Chapter 11

418 16 0
                                    

Sorry for this late update :((((

Kapag talaga may pasok, plastado ang katawan ko T^T

First week pa laang eh tambak na ang plates at assignments -________-

Dedicate to you!

Thank you sa comment mo! :)))

Guys, comment kayo para may dedication nemen. XD

***

"Kiara! Pakiabot naman nung red na ribbon dyan sa ibabaw ng table! Salamat!" sigaw sa akin ni Mai. Nakatungtong kasi siya sa hagdanan, nagkakabit ng designs para sa Tourism Night. Bukas na kasi yun, kaya sobrang busy ng manang. Ako naman, pinag-gugupit niya ng mga tickets na bibilhin ng ibang courses. Naubos na kasi yung first at second batch. Kaya eto, may lintog na ang gorgeous kong kamay.

"Uy si Sly!" sigaw ulit ni Mai.

"Asan? Asan?" napatayo ako at nagpalinga-linga.

"Wala naman eh."

"Ayan tayo eh, kapag si Sly ang nabanggit, alerto. Akin na yung ribbon." natatawang pang-aasar niya sa akin. Inirapan ko lang siya at iniabot yung red na ribbon. Nakakainis lang, ako yung utusan dito, palibhasa pinilit ko lang siyang isama ako para i-excuse ako sa klase eh. Dito tuloy ako binabawian -________-

"Si Al kasi utusan mo, siya ang lalake dito eh." mahina kong sabi sa kaniya.

"Ayoko. Magkaaway kami. Bahala siya!" inis niyang sagot sa akin.

"Mmm.. May LQ?" natatawa tuloy ako sa kanila. Confirmed! Normal na silang Couple!

"Awan ko dyan." sagot niya sa akin. Actually, hindi ko sure kung sagot ba talaga niya sa akin yun o parinig kay Al. Nakaupo kasi si Al sa medyo malayo sa amin. Halatang badtrip na din. Ang cute lang nila! Kailan kaya kami magiging ganyan sa ni Sly? Joke. Asa naman ako. Pero bakit ganun? Ayaw kong magmove on kay Sly. Parang masaya parin ako kahit ganito lang kami. Friendzoned. Kaganda kong na friendzone -3-

"Ayusin niyo yan agad. At ikaw naman, mag-ingat ka sa pagkakabit diyan." nakakatakot kasi yung tayo niya. Nasa mataas siyang part tapos tiles pa itong hall na'to. Dito talaga ginaganap yung mga party naming ganito. Hindi kasi pwede sa gym, ang init dun masyado. Hot na nga ako, dun pa ang event? Aba! Baka gusto niyong sumabog ang gym!

Bumalik na ako sa table at tinuloy ko na ang paggugupit. Madami-dami narin itong nagupit ko, pero mas madami parin ang hindi. 20 pieces na kaya nagupit ko! 230 na lang! :))))

Nakakatuwa talaga si Mai, kahit second year pa lang kami, masyadong matured ang utak niya. Ang daming naiisip na kung anu-ano. Kaya rin siguro kahit may mas ahead sa amin, siya palagi ang kinukuhang magoorganize ng mga ganito. Si Pauline naman, pang beauty pageant yan. May beauty eh! Beauty and... beauty ulit! Ako? In between. I have the brain and beauty, pero walang lovelife! Bongga! May lovelife pala ako, One-sided nga lang.

Speaking of Conyo girl, hindi ko siya nakakasama these past few days. Lagi siyang busy kapag nagyayaya kami ni Mai ng lakad. Tulad nung magpapasama si Mia na mamili ng damit nya, sabi niya sa amin ay may lakad siya. Sa classroom naman, lagi siyang late dumadating kaya sa likod na nakakaupo. Lagi ko tuloy katabi yung nanliligaw sa aking malaking lalake na sobrang nakakailang. Paano ba naman, buong klase nakatingin sa akin. Ang creepy kaya! Parang wrestler! >_<

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon