Kabanata 14

173 5 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 14

Natigil ako sa paglalakad patungo sa aking room nang tumunog ang cellphone ko, isang umaga. Kagat labi ko iyong sinilip at sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ang pangalan ng Senyrito roon.

Panay na ang text namin sa isa't isa simula noong makuha ko sa kaniya ang aking cellphone. Puro mga pang aasar lang din naman ang mensahe namin sa isa't isa but it brings joy and delight to me for an unknown reason. I felt excited everytime he sent messages to me at bawat tunog ng cellphone ko, tumatalon na agad ang puso ko. At kapag hindi galing sa kaniya ang message, nadidisappoint ako.

It feels weird but yeah, iyon ang nararamdaman ko. His effect is something. Something different at ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.

I read his text.

Senyoritong Masungit: Are you already in PGC?

I smirk. Maasar nga ang isang ito.

Ako: Why are you asking? Jowa kita Camillo?

Senyoritong Masungit: Malapit mo na akong maging jowa. Just say yes and I will be.

Ako: You are not even courting me, paano kita jojowain?

Lalo akong napakagat sa labi ko. This is really insane. My feelings are really insane. Camillo is making me insane everytime.

Senyoritong Masungit:  I'm offering. Araw araw kitang liligawan kapag jowa mo na ako.

Ako: Hindi ba dapat ligaw muna?

Senyoritong Masungit: Gusto kong jowa muna kita bago ligawan. Let's break the perspective. For me, it should be the relationship that matters not anything.

Humalakhak na ako. Lintek, segurista ang walanghiyang si Camillo! This grey-eyed man!

Ako: Are you on your right mind now Camillo? Your words are insane.

"Ang gago ng Senyorito," bulong ko sa hangin bago itinago ang aking cellphone. Uling-iling habang paakyat ng hagdan patungo sa floor ng classroom ko.

Nang makarating ay tahimik akong umupo sa assigned seat ko. No one from my classmate greeted me or even dared to talk to me. Kahit nga sa groupings ay walang nagsasali sa akin, maybe because they are all afraid of me or maybe because they don't like me.

That's okay with me though. Mas gugustuhin ko pang maging mag-isa kaysa makipagplastikan sa kanila. Nandiyan naman si Marta so I don't really mind.

Sa pag-upo ay siyang muling patunog ng cellphone ko. Expecting it was Camillo, I excitedly read the message.

Senyoritong Masungit: Susundiin kita sa room mo. Let's have lunch together.

Napataas ako ng kilay sa mensahe niya. What? Nakalimutan ban yang lagi kaming sabay na nagla-lunch kasama ang mga kaibigan?

Ako: Sabay naman lagi tayong naglu-lunch ah? Kasama sina Marta?

Senyoritong Masungit: Gusto kong sabay tayong pupunta sa canteen.

Nagreply ulit ako. Nakangisi bago kinagat ang labi.

Ako: Ayaw ko.

Mabilis ko nang itinago ang aking cellphone nang matanaw ang aming unang professor sa araw na ito. Nagsimula ang aming klase. It was light, a normal interaction between both the professor and his students. A little recitation and my first class ended. Sinundan ng pangalawa hanggang ang pang umagang klase ay natapos. It was an easy class for me so far. Hindi gaanong nag pa-activity at puro discussion lang.

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon