Kabanata 8

491 12 1
                                        

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 8

"Mama..." I whispered in between my tears. Nakayukyok ako sa manibela. Nakatigil sa isang kalye na tanging ang street lights lamang ang nagbibigay liwanag. "Mama... I'm hurt... Papa hurt me..."

Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap ay ganito ang nangyayari sa amin ni Papa. Alam kong nasasaktan siya sa biglaang pagkawala ni Mama pero nasasaktan rin naman ako. Nasaksaktan din ako. Dobleng sakit ang nararanasan ko ngayon . My Mama is gone and now my father is losing his sanity.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako sinsaktan ng ganito. Kung bakit sa lahat ng nangyayari sa pamilya namin, mas pinili niyang saktan ako. Mas pinili niya akong talikuran sa halip na pareho kaming maghila pataas. Mas inilulubog niya ako while I'm trying to grip his hand and lift him up.

"Damn! Damn!" I cursed as I cried my heart. The pain is too much for me. I can't even explain the intensity of it. My heart is full and anytime, it will explode because of the emotions. Ang sakit, galit, pagod at pagkaawa sa sarili ang nanaig sa akin.

Ilang katarayan pa ba ang ilalabas ko para lang maitago ko ang sakit? Ilang masasamang salita pa ba ang sasabihin ko para lamang maitago ang tunay kong nararamdaman? Para lang ipakita sa kanila lalo kay Papa na ayos lamang ako at kinakaya ang sakit? Ilang pagtataas pa ba ng perpekto kong kilay ang kailangan kong gawin para lang hindi nila maramdaman ang sakit na nararamdaman ko?

Ilang beses pa ba akong iiyak ng palihim para lang hindi sila mag-alala?

And how long I will take the pain alone? How long I will endure everything alone?

Ilang beses kong pinaghahampas ang manibela to release the pain. Nang hindi nakuntento ay ang dibdib ko ang pinaghahampas ko. Pinipiga ito at para akong sinasakal.

When I get tired, I rest my head on the steering wheel. I closed my eyes tight and let my tears flow like a river on my face.

My father hurt me both physical and emotional. I know he's hurt too and I understand him but can he understand me too? Sa sobrang sakit na ba ng nararamdaman niya kailangan rin bang saktan ako ng higit pa sa inaasahan ko?

Damn. Ang sakit talaga. Hindi ko kaya.

I raised my head when I heard the tapping on the car's window. I quickly wiped my tears and glance at it. I saw an image of a man. Biglang sumibol ang takot ko. I checked the car's lock. Nang masigurong nakalock iyon ay kumalma ako kahit paano. Damn. Mapapahamak pa yata ako.

Napaigtad ko nang mas lumakas pa ang katok noong lalaki. Sa pagsilip ko, ang isang kamay niya niya ay may hawak na cellphone at may tinatawagan samantalang ang isa naman ay kumakatok sa bintana ng sasakyan.

Natatakot man ay sinilip ko siya mula sa tinted naming sasakyan. I felt relieved when I saw a familiar figure of Camillo Acosta. I sighed. The grumpy Senyorito with grey eyes is outside with his usual masungit aura.

Camillo again. I remember the scene under the mango tree and the pink handkerchief. Siya rin iyong nakakita sa akin na tumatangis roon.

For the second time around, tss.

Muling kumatok si Camillo roon. Mabilis kong inayos ang sarili bago ko ibinaba ang bintana.

"What?" I asked him and tried to hide the trembling of my voice.

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon