Kabanata 25

163 6 1
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 25

Deep pain. I am in deep pain as I took my steps away from the greatest love of mine. He is my motivation yet I am his distraction. He is my comfort yet I am his discomfort.

I took a deep breath and collect my courage to look at him for the last time. It was my one hundred one steps. I slowly turn my body, with face full of painful tears. Mula sa pwesto ko ay kita ko kung paano siya pinipigilan ni Leenard at ni Mr. Acosta para tumakbo sa akin. Marahil ay alam nila kakausapin ako ng Don ngayong araw kaya alam nila kung ano ang gagawin. They predicted it already.

I'm sorry Camillo but I've decided. Maling saktan kita pero mas lalong mali kung itatapon at isusuko mo ang pangarap mo ng dahil lamang sa kailangan kita.

The truth is... I need you. You are my cure. You are part of my healing but I don't like the idea... na ikaw ang kagalingan ko pero kapalit noon ang pagsira mo sa matagal mo ng pangarap.

I must learn how to heal my wound on my own, I guess. Kahit pa gaano kadami ang gustong humila sa akin pataas, at the end of the day, I only have myself. That's the only truth I need to believe. Ako at ang aking sarili lamang ang mayroon ako sa gitna ng mapagkait na mundo.

I love you, Camillo. 'Till we met again...

Nanghina ako nang makarating sa sasakyan. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagsisikip nito. Nanunuot ang sakit hanggang sa kaibuturan ko. Hinampas-hampas ko ang dibdib ko thinking it would ease the pain.

"Senyorita!" someone shouted. Si Isko kasama si Dino at si Gerry. Tumatakbo at humahagos palapit sa akin.

"N-Nakita namin iyong kanina... I-Ihahatid ka namin..." Isko said. Naninimbang. Hinayaan ko sila. Inalalayan ako ni Dino at ni Gerry pasakay ng sasakyan samantalang si Isko naman ay kinuha sa akin ang susi at siya na ang nagmaneho.

Iyak lang ako nang iyak. It was too painful that even the tears won't ease it.

No one dared to talk or even utter a single word. Nanatiling tahimik iyong tatlo habang papalabas kami sa lupain ng mga Acosta. Tanging ang malakas kong hikbi lamang ang naririnig ko. Dahil sobra at hindi ko kinakaya, halos ibaon ko sa mga kamay ko ang aking mukha maibsan lang ang sakit.

Patawarin mo sana ako, irog ko. Kailangan kong lumayo sa iyo para hindi ka masira.

Iyon ang pinakamasakit na labinlimang minuto ng buhay ko. Nakarating kami sa Casa nang hindi ko namamalayan dahil sa pag iyak. Kung hindi pa sinabi ni Isko na naroon na kami ay hindi ko pa malalaman.

"Narito na tayo, Senyorita," he said gently. Tumango ako ngunit hindi agad bumaba.

"Can I ask you a favor..." sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko. Lalong tumahimik ang tatlo. I considered it as my cue to continue. "I will probably leave Padre Garcia. Babalik ako ng Maynila because I can't take it anymore here... G-gusto kong makasigurado na itutuloy ni Camillo ang pagpunta sa ibang bansa..."

Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Isko sa driver's seat. He stared at me from the rear view mirror. Marahan ang pag-iling na para bang kabaliwan ang mga nangyayari.

"Itutuloy niya iyon, Senyorita. Hindi papayag ang Don na hindi iyon matutuloy kaya ka nga naghihinagpis ngayon. Huwag kang mag-alala, sigurado ako na bantay sarado na ang Senyorito dahil alam kong alam ng Don Crisostomo na mangyayari ito."

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon