Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 2: Deeply
Kabanata 12
Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa ginawa sa akin ni Camillo. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin o kung makakatingin pa ba ako sa kaniya nang diretso. It feels awkward. I can't even imagine I did not stop him from kissing me! Kahit pa sabihing sa noo at gilid lamang iyon ng ulo, halik pa rin iyon!
Pagkatapos ng eksenang iyon sa kubo, agad na akong nagpahatid sa kaniya pauwi. I wanted to stay though because I really like that place but what he did made me want to leave the place immediately so I decided to go home.
Inihatid naman niya ako nang walang imik. Hindi na kami nag-usap pa at ni pasasalamat hindi ko nagawa dahil ang wakward talaga.
Tulala ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Kanina pa akong ganito simula nang ihatid ako ni Camillo. Nakatitig lamang ako sa kisame habang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang nangyari kanina.
"Ugh!" inis kong ginulo ang buhok ko at bumangon sa kama. "Mababaliw yata ako dahil sa senyoritong iyon!"
Nagpasya na lamang akong maligo pagkatapos ay natulog. Nang magising ay agad na nagpadala ng meryenda sa taas dahil tinatamad akong bumaba. Si Marta ang nagdala ng meryenda ko.
"Nakauwi na ba sina Lolo galing PGC?" tanong ko kay Marta pagkalapag niya ng meryenda ko.
"Oo Senyorita. Kaninang tanghalian," she said. Umupo siya sa sofa sa harap ko. "Rinig kong itutuloy ang kaso kay Patrick Olveda. Pati na rin Kay Judy at kay Clara."
"Dapat lang," I seriously said. "We all want justice for Ynarra."
"Nagpunta ka ba sa mga Acosta kanina? Saan ka galing at bakit si Senyorito ang naghatid sa'yo?" asked Marta as she squint her round eyes at me.
Napasimangot naman ako nang maalala ang nangyari sa YNARRA at kung ano ang ginawa ng Senyortiong masungit sa akin.
"Don't ask me Marta. Nag-iinit na naman ang ulo ko," simangot ko.
"Lagi na lang kayong hindi magkasundo ng Senyorito."
"Ewan ko sa Acosta'ng iyon. Hindi ko maintindihan ang mga ginagawa. One minute he is grumpy, another minute he's playful."
Marta giggled kaya lalo akong napasimangot.
I just can't understand that grumpy Acosta. Bigla na lamang nagbago ang mood. Hindi ko rin gusto ang mga giagawa niya sa akin. May damdamin akong nagigising ng dahil sa kaniya. I'm not dumb to not know what it is. Hindi ko pa iyon nararamdaman pero base sa experience ng mga kaibigan ko at sa pag-oobserba ko... Alam ko kung ano iyon.
I'm not ready to feel it or even recognize it because I have so many bullshits in life. It has no room for me.
Hapunan noong araw na iyon nang sumabay sa amin si Papa. Gaya ng gawi sa Casa, si Lolo ang nasa kabisera at si Papa sa harapan ko. Sa tabi niya ay si Tito Lorenzo na tahimik na kumakain.
I am staring at him with longing. Nasaktan man niya ako noong nakaraan, hindi noon maitatanggi na miss ko na ang aking ama. Gaya ng dati, hindi man lamang niyaako tiningnan kahit isang beses. Para na naman akong hangin sa kaniya. Parang hindi niya anak.
BINABASA MO ANG
Deeply (IN LOVE SERIES #2)
General FictionAya was totally lost. Her mother died and her father is totally wrecked. For the sake of saving, both her and her father, she choose to leave everything behind and turn her back even it means to lose her greatest dream -to be part of the National Vo...