Unedited. Hahaha. :))
***
Kahapon ay isa sa pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Nakasama ko si Sly sa pinapangarap kong scene sa buhay. Tapos, hindi ko alam kung bakit, may mas matinding magic akong nararamdaman between us. Basta! Ang corny! Pero dahil sa nangyari kahapon, mas nagkaroon ako ng pag-asa. Mas gusto kong umasa. Mas naniniwala akong magiging lalake pa sya!Oo kahit di pa sya lalake, may forever kami! Bakit ba? Naniniwala ako eh. Kami ang destiny.
Pumasok ako with a very big smile. Sobrang good mood ako ngayon. Hindi ko na lang muna iniisip yung tungkol sa nangyari kay Pau kagabi. Siguro naman makakapagusap kami ngayon, and for sure wala naman syang dapat ikagalit dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama. Yan ang pangaral sa akin ni Mama kagabi, nung kwinento ko ang tungkol sa pagkikita namin ni Pau, at pagsnob nya sa akin. Oo, nakakainis at nakakapagtampo, pero hindi muna ako magpapadala sa emosyon hangga't di ko pa sya naririnig magexplain. Ayaw kong sumama ang loob ko sa kanya ng di ko pa alam ang rason.
Dumiretso na ako sa classroom. Sakto lang ang dating ko kasi nandun na yung prof pero di pa sya nagsisimulang magturo. Tumabi ako kay Mai. Nagpalinga linga ako para hanapin si Pau. Wala padin sya. Ano bang nangyayari sa babaeng yun? Nakakaloka sya ha. Kung nagpapamiss lang sya, aba sobrang umeeffect na!
Nagstart na magdiscuss yung prof namin. May kaunting recitation pero more on hiving examples sya. Nasa kalagitnaan sya ng pageexplain ng bigla syang mapatigil at napatingin sa labas. Kaya automatic rin ang pagtingin ng buong klase sa labas. Nakita kong pumasok si Pau. Ugh, anong nangyari sa kanya? Hindi ko maexplain pero ang laki ng pinagbago nya sa pananamit, even sa make up. Alam kong girly sya, pero this is too much naman. Err, that Quensie. Pinagmumukha nyang tanga si Pau!
"Miss Alvarez, you are half-hour late! How irresponsible!" halatang inis sa kanya yung prof namin. Sya? Wala lang,parang walang narinig. Naglakad sya papunta sa loob ng classroom. Akala ko sa tabi namin sya pupunta kasi sa gawi namin sya dumaan. Pero hindi. Pumunta sya sa sulok at nakatingin lang sa prof.
"Anong nagyari dyan ka Paulina?" bulong sa akin ni Mai.
"Di ko alam." habang nagkaklase, hindi ko maiwasang di mapatingin sa kanya. Nakakadistract na ewan. Una yung kagabi, na di nya ako pinansin sa park. Pangalawa, eto. Sudden change of appearance? Feeling nya ba gumanda sya sa ginagawa nya? Hell no! And for what?
Gusto ko na syang makausap.
Natapos ang klase namin. Niyaya ko si Mai na kausapin namin si Pau. Sumangayon naman sya. Napupuna na rin siguro ng ating lola ang ginagawa ni Pau.
"Pau mag-usap nga t---"
"Hello? Yah. I'm going na. Wait me lang ng konti ha? Okay sis! Bye!" nagdirediretso lang sya. Hindi man lang nya kami pinansin ni Mai. Nakita ko namang nainis na rin si Mai kaya sinigawan nya si Pau habang naglalakad ito.
"Kinakain ka na ng insecurity mo!" napatigil naman si Pau saglit. Nakita kong yumuko sya, pero sandali lang yun. Nagpatuloy na sya sa paglalakad.
"Insecurity?" tanong ko kay Mai. Medyo naguluhan ako dun. Para san? Bakit sya maiinsecure?
"Wag na nating pakaisipin ang taong walang pakialam sa pagkakaibigan natin for selfish reasons Kiara."
"Uhmmm... o-owkay?" mukhang badtrip na rin si Mai eh. Mas pinili ko na lang tumahimik.
Naglakad na kami palabas ng classroom.Ngayon nga pala ang alis ni Sly. Siguro nakaalis na sya. Sayang. Di ko man lang maabutan. Hindi man lang ako nakapagpaalam at nakapaggoodluck. Kahit goodbye kiss wala man lang ako. #FeelingGirlfriend na naman ako dito.
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014