Kabanata 11

179 4 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 11

"I am your friend and friends understand each other. If you want us to understand you, open your door and let us enter. Surely, you want to be strong and independent but you can be both while having a friend. Hindi naman siguro masama iyon, 'di ba?"

His smile did not fade as he looked at me with his grey eyes full of understanding. Na para bang naiintindihan nga niya ang pinagdadaan ko. Na para bang alam niya ang sakit na nararamdamn ko.

Umirap ako sa kaniya bago ibinaling ang tingin sa mga bulaklak na puno ng iba't ibang kulay ng paru-paro.

"Don't say that. You don't know me. You only knew my name and you only witnessed the one percent of my feelings," I said to him bitterly. It's true anyway. It is early to say that he understand me. He only saw the fragment of my struggle not the whole of it. At napakaimposible noon gayong bago pa lamang kaming magkakilala.

"That's why I am asking you to open your door and let, at least, someone enter. Maybe you are right for that one percent of your feelings and that's enough for me. I don't need the one hundred percent just to understand you. Doon pa lamang sa sinasabi mong isang porsyento, naiintindihan na kita."

Alam kong kahit hindi ako nakatingin, nakangiti siya sa akin.

Nangunot ang noo ko. Hindi iyon para sa paru-paro kundi para sa senyoritong nasa tabi ko saying this weird and unbelievable things.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ganito ang unang impression ko sa kaniya. He's not friendly. Sinungitan at tinarayan niya ako noong unang beses na nagtagpo kami. He called me a liar multiple of times, mock at me for setting standard in love but now? He's acting opposite. Tila isinilang ang bago niyang version, mas hindi ko gusto. I prefer him to be as grumpy as he can be not like this, saying words of wisdom to me.

"Shut up, Acosta. You're starting to annoy me," I snorted. I don't know what to say. Nawalan ako ng panlaban dahil sa kakaisip kung bakit ba siya naging ganito bigla. Hindi ko maintindihan.

"Here we go again," I heard him let out a low chuckle. Pinanatili ko naman ang mga mata ko sa paru-paro na malayang inaaliw ang sarili sa magagandang bulaklak.

Ayokong tingnan siya lalo sa mata dahil malulunod na naman ako at lalong mawawalan ng sasabihin.

"You're trying to off the topic. You are always like that, Amante," bulong niya at ramdam ko ang hininga niya sa buhok ko. Muntik na akong lumingon sa kaniya kung hindi ko lang naramdaman na sobrang lapit na niya sa akin. The private space between us was conquered by him already.

Muli akong napairap. Nang hindi na nakayanan, tumayo ako lumapit na lamang sa mga paru-paro. I sighed and close my eyes tight. This is really weird. My heart beats faster as if I have run a fucking marathon!

"He's such a human being gago. Buti na lang alien ako na mukhang dyosa," I whispered as if I was talking to the blue butterfly resting on a red zenia flower. "Ang weird ng amo niyo."

Ikaw ang weird, Mayumi. Noong isang araw, butiki ang kinakausap mo ngayon naman ay paru-paro. Sa susunod baka pati baka at kabayo sa farm, kausapin mo na.

Umiling iling ako at pinulot na lamang ang isang tangkay ng bulaklak na nalaglag sa lupa. Maganda pa iyon at halatang bago pa lamang na nalaglag. Pinagmasdan ko iyon. Unti- unti ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. I really like flowers.

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon