even it means to lose her greatest dream -to be part of the National Vo...