Chapter 2

623 34 7
                                    

I dedicate this chapter to Ms. SeductressPrincess05

Thank you po for your comment!

Enjoy reading! I'll try to update more often. Lubusin na dahil sembreak 😂

Please leave comments! Harts! :)))

Jerald Chua --->

***

"Goodmorning Ma'am! Can I excuse Ms. Kiara Valdez? This is pretty important."

"Sure you may. Ms. Valdez? Please go outside. Someone needs to talk to you." Ako daw? Ako yung inexcuse? Sino ba naman kasing abala ito eh, pag hindi ko natapos seatwork ko, patay ito sakin.

"Okay Ma'am. Excuse me po."lumabas na ako sa classroom pagkatapos. Yung mga kaklase kong babae at bading? Ayun, bulong bulungan na naman. Kabog lang sila sa beauty ko eh.

"Ikaw si Kiara? Kiara Valdez?"

"Yes. Why?"

"Sayo 'to?" pinakita niya sa akin yung libro ko na dala-dala ko kahapon nung sinusundan ko si Sly. Paano napapunta ito sa kaniya?

"Oo. Bakit nasa'yo yan?"

"Napulot ko sa malapit sa pintuan ng Male's CR. Mamboboso ka 'no?" natatawa niyang pang-aasar sa akin. Wow ha? Close kami?

"H-hoy h-hindi ah!" namula ako sa sinabi niya. Nakakahiya kaya na sabihin ka ng isang lalake na namboboso ka! Ang manyak pakinggan please! >_<"

"Cute." nag-pat sya sa ulo ko. Wow talaga! As in Mega-Wow! FC si koya."Oh, next time wag ka nang mamboboso ha? Sige. Pumasok ka na sa loob. Baka naaabala kita."ngumiti siya at umalis na. Ang FC! Sinabihan pa akong namboboso?! I thereby call him, Koya FC.

Pumasok na ako sa classroom at umupo na sa upuan ko. Sinimulan ko na ulit ang seatwork ko dahil baka malate ako magpasa. Abala kasi si Koya FC eh!

'Grabe talaga si Kiara! She's so lucky! Inexcuse siya ni Fafa Jerald!'

'Anong lucky ka dyan! Lagot siya sa akin mamaya! Hmp!'

'Shut up brats! Akin pa din si Jerald!'

'Inagaw niya na nga yung ex ko, pati ba naman si Jerald?'

Ang iingay ng mga ito ah. Porket lumabas lang si Ma'am eh kung makapagbulungan, I mean makapagsigawan eh wagas! Oo, ganun sila bumulong, pasigaw! Yung tipong parinig na. Pati ako idadamay nila sa tsismisan nila!

"Ay grabe friend! You're so lucky! I'm so naiinggit! Inexcuse ka ni Jerald cutie!"tili ni Pauline. Ugh! Ano bang big deal sa pageexcuse sakin ni Koya FC?

"Anong lucky dun eh ako nga ang naabala eh. Tsaka binalik lang naman niya sa akin ang libro ko. Nahulog ko pala kahapon."

'Rinig mo yun sis? Siya pa daw ang naabala? So kapal!'

'Oo nga eh! At nahulog daw niya yung libro? Baka sinadya niya! Ma-epal talaga!'

'Malandi eh!'

"E-ehem. Excuse me lang ha? Ano bang pinuputok ng butchi nyo dyan? Binalik lang yung libro okay? Kung crush nyo yung lalakeng yun kanina na hindi ko naman kilala kung sino, saksak niyo sa baga niyo! Huwag kayong mag-alala, hindi ko siya ni-rape kanina kaya wag kayong OA ha? Baka gusto niyong kayo ang ipa-rape ko sa aso namin?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinagsabihan sila. Nakakainis eh! Hindi ako malandi, alam ko sa sarili ko yun. Kahit ganito ako, never pa akong nagka-boyfriend o lumandi sa ibang lalake. Kay Sly lang ako malandi no!

Nagsitahimikan sila at napayuko. Mga gaga! Hindi naman pala makakalaban eh. Mga tsismosa nga naman, hanggang salita lang. Tama, mahiya sila sa mahabang buhok ko na walang split ends!

Pagkatapos ng another 30 minutes, nagdismiss na si Ma'am. Ganitong oras same floor lang kami ni Sly. At dahil vacant ko, as usual stalker mode ako ngayon. Alam na yun nina Pau at Mai kaya pinapauna na nila ako. At sa pagkakaalam ko din, may date na agad itong si Pau dun sa lalakeng kakindatan niya kanina. Bilis 'no?

Nagpalinga-linga ako sa 3rd floor. Hindi ko makita si Sly, dismiss na sila ng ganitong oras ah? Alam ko kasi may copy ako ng schedule niya. Hehes. Bago pa ako makahingi sa registrar niyan! Nakooooo! Santong dasalan!

Naglakad ako papunta sa classroom niya ng ganitong oras. Wala nang tao. Siguro maaga silang dinismiss. Hayy, di ko man lang siya nakita. Baka may date siya. Kay Don? Araaay.

Bumaba na lang ako sa sa hagdan para hanapin sana si Mai. For sure nasa Room yun ng Student Council. Walang katao-tao ngayon sa 2nd floor. Ang weird naman. Ano bang meron? Dumungaw ako sa corridor, pagsilip ko nagulat ako dahil may assembly pala! Hindi ako na-inform! Nagtatakbo para makababa na agad at nang makaabot pa. Nasa may hagdanan na ako ng biglang may kumapit sa kamay ko. Sisigaw sana ako sa gulat pero tinakip niya ang kamay niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa gulat kung sino yung lalakeng yun.

"Shh! Wag kang maingay, maririnig tayo sa baba." tumango ako. Tinanggal niya na ang kamay nya sa bibig ko at kinapitan ulit ako sa kamay. Hinila niya ako papasok sa isang classroom.

"We have to talk."

****

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon