Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 2: Deeply
Simula
"How's your father?" Chrishane asked as we walked on the noisy hallway of the University.
"Not doing fine," I sighed as I remember my beloved father. "Still drowning himself with alcohol."
"Paano na 'yan? Ang business niyo?"
I sighed again. Pilit pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata.
"It's doing well, I guess. Nandoon naman si Tito Lorenzo para pansamantalang pamahalaan ang business ni Papa," sabi ko kahit hindi sigurado. Ayaw kong mag alala si Chrishane sa akin. She's still worrying the sudden disappearance of Charity Evangeline. "Kamusta pala si Kapitana?"
"I haven't heard anything since she disappeared. Even Chase and Charles."
I sighed. It's been a month pero sariwa pa rin ang lahat. The sudden death of my mother is still fresh. Kung paano namin siya naabutan ni Papa sa kanilang kwarto, nakahandusay at wala ng buhay. I was a wreck, hindi ko matanggap na ganoon na lang binawi si Mama sa amin.
My father was devastated. He loved my mother so much kaya ang katotohanang wala na si Mama ay hindi niya matanggap. Araw gabi siyang luno sa alak, umiiyak habang hawak ang litrato nilang dalawa ni Mama. Ang sakit noon para sa akin. Seeing my beloved father on that state makes my heart clenched in so much pain. Pinipiga ang puso ko. Punong puno ng sakit at pighati.
My father mourned. Hindi siya nagpakita sa burol ni Mama. Maging sa huling araw niya sa mundo ay hindi rin siya nagpakita. I know what he feels. Seeing the greatest love of his life, gone, was hard to deal with. Masakit iyon and I understand my father. Kahit ako naman ay ganoon din pero mas pinili kong maging matatag para kay Papa at para kay Mama.
I mourned alone. Papa's busy with his own feeling to the point, he forgot his only daughter. I can't blame him, though. Mas masakit para sa kanya kaya mas pinili ko na lang maging matatag sa gitna ng pighati at kalungkutan. My father needs me at kung magpapakita ako ng kahinaan ay walang hihila sa kanya paahon sa kalungkutan.
But now, my father's agony is too much to take. Pinapabayaan niya na ang lahat. Wala na siyang pakialam sa paligid niya at sa tuwing nakikita ko siyang ganoon ay parang pinapatay ako sa sakit.
"You okay?" tanong ni Chrishane sa gitna ng pag iisip ko. Tumango naman ako kahit alam ko sa sarili kong hindi ako okay.
Chrishane sighed. She tapped my shoulder.
"Everything will be okay," pagkalma niya sa akin.
"How's Kapitan pala?" pag iiba ko sa usapan.
"A mess. Hindi niya matanggap, eh. Well, he is at fault, too."
I was busy dealing with my own problem na na kalimutan ko na ang mga kaibigan ko. Masyadong occupied ang isip ko sa nangyayari kay Papa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Natapos ang lahat ng klase ko. Nauna na ako kay Chrishane dahil nag aabang na ang sundo ko. I sighed again. Wala na yata akong ibang magagawa kung hindi ang huminga ng malalim. Sa dami ng problema ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Senyorita," my body guard greeted me. "May pupuntahan po ba tayo bago tayo umuwi?"
Tipid akong umiling sa kanya.Kung sa ibang pagkakataon siguro pero ngayon, hindi ko alam kung maisisingit ko pa ba ang mga escapdes ko. The problems and issues are too much for me. Hindi ngayon ang panahon para sa mga ganyang bagay.
BINABASA MO ANG
Deeply (IN LOVE SERIES #2)
General FictionAya was totally lost. Her mother died and her father is totally wrecked. For the sake of saving, both her and her father, she choose to leave everything behind and turn her back even it means to lose her greatest dream -to be part of the National Vo...