Kabanata 38

267 9 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 38

"I'm sorry kung inilihim ko. Sorry kasi hindi ko sinabi. Pero kasi, hirap na hirap akong mag-open kasi I failed..." muli akong pumikit nang magsimulang maglandas na naman ang mga luha. Muling nanginig ang boses ko. "Siguro tama si C-Chirshane... na nung mga panahong iyon, hindi ko nga kayo na naisip. Walang akong naiisip noon kundi ang kung paano patitigilin ang sakit. Kung paano ba matatapos ang lahat kasi... hindi ako sanay... Kasi lumaki akong hindi nakakaranas ng ganoong paghihirap... Na dumating sa puntong kahit sarili ko hindi ko na naisip... Sobrang sakit... Sobrang hirap..."

Huminga ako ng malalim para muling pakalmahin ang aking sarili. Kanina ay kumalma na ako matapos ang mahabang katahimikan namagitan sa lahat ng narito. My girl friends are all crying while Barron and Isagani are looking at me with worry. Si Camillo at sina Noriel naman ay nasa likuran ng kinauupan ko, nakaalalay lamang sa akin.

"It was never easy... It was after I tried to... you know... when I realized that I gone too far. That I almost did the unforgivable... no... I did the unforgivable. After that... I made all my hopes gone and light turn its back on me... It was dark and I have no one but me... no one was there to save me kasi di ba, ang tanging makakapagsalba lang naman sa atin ay ang ating sarili mismo..."

Everyone can be part of someone's healing but it is ourself who can actually heal us, the wounds and mend our brokenness.

"Kaya kahit mahirap... nagpatuloy ako... Kahit madilim, pinilit kong hinanap ang liwanag... kahit nalulunod na, pinilit kong umahon... kahit sadlak na sadlak, bumangon ako dahil iyon ang dapat. Dahil ganoon naman talaga ang buhay di ba? Kahit pa sukong suko na, kailangang lumaban para sa mga taong naniniwala, para sa mga taong nagmamahal at para sa ating sarili mismo..."

For the infinite time since earlier, I buried my face on my palm to let myself ease the pain brought by my unfortunate past. I even felt someone's gentle caress on my back, saying it's okay and it's gonna be alright. I'm sure it's Camillo.

Namayani muli ang katahimikan. The only noise between us were my loud agony and my friends' silent cry.

Siguro nga ay tama si Chrishane na ito na nag tamang panahon para ilabas ko ang lahat ng sakit ng nakaraan dahil kung hindi ngayon, kailan pa? Mabuti na nga siguro itong ganito para wala ng bigat, para wala na akong iisipin na baka magalit sila kasi naglihim ako.

We promised that no matter what happens, no one's gonna endure the pain alone but I broke it like a fragile glass and left them behind.

"Ano Ocampo, masaya ka na? Ayan na, sinabi na lahat ni Alyanna ang lahat ng sakit, masaya ka na?" pasaring ni Szamira matapos ang mahabang katahimikan namin. Nag-angat ako ng tingin. Pinahid niya ang luha habang seryosong nakatingin kay Chrishane. "I hope these confessions of her satisfy you, already Chrishane. I understand you because you are her best friend but your demands are too much. Alyanna is having a hard but you insisted. Sobra, Chrishane."

"S-Szamira..." saad ko.

"Sammy," segunda naman ni Kapitana, stopping Szamira for creating unpleasant scenario.

Humugot ng isang malalim na hininga si Szamira, hindi inalis ang tingin kay Chrishane. Chrishane, on the other hand, was just there, froze and totally loston her post, probably processing everything. Gaya namin ay may luha sa kaniyang mga mata at nakatulala lamang.

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon