Kabanata 36

209 7 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 36

"I-I want to go home..." ulit ko kay Camillo na nakayakap sa akin. Ilang sandali na kaming nasa ganoong posisyon. I even saw Noriel, Isko and Dino nearby, waiting for us to be done. Tumango siya at marahang kumalas sa pagkakayakap. Muli niyang sinapo ang aking mukha.

Ramdam ko ang pag-iingat niya sa bawat galaw at haplos niya. Ramdam ko ang rahan ng mga galaw niya na parang anumang oras ay mababasag ako. It feels like I am so fragile that one wrong move, I will break and shatter in to pieces.

Pinahid niya ang natirang luha sa aking mga mata. Inalis din niya ang hibla ng buhok na dumikit sa aking mukha dahil sa pinaghalong luha at pawis. Habang ginagawa niya iyon, nakatitig lang ako sa kaniya.

No words came from me, even if I wanted to say things on him. I wanted to ask him questions like what is he doing here, where's his fiancée and many more. Kaya lang, dahil na rin sa takot ko kanina sa kaniya, nawalan ako ng boses. Baka kapag nagsalita ako ay magalit ulit siya.

Miracle they say, my trembling stopped. I was panicking earlier but now, my system calmed with no particular reason. My inner being is at peace and luckily, I did not faint.

"Let's go home, then," he said after a moment of silence. Marahan akong tumango at hindi na nakipagtalo. Doon na rin lumapit iyong tatlo sa amin. Camillo opened his car, wanting for me to get inside his car.

"K-Kasama ko si Kuya Allan..."

"Nakausap na namin si Kuya Allan, Senyorita. Susunod na lamang siya sa atin," Noriel said. Tumango ako at akmang papasok na sa sasakyan nang umalingawngaw ang sigaw ni Chrishane sa buong parking. Mabilis ang lakad niya at tila isang bulkan na sasabog.

"Alyanna Mayumi!" iyon agad ang bungad niya kasabay ang isang malakas na sampal. Napabaling ang aking ulo pakaliwa. The impact is too much that it immediately stings. Ramdam na ramdam ko ang galit na ibunuhos niya roon.

Napapikit ako roon. Muling nangilid ang luha. I expected this.

Walang nakapigil dahil lahat ay nagulat. Even Camillo, who's just standing beside me, didn't expect the sudden wrath of my best friend.

"Putangina, Alyanna!" I can feel his overflowing madness. With my eyes blurry for the unshed tears, I slowly turn my head. Taas baba ang kaniyang dibdib. Umiiyak at parang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"C-Chrishane..." ako sa nanginginig na namang boses.

"Duchess Chrishane!" mula sa kung saan ay sumulpot ang mga kaibigan kong kanina lamang ay naiwan sa loob. Malalaki rin ang kanilang hakbang. Si Barron ang unang nakalapit at agad na inawat si Chrishane.

"Are you insane, Chrishane?! Give her time!" sigaw ni Barron.

"Time?! Eight years is more than enough time for her! Putangina," she cursed.

"Chrishane, will you please calm down? Maybe she's not yet ready!" singit ni Kapitana. Iniharap niya si Chrishane sa kaniya at tinitigan ng seryoso. "Walang mangyayari kung magagalit ka."

"At kailan pa siya magiging ready?! Kapag mamamatay na ulit siya?! Ha?!" muli siyang humarap sa akin. "Ha, Alyanna?! Noong bumalik ka, hindi ako nagtanong dahil sabi ni Kuya Liam, ayos ka lang. Na kailangan mo lang lumayo dahil hindi ka sanay sa nangyayari noon pero ano? Naaksidente ka, muntik ka nang mamamatay and worse, you tried to killed yourself!"

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon