Kabanata 10

180 4 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 10

Ilang oras na akong nakatitig sa pink na handkerchief. Nakapatong iyon sa harap ng vanity mirror. Hindi ko alam kung bakit lagi ko iyog natitigan kapag nakikita ko. Dalawang araw na ang nakararaan noong umiyak ako sa harap niya.

Hinayaan niya lang naman akong umiyak. Sa ilalim ng bilog na buwan, sa ilalim ng puno ng mangga, both sitting on the swing, he let me cried. He did not say any comforting words. He just let me be and I am thankful for that. His presence is more than enough for me.

In times of sadness, we only need someone's presence. Never mind the words and anything. Just their presence and it is more than enough.

I sighed and stared again at the handkerchief. Sa ibabang gilid ng panyo ay may initial ng pangalan niya.

"Senyorita, handa ang Don Armando at ang Senyor Lorenzo sa baba," said Marta from behind me. Muli akong bumuntong hininga.

"Sige, Marta, bababa na ako," I said. Kinuha ko ang panyo at inilagay iyon sa bag ko. Inayos ang sarili sa harap ng salamin bago nagpasyang bumaba.

Tatlong araw pagkatapos nang nangyari kay Ynarra, muli kaming ipinatawag ng President ng PGC for another meeting. This time, kasama na namin iyong anak ng Mayor at iyong kaibigan nito.Walang sinabi kung pupunta ba nag alkalde. At dahil hanggang ngayon ay nasa Quezon pa si Papa, si Tito Lorenzo ang tatayong guardian ko kasama syempre si Lolo.

"Tito," I greeted bago nagmano. Ganoon din ang ginawa ko kay Lolo. Hindi naman ako pinagdamutan ni Lolo ng kaniyang kamay kahit pa may hindi kami pagkakaintindihan dahil sa nangyari noong bumisita sina Camillo.

"Dadalo ba si Mayor?" iyon agad ang tanong ni Tito.

"Hindi ko alam, Tito. Hindi ako sigurado," I said. Marahan naman tumango si Tito sa akin.

"Your Kuya Liam is worried, Aya, pati ang iyong Tita Sheryl. Call them after," he said.

"Later, Tito."

Tahimik lamang si Lolo sa kaniyang tabi. Alam kong disappointed pa rin siya sa akin.

I didn't know doing the right thing is a disappointment. I didn't know helping someone, who's in danger; we need to first think our family name.

Tahimik ako sa loob ng sasakyan. Kahiwalay ako sa sasakyan nina Tito dahil iyon ang gusto ni Lolo. Hindi ko alam pero maging si Lolo ay hindi na gusto ang presensya ko. isinantabi ko iyon at sumunod nalamang sa kaniyang kagustuhan.

"Senyorita, tumawag po sa akin si Senyorito Liam kanina at kinakamusta ka," ani Kuya Allan habang tahimik kaming bumibyahe patungong PGC.

"I will call him later, Kuya Allan. Thanks."

I miss Kuya Liam. I miss his bad attitude. I miss his oa reactions. At kahit pa malayo siya, he never failed to check on me. I know he's busy pero kahit paano, gumagawa pa rin siya ng paraan para kamustahin ako. Buti pa si Kuya Liam, kinakamusta ako pero si Papa, ni kausapin ako hindi niya magawa. Ni kahit yata tingnan ako, hindi na niya kayang gawin.

Tahimik ang parking ng PGC nang makarating kami. Mabuti na rin iyon para walang mga mata ang nakatingin sa akin. I wore my cold expression again. My weak self is now hiding behind the wall I built for everyone.

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon