Chapter 22

348 12 4
                                    

Stressss. Friday the 13😱😱😱
***
"Mm, bakit hindi mo suot yung bracelet?"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa tanong nya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot. Anong sasabihin ko?

"Kiara? Okay ka lang?"

"Ah, oo. Okay lang ako. Ano.. uhmm.. ano kasi.. naiwan ko sa bahay ng tita ko. Hindi ko nakuha kasi baka malate ako sa party mo. Hehe, ayun. Sorry."

"Ah, ganun ba? Sige okay lang. Akala ko tinapon mo na eh. Magtatampo ako kapag tinapon mo yun."

"H-ha? H-hindi no!"

"Buti ka pa, iniingatan mo yung bigay ko sayo.. si Don... pinapabalik nya sa akin. Kundi naman, hindi nya gagalawin sa labas ng pintuan ng bahay nila, sa sunod kong punta dun, nandun padin. May collection na nga ako ng mga regalong narereject nya eh." lalo akong naguilty dun sa sinabi nya. Buti pa daw ako? Iniingatan? Sly kung alam mo lang ang nagawa ko, mas malala pa sa ipinabalik na regalo!

"He-he. S-sayang naman pala yung mga gifts na yun. Malay mo, pag naging okay na kayo, tanggapin nya na lahat yun."

"Sana nga. Baka pagod ka na, medyo matagal na rin ata tayong nagsasayaw dito. Naka-heels ka pa naman. Tara, iupo na kita." pumayag naman ako. Feeling ko kasi paga na rin paa ko eh. Sakit kaya! Sa puso este sa paa!

Hinatid na nya ako sa table namin. Nagpasalamat sya ulit sa akin. Ako naman, inaatake na naman ng kilig dahil sa kanya. Huwag nang isipin si Don! Ang mahalaga, sinayaw ako ni Sly!

Napansin kong tahimik si Chuanget at wala na si Pau kaya tinanong ko si Mai kung anong nangyari. Binulong nya sa akin na sinubukan daw ayain ni Pau si Chuanget na magsayaw pero tinanggihan lang daw ang conyo. Kahit gusto kong sapakin si Chuanget ngayon, pinagpaliban ko muna dahil masaya ako. Pasalamat sya may kilig moment ako ngayon, kundi icocombo hit ko talaga yang Chuanget na yan.

"Mukhang masayang masaya si Kiara ngayon ano?" pang-aasar sa akin ni Al. Feeling ko namula na naman ako. Maalala ko lang yung nangyari kanina lang, parang sinasapian na ako sa kilig.

"Halatang halata naman eh!" natatawang sabi ni Mai.

"Ang yabang mo? Hindi nga? Halatang halata?"

"Oo, namumula ka kanina pa." Shit! Nakakahiya! Baka napansin ni Sly na namumula ako kanina. Nakakahiya talaga.

"Don't worry, binibiro ka lang nila. Di ka naman namula kanina eh." singit ni Chuanget.

"Sumisingit hindi naman kabati." pangaasar ko sa kanya.

"Pogi naman!"lumapit ako sa mukha nya. Namula naman sya. Anong meron dun?

"Nasan dyan yung word na 'pogi'?" umurong naman sya.

"Aysh! Pogi ako, wag ka nang kumontra dun."natawa ako sa sinabi nya. GGSS din ang isang ito eh.

"Pagbigyan ang panget." nagcross arms sya at naggalit galitan. Psh, as if naman aamuin ko sya. Kung si Sly pa sya! Di pa nagtatampo si Sly, aamuin ko na. Pagkatapos ng ilang minutes, nagsalita na sya ulit. Napansin nya rin siguro na wala akong interes na amuin sya.

"Samahan mo ako."

"Saan naman?"

"Kahit saan dyan."

"Ayaw k--" tumayo sya at hinila na ang kamay ko. Nakakainis, FC. FC talaga sya. Tumingin ako kay Mai at Al pero tinawanan lang nila ako. Langya yung dalawang yun, gustong masolo ata yung moment kaya hinayaan nila akong harasin ni Chuanget!

"Saan ba tayo pupunta?"

"Tumahimik ka na lang dyan." hinila nya ako papunta sa kabilang garden. Hindi na lang ako umimik kasi baka barahin na naman ako ng panget na'to. Kala mo pogi, hind--- medyo pogi lang naman. Hindi naman sobrang pogi.

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon