Kabanata 3

211 3 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 3

Nanatili roon sa lalaking may abong mga mata ang aking tingin. Ang intesidad nito ay hinihigop ako at para akong nilulunod sa malalim na parte ng dagat. Sobrang lalim at kinakapos ako ng hininga.

Nakasuot ang lalaking may abong mga mata ng salamin ngunit hindi iyon gaya ng suot niya kahapon. It is like a reading glass or something.

Hindi ako kumurap man lamang sa pagkakatitig sa kaniya. Ang aking maliit na repleksyon ay nakikita ko mula roon na kahit pa may salamin ay hindi nabawasan ang taglay na kagandahan.

Marami akong nakakasalamuha sa Maynila na may kakaibang kulay ng mata. Usually foreigners and I have a friend who has bluish eyes but his are the most beautiful among them. Sa paraan ng pagtitig niya, parang may kakaiba. Parang may malalim na kahulugan ang mga titig niya at ang mga mata niya mismo.

Unconsciously, I stepped forward and went near him. I stopped when we're inches apart. I slowly lifted my hand and caressed his eyes over his eyeglasses.

"You're eyes... it's beautiful..." I softy uttered without breaking my contact with him.

Oh my goodness. It's really beautiful and hypnotizing.

Everyone is now silent while I am still fascinated to his eyes.

Bumalik lamang ako sa reyalidad nang marahas niya akong hawakan sa palupulsuhan ko at marahas niya iyong ibinaba at binitawan. He took a stepped backward and gave me a glare.

Damn. Kahit galit ang kaniyang mga mata ay maganda pa rin. Kita ko rin kung paano nagngalit ang kaniyang mga panga habang marahas ang titig sa akin.

"Liar," he said without taking her eyes off of me.

Ang kaninang inis na nawala dahil sa napakaganda niyang mga mata ay bumalik at mas tumaas pa yata. At dahil may kaniyang buhay ang aking perpektong kilay, kusa itong tumaas. Ang mga kamay ay pinag-krus ko sa aking dibdib at ang aking isang paa ay tinapik-tapik pa sa lupa.

I am pissed! Totally pissed!

I am mataray at maarte but I am not a liar. I hate lies so as the liars!

Damn this man with beautiful grey eyes for accusing me one! Hell! Kahit pa maganda ang abo niyang mga mata, makaktikim siya ng katarayan ko.

"I am not a liar," may diin kong sabi sa kaniya.

"You are," he talked back. Damn this man!

Halos mamula ako sa inis!

Okay Alyanna Mayumi, calm the hell down. Don't lose your class in front of this grey-eyed man. But damn, I can't take it. That's an insult for me.

"I am not a liar. Stop accusing me. May lilipad na mga itlog sa mukha mo kahit pa gandang ganda ako sa abo mong mga mata," I said and stared. We are now battling eye to eye. Kahit pa ang lakas ng hatak ng mga mata niya, nanatili akong nakatitig with my raising perfectly aligned brows.

"Senyorita Mayumi." Naramdaman ko ang hawak ni Marta sa akin. Hindi ako natinag. "Senyorita."

"Hep, Hep! Senyorita, huwag kang pikon at ikaw naman Senyorito Camillo, huwag kang grumpy diyan. Mabuti pa kumain na muna kayo ni Marta, Senyorita. Kami na lang ni Pablo ang magpapasok sa loob nitong mga tray. Tara Pab!" awat sa main ni Noriel. Lumapit naman kay Marta iyong lalaking tinawag na Pablo at mabilis na kinuha ang mga tray.

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon