Kabanata 35

209 6 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 35

Dahil sa balitang ikakasal na nga si Charity Evangeline, kinabukasan kahit wala sa plano ay nagpaalam akong uuwi ng Maynila. Pumayag naman agad si Papa.

Alas otso pa lamang ay handa na kaming bumiyahe. Kasama ko si Kuya Allan pagbalik.

"Dadalaw pa muna ako kay Lolo, 'Pa," I said and gave my father a kiss.

"Take care, anak. Huwag mo nang alalahanin ang event. Liam is on his way at narito naman ang Tita Sheryl mo."

"Opo 'Pa. Babalik ako kapag nakalabas na si Lolo."

Marahan lamang na tumango si Papa bago bumaling kay Kuya Allan. Marami na namang siyang bilin at nang matapos ay tumulak na kami pa- hospital. Sa biyahe ay tinawagan ko muna si Kuya Liam.

"Kuya," I said when he answered.

"Liam is driving, Alyanna," si Oli iyon. Hindi man kita, napaangat ako ng kilay. "You're on loud."

"I'm going back to Manila just so you know."

"Ano? Nagsawa ka na sa Senyorito mo?" Oli joked. I rolled my eyes.

"Shut up, Olivia." I said. I heard her giggled.

"Why? Something's wrong?" si Kuya Liam.

"All is well Kuya. Charity Evangeline is getting married," I simply explained.

"Okay. You take care. We're on our way to Batangas. Call me when you arrive."

Pagkatapos ng tawag ay siya ring pagdating naman sa hospital kung saan naka admit si Lolo. Dala ang basket ng prutas mula sa farm, bumaba ako ng sasakyan.

"Samahan na kita sa loob, Senyorita. Ako na ang magdadala niyang basket," presinta ni Kuya Allan. Tumango ako at pumasok na.

I knocked three times before entering Lolo's room. Inihanda ko ang aking ngiti para sa kaniya. He's awake, talking to Rex and Nel while Melay is quietly listening to them. They stopped talking when Lolo saw me.

"Mayumi, apo!" he exclaimed. Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng isang halik sa pisngi.

"Are you feeling well now 'Lo? We brought fruits for you. Fresh from the farm!" I enthusiastically said. "Kuya Allan, pakilagay na lamang sa mes, Salamat."

"Malakas pa ako sa kalabaw natin, apo. Hindi ko alam sa mga iyan at ayaw pa akong pauwiin. Miss ko na ang hangin sa Casa."

"Mas mabuting dito muna, Lolo. Para mas makapagpahinga ka pa." sabi ko bago nilingon ang mga pinsan na tahimik na nakamasid sa akin. Una kong nilapitan si Melay at binigyan ng isang yakap. "Kamusta, Melay?"

"Saang kaharian ka naglagi, Mayumi at ngayon ka lang nagpakita?" masungit na banat sa akin ni Rex. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Diyan lang sa tabi tabi," pang-asar ko sa kaniya. "Kamusta Nel?"

"Never been better Mayumi. Namiss kita at ang katigasan ng ulo mo!" it was Nel and gave me a tight hug.

I stayed there for an hour before I decided to say my goodbye. Ayaw pa akong paalisin ni Lolo. I assured him I'll be back once he discharged himself. Inihatid ako ng mga pinsan ko hanggang sa sasakyan. Binantaan pa akong kapag hindi ako bumalik ay magkalimutan na raw kami. I laughed at them before waving my goodbye.

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon