Chapter 41

195 9 1
                                    

Yey sembreak na! XD

***

Sly's POV

"Kiara wait..." hindi nya ako pinansin at nagdiretso sa paglakad.

"Kiara..." kinapitan ko ang kamay nya at hinila sya pabalik sa akin. Humarap sya sa akin at nagsalita.

"Bakit ba?" hindi ko alam pero ang sakit para sa akin ng pagtrato nya sa akin ng ganito.

"Kahit ngayon lang Kiara, kausapin mo naman ako ng maayos." Halos magmakaawa na ako sa kanya. Simula third floor ng main building hanggang dito sa field ay hinabol ko sya para lang makausap sya. Lanta na rin itong rose na dala ko.

"Okay. Sige. Pero bitawan mo ako." Tumingin sya sa akin at ginawa ko ang sinabi nya. "Ano ba yun FRIEND?" Diniin pa talaga nya yung word na friend.

"I'm sorry..." I know its my fault. This is all my fault. Sinayang ko na naman kasi yung chance ko last time. Nung kakausapin ko na sana sya about dito. Pero ako itong si tanga, nabading.

"Sorry? Para saan?"

"I'm sorry that I've told you that."

"Na friends tayo? No, no. Don't say sorry Sly. Magkaibigan naman tayo diba? Kaya wag ka nang magsorry. Wala ka namang kasalanan." she said. Alam ko namang sarcastic ang pagkakasabi nya nito. Hindi ko naman sya masisisi. And again, this is all my fault.

"Kiara, hindi yun yung gusto kong sabihin nun." yes, hindi talaga yun. Kung alam mo lang.

"Eh ano? Na nagupgrade friendship natin? Bestfriends na tayo? Dora and Boots na ang peg natin?" another hit. Ang sakit na nya magsalita, pero kalma lang. Gusto kong maayos ito.

"No... Kiara please. Listen. Kahit ngayon lang." I said calmly. Tiis lang Sly. Tiis.

"Ayoko. Ayoko nang makinig. Ano na namang sasabihin mo? Ano? Magpapasalamat ka kasi hindi ko pinagkalat yang sikreto mo? Sly hindi mo na ako kailangang landiin para itago ko yang sikreto mo." Napakunot ako sa sinabi nya. Landiin? I really have no idea kung bakit ganito sya magreact. Not that Im saying that she's over-reacting, pero hindi ko maintindihan kung bakit.

"Teka? Kiara sa---" pinutol nya ang

"Wag ka na kasing magexplain. Hindi mo na kailangang magkunwari na may pakialam ka sa akin, na special ako sayo, kasi Sly assuming ako eh! Umaasa ako dyan sa mga kilos mo, sa mga pagkukunwari mo. Humanap ka na lang ng ibang gagawin mong laruan para hindi mahalata sa school yang sikreto mo. Please lang, wag na ako. Kasi siguro naman, alam mo from the very start, na gusto kita. No, hindi pala siguro. Alam na alam mo yun, kaya mo nga ako ginamit diba? Ako naman, nagpauto. Nagbulagbulagan na yung BAKLA kong crush ay totoo ang pinapakita sa akin. Buti na lang natauhan ako dahil kay Jerald."

"Kahit kailan Kiara, hindi ako nagpaka-fake sayo. Tsaka, bakla? Sinong bakla? At si Jerald? Anong sinabi sayo ni Jerald? Paano sya nasama dito?"

"Yung totoo. Sly tama na. Alam mo dati naniniwala akong bagay tayo eh, kaso hindi pala. Ako lang pala yung bagay, pinaglalaruan mo ako eh."

"Ano ba yang mga sinasabi mo Kiara? Wala akong alam. Nagugulu---"

"Masaya na ako. Humanap ka na lang ng ibang pagmamalditahan mo."

Naiwan ako dun at natigilan. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Nireject nya lang ako, napahiya ako. Akala ko magiging okay sa ginawa ko pero mukhang pinalala ko lang. Akala ko malilinawan ako sa gagawin ko pero mas naguluhan ako. Yung akala ko, ang problema lang ay ang katorpehan ko, hindi pala. Andami palang problema na hindi ko alam kung ano ang pinag-ugatan. Hindi ko rin alam kung bakit nasangkot dito si Jerald. Ano yung mga sinabi ni Jerald kay Kiara para magkaganun sya? Alam kong makakasama para sa friendship namin kung aminin ko man ito kay Kiara pero... hindi ko na kaya g sarilinin. Nagbabakasakali lang naman ako... baka sakaling maganda ang kakalabasan. Ngayon ko lang narealize na kahit pala gaano ko aralin ang accounting, hindi parin yun makakatulong sa pagsosolve ng problema ko kay Kiara.

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon