Kabanata 9

163 6 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 2: Deeply

Kabanata 9

Hindi ako nagtagal sa hospital kung saan naka-admit si Ynarra. Gustuhin ko man siyang makausap, ayaw ko namang maistorbo ang kaniyang pahinga. Nagbilin na lamang ako sa taga bantay niya na sabihing dumalaw ako.

Umuwi na ako pagkatapos sa hospital. Naroon na si Marta na busy sa pagtulong sa mansyon. Tumango ako sa kaniya bago pumanhik sa taas deretso sa silid ko. Hindi na ako nag-abala pang magbihis at basta na lamang pabagsak na humiga sa aking kama.

I stared again at my brown ceiling. A smile crept on me when I saw again the two lizards playing freely on it. Tila sila lovers na masayang naghahabulan doon.

"How are you, two little lizards? You seem very happy on my ceiling," I said as if I am talking to an old friend. "I wish I am happy as you are. I wish I have the freedom to disappear like what you do and come back when everything is okay."

And I know I can't. Even if I wanted to disappear and left everyone behind, I know I can't. I love them. I love my family. I love Papa and even if he hurts me, he is still my father. Kung tatalikod ako dahil lang sa nasaktan ako, para ko na ring pinatay ang sarili ko. Bukod doon, sila lang ang mayroon ako at hindi ko sila kayang talikuran.

I can sacrifice everything but not my family. Family no matter what happen is still our family who we can lean on.

Pinanood ko ang dalawang butiki roon hanggang sa muli silang mawala sa paningin ko. 

"Nababaliw ka na, Alyanna. Pati lizard, kinakausap mo," mahina akong natawa sa sarili. Ang hirap kapag sarili mo lamang ang masasandalan mo.

Sa isang laban na hindi alam kung paano lalaban, walang ibang kakampi kundi ang sarili.

Sa gitna ng aking pagmumuni at pagkausap sa sarili ay tumunog ang cellphone ko. Kunot noong tiningnan kung sino ang nagtext at mas lalo pang napakunot nang makita ko na ang masungit na senyorito iyon.

Senyoritong Masungit: The bodyguard said you already left.
Muli iyong tumunog. Sa kaniya ulit galing ang message.

Senyoritong Masungit: Are you home?

Umirap ako. Ano ba talaga ang nakain ng senyoritong ito? Bakit panay na nag text nito sa akin? And do friends text often? I am friends with Barron and Isagani but we weren't text each other unless it's important.

Ako: Why are you texting me, Acosta?

Tumitig ako sa cellphone ko at muling binasa ang mensahe niya. Another message pop up from him.

Senyoritong Masungit: Why? Friends text each other, didn't they?

"Gago ba 'to?"

Ako: Gago ka ba?

Senyoritong Masungit: You really have a bad mouth, Amante. What should we do about it?

"Gago nga," I said.

Ako: Don't text me.

Iyon ang huling reply ko bago ko ibinagsak ang cellphone ko sa kama. Inis akong bumangon at nagpasyang magbihis at matulog na lang tutal wala naman akong gagawin. 

Deeply (IN LOVE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon