Chapter 18

440 14 1
                                    

Typos! Hehe sorry! :)
Thank you sa mga nagbabasa ng story ko <3

***

Havens University Day [Day 1]

"Happy Havens University Day!" after mag-cut ng ribbon ng head ng school, nagsipasukan na kaming lahat. Tradition na kasi ito ng school namin, kapag magsstart ang University Week, lahat ng faculty, teachers, students at lahat ng tao sa school, nasa labas ng gate until i-cut ang ribbon sa gate. Kapag nagawa na yun, lahat kami ay papasok na sa school, at dun na magsisimula ang event.

Dahil, sa last day pa kami sasayaw, busy ang lahat sa mga booths nila. Sa hapon pa kami nakaassign nina Mai kaya chance na namin ito para mag-enjoy. Si Pau, wala padin. Hindi raw muna sya papasok sabi ng Mom nya sa amin dahil masama ang pakiramdam. Nakakalungkot naman at hindi kami kumpleto sa ganitong event. Kasama ko ngayon si Mai at si Al. Medyo awkward kasi baka gusto nilang mag-quality time together, you know, couple, gusto mag-moment. Dala ko yung ipad ko kaya pinipicturan ko na lang sila. Stolen, o kaya naman sa maganda ang view. Ito ang mahirap sa pagiging single eh, alone ka na, photographer pa.

Nang nasa may tapat kami ng wedding booth, bumili ako ng ticket. Syempre para dun sa dalawa, alangan namang sa akin diba? Kawawa naman ako kung ganun. Masyado ko nang pinapatunayang single ako kapag ganun. Ayun, sunulat ko ang name nilang dalawa. Tapos may space dun para magsukat ng maikling message para sa ikakasal(kasalan). Nagsulat naman ako dun.

'Hey lovebirds, magliliwaliw muna ako. Enjoy 😊'

Iniwan ko na sila hanggang nung kaunin sila nung mga nakaassign sa booth na yun. Dumiretso ako sa food booth, syempre saan ka pa ba pupunta kapag single kundi sa food booth? Dun pati kasi ang booth ni Sly. Syempre, silay din!
Nang makarating ako sa booth nila, hinanap ko agad sya. Kaso mukhang hindi sya nakaassign ngayon kaya bumili na lang ako ng pagkain. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta. Ang hirap naman ng buhay single kapag ganitong mga event oh. Wala pa si Pauline. Ayaw ko namang sumama sa mga sira ulo kong kaklaseng babae. Una, pagchchismisan lang nila ang buhay ko dahil nga ni Jerald. Ewan ko kung bakit ako nachchismis sa lalakeng yun at kung bakit big deal sa kanila yun. Pero wala silang kwenta sa storya ng buhay ko kaya hindi ko na sila kailangang isingit. Pero hindi ko talaga alam kung anong ipinaglalaban ko kaya nakarating na ako sa may court. Ito ang pinaka-laughtrip na booth sa lahat. Kapag bumili ka ng ticket, isusulat mo dun ang pangalan ng taong gusto mong paglaruin ng alin man sa mga nakalistang laro dun. May kadang-kadang(naglalakad sa bao), luksong-tinik, sack race at kung anu-ano pang laro na nakakatawa lalo na kapag yung mga maaarte at sosyal ang napagtripan ng mga estudyante. Tulad ngayon, si Quensie yung napaglaro sa kadang-kadang. Kilala sya dito sa school na maarte talaga at maraming pinupuluputang lalake, alam nyo na, girlfriend ng bayan. Pero ayan sya ngayon, naglalaro dahil na rin siguro nagsama-sama ang mga babaeng inagawan nya ng boyfriend. At kung tatanggi ka naman, magisip ka muna ulit dahil kapag ayaw mong maglaro, may isa ka pa namang choice, ang kumapit sa uod, gagamba at kung anu-ano pang nakakadiring hayop at insekto. Err. Punong puno ang booth na ito ng mga magkakaaway dahil dito sila naggagantihan. Nakakatawa sila. Lalo na si Quensie! Wa-poise talaga. Tapos yung mga taong nakapaligid, vinivideohan sya at pinipicturan. Poor girl.

"Kiara! Smile!"

Pagharap ko, si Sly. May dalang camera sabay click nito, Hindi ko alam kung anong itsura ko dun. At for sure, mukha akong baliw dun. Pero maganda parin ako.

"Uy, haha."

"Hi Kiara, alone?"

"Oo eh, pinabayaan ko muna sina Mai at Al para makapagbonding di yung dalawa. Alam ko namang gusto din magsilo nung dalawa minsan."

"Ah, sabagay. Haha eh si Pauline? Di ko ata sya nakita pati kahapon?"

"Oo, may sakit sya eh. Kaya hindi makapasok. Ikaw, bakit nandito ka?"

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon