Kabanata 18

150 6 0
                                    


Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 18

I know it was so sudden to like him in a short period of time but I think I really do like him. I just accepted it and somehow, the kiss that happened yesterday helped me realize and admit it to myself.

I like this grey-eyed man.

Matamis akong ngumiti sa kaniya at nagpa-cute. Kumindat kindat pa ako at pilyang binigyan siya ng flying kiss. Siya naman ay nanatiling seryoso ang tingin sa akin salungat sa kung ano ang ipinapakita ko.

"Wala ka man lamang reaksiyon diyan? I said I like you," medyo malakas kong sabi.

Hindi pa rin siya kumibo.

Kanina lamang ay pinipilit niyang alamin kung ano ang sinabi ko at ngayong alam na niya, wala mana lamang siyang reaksiyon. Sa halip, ang mga kaibigan ko ang nag-react. Nangunguna na ron si Leenard na para bang big deal na big deal sa kaniya na gusto ko ang kuya niya.

"Tama ba ang rinig ko, Mayumi? You like my brother?" Lee asked. Mula kay Camillo ay inilipat ko ang tingin sa kaniya.

"Yes. May angal ka?"

"Are you serious?"

"Of course! Gago ka ba? Sasabihin ko ba kung hindi?"

"Wow! The Mayumi of Manila confessed her feelings! That's new! 'Pag nalaman ito nina Barron, siguradong magpaparty ang mga 'yon!" sabat ng Engliserang frog.

"Hindi niya alam Lee. Wala siyang alam," said Noriel na may kasama pang pag iling. Ganoon din ang reaksiyon nina Isko samantalang si Marta naman ay nanatiling tahimik.

"Alin ang hindi ko alam?" I asked confuse. Ang pinag uusapan namain ay ang pagkagusto ko kay Camillo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksiyon ng ilan sa mga kaibigan ko at ni Camillo mismo.

He's not shock or happy or whatever. He's just looking at me with serious face na para bang may mali sa pag-amin ko ng pagkagusto ko sa kaniya. Samantalang ako, parang tanga rito dahil umamin ako sa crush ko all of a sudden.

What a damn confession you got there, Alyanna. Such a stupid confession.

But so what? Kung itatago ko ba ang nararamdaman ko may magbabago? Like ko pa rin naman siya kahit itago ko. Mabuti na iyong alam niya para naman may sense ang nararamdaman ko.

Kung like din niya ako, it would be better for me. Hindi ako hopia. Kung hindi naman, gagalingan ko ang panlalandi para naman masaya ang life. I should be better this time. Landi lang, magugustuhan niya rin ako.

Pero sa nakikita ko sa mga reaksiyon nila at sa reaksiyon mismo ng Senyorito, parang kasalanan ko pang nagkagusto ako sa kaniya at parang kasalanan kong umamin ako na like ko siya.

"You don't like me. No... You can't like me, Mayumi," sa tagal ng pananahimik ni Camillo pagkatapos kong umamin, iyan lang ang sasabihin niya?

What the hell?

"Is this your way of rejecting me, Camillo?"

"I'm not rejecting you. I'm saying you can't like me. You are not allowed to like me."

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon