Chapter 13

318 19 0
                                    


-chanYeooOL ! Oh ayan na! Kahit nambabasa ka sa draft! Pero may dagdag to! XD
Knock knock? XD

Bonggang bonggang late update! Super busy! Kakaloka! Sige, enjoy reading! Leave comments for dedication! <3
***

(Kiara's PoV)

"Goodevening ladies and gentlemen! Welcome to the 2014 Tourism Night! Enjoy your night everyone!" opisyal na start na ang party. Nagsimula na ang tugtugan, madami na din ang nandito pero may mga dumadating padin. Naupo na lang ako sa assigned seat sa barkada namin. Ako pa lang yung nandun dahil wala si Mai, busy siya ngayon dahil katulong siya ng mga Higheryears sa pagoorganize nito. Si Al, nandun din. Hindi ko parin nakikita si Pauline. Ilang araw narin naming hindi siya nakakasama eh. Parang umiiwas parin siya sa amin. Wala naman akong naaalalang dahilan para magalit siya sa akin o kay Mai. Basta, kakausapin ko na lang siya mamaya para maayos namin kung may problema nga kami. Namimiss ko na rin si Conyo eh.

At dahil wala parin akong nakakausap dito, nabored ako kaya nilabas ko ang phone ko at naglaro ng Talking Tom. Nasa kalagitnaan ako ng pambubugbog sa pusang yun nang biglang may lumapit sa aking lalake, tinulak siya nung mga kasama niya at kinakantyawan.

"H-hi K-Kia-ra."ngumiti naman ako sa kaniya.

"Hello. How may I help you?"

"P-pwede b-ba ak-kong mag..."huminga muna siya ng malalim at pumikit."pwede ba akong magpapicture?"

"Sure," ang weird netong lalakeng ito. Magpapapicture lang, parang umuurong na ang dila.

"Talaga?" tuwang tuwa niyang sabi.

"Hindi ah. Joke lang."

"Ay." bigla siyang nanlumo sa sinabi ko. Pero syempre hindi naman ako seryoso dun. Diba sabi nila, "Share your blessings" kaya kahit sa picture lang ishshare ko yun. Ishshare ko ang aking beauty.

Buhat ng sariling upuan.

K.

"Joke lang, tara sige picture na tayo." sabi ko sa kaniya. Nilabas niya ang iphone niya at tinanong ako kung pwede daw selfie-style. No choice naman ako kasi nakaharap na sa frontcam kaya go na lang! As if binigyan niya pa ako ng ibang choice. Okay ang dami ko nang nasabi. Nagsmile na ako at nakailang shot kami. Nag-request pa ng wacky. Demanding 'to ah! At hindi lang yun, nagpapicture pa siya ng whole body sa mga kaibigan niya.

"Thank you Kiara!" alive na alive niyang sabi. Ngumiti naman ako at umalis na sila. Ang boring talaga ha, infairness. Kahit may acoustic band na tumutugtog, nabobored parin ako. Wala man lang ako makausap. Wala parin sina Sly. Sana pumunta si Sly. Pero pupunta naman yun! Nangako siya sa akin eh :)

Habang namumuti na ang mata ko kakaantay sa mga makukupad na nilalang, except syempre kay Sly dahil kahit makupad siya ay tanggap ko parin ang kagwapuhan niya (o kagandahan?), napalingon ako sa may entrance. Nakita ko si Pauline, nakasuot siya ng isang yellow na cocktail dress na bagay na bagay ang lapat sa kaniya. Mukhang nakita niya ako dahil napaharap din siya sa gawi ko. Ngumiti siya at nagwave. Lumakad siya papunta sa direksyon ko at nang malapit na siya, tatayo na sana ako pero nagkamali ako. Nilagpasan niya lang ang table na assigned kami. Nang nasa tapat ko na siya, ngumiti lang siya ng bahagya sa akin at dumiretso sa nasa likod na table. Napalingon ako sa likod ko at nakita kong sina Princess pala ang kinakawayan niya. Hindi siya sa table namin sumama. Napakunot ako, ano bang nagawa namin sa kaniya at bakit ganiyan siya? Wala naman kaming nagagawa sa kaniya ah?

"Excuse me everyone, I am requesting the acoustic band to play sweet musics for this is the moment where the gentlemen can ask the ladies so they can dance here in the center. Thank you and enjoy!" nasira ang moment ko ng pagiging Detective Conan nang biglang nagsalita si Host namin.

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon