Kumikiri si maiL xD (mai +al)
ehehehe.
Comment please phOuxZS.
***"Hi Gorgeous Kiara bebe! Anong gusto mong maging look mo?" bati sa akin nung kaibigan kong baklang makeup artist, si Christine. Actually Christian talaga ang pangalan niya eh, kaso, masyado daw pangtomboy kaya Christine na lang, tutal dalaga naman daw siya. Nagbeso pa kami at pinaupo na ako.
"Fresh look lang bebe. Tsaka yung babagay sa dress ko." dala ko na kasi dito yung cocktail dress na pinili ni Sly para sa akin. 3:00 na din kasi, hindi na ako aabot kung uuwi pa ako sa bahay, 6 pm magsstart yung party. Ayaw kong malate 'no!
Tsaka gusto ni Mai na maaga kami, before 5:00 daw dapat nandun na kami. Para daw macheck namin yung mga pagkain at sounds. Bakit ba kasi nagkaroon ako ng kaibigan na second year pa lang, mala-presidente na ng Pilipinas ang peg. -_____________-
"Sure! Keribels ng beauty 'ko yan! Lemme start." sabi ni Christine. Nagsimula na siyang ayusan ako. Habang nilalagyan niya ng make up ang mukha ko, may nagtext na unknown number, pero sa tingin ko si Al yun. Sabi kasi sa text, kung pwede ako mamayang 4:30 pm, pupunta daw kami sa bahay nina Mai. Nagreply ako na sige, sunduin niya ako dito sa Salon ni Christine. Alam niya din ito dahil dito kami madalas magpaayos nina Mai. Kaso ngayon, hindi kami sabay sabay dahil sa bahay na nila magpapaayos si Mai, hindi ko naman alam kung saan si Pauline. Nitong mga nakaraang araw, minsan ko lang siya makita sa klase. Hindi na rin siya sumasama sa amin. Namimiss ko na nga yung ka-conyo-han niya. Promise, kakausapin ko siya mamaya kung may problema ba between us.
After more than an hour, natapos na yung pag-aayos sa akin. Simple lang yung make up ko, fresh look lang. Ang buhok ko naman, ini-straight lang at nagsuot ako ng silver na hairband. Sinuot ko na rin yung bracelet na bigay ni Sly. Ehehe em sew kenekeleg telege!
Mamaya, makakasayaw ko siya. Makakapitan ko na naman ang kamay niya, tapos makakasayaw ko pa, tapos magtititigan kami, tapos unti-unting lalapit ang mukha niya sa mukha ko, tapos eto na... eto na... et----"Kiara!" tawag sakin ni Al. Nasira tuloy ang moment ko! Yun na yun eh! Malapit na eh!
"Uy Al!" bati ko sa kaniya ng labas sa ilong. Panira kasi ng moment. Sa imagination na nga lang nagkakamoment kay crush eh, nasira pa!
"Tara na." sabi niya sa akin at naglakad na palabas ng Salon. Dirediretso siya sa kotse nila at sumunod na lang ako, mukha kasing seryoso siya. Mamaya ko na lang tatanungin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaupo sa back seat. Siya naman ay sa passenger seat since ang Daddy niya naman ang magddrive. Nakakahiya tuloy. Kahit naman maganda ako, nahihiya din ako minsan."Hi Sir." bati ko sa Dad niya.
"Hello hija. Ikaw ba si Mai?"
"Hala! Hindi po!" hindi po ako Manang 'no! Joke.
"Dad, hindi po siya. Diba sabi ko po dadaan muna tayo sa Salon para kay Kiara. Si Mai po ay yung dadaanan natin sa bahay nila. Yung... ano.. yung g---"
"Girlfriend mo? Hahahaha! Anak ang bakla mo, girlfriend lang nahihiya ka pang sabihin sa Daddy mong pogi. Oh siya, saan na tayo?" mukhang kabaliktaran ni Al si Tito ah? Mukhang makulit si Tito, samantalang si Al ang ugali ay parang sinaunang tao.
"Sa flower shop Dad. Daan din tayo dun sa gift shop na hinabilinan ko ng regalo at sa cake shop. Diretso na po tayo kay na Mai after."
"Eh bakit sinama mo pa ako?"tanong ko sa kaniya.
"Pampalakas ng loob? Kasi alam kong lalabas siya kapag ikaw yung tumawag sa kaniya. Baka kasi kapag ako, hindi siya lumabas." napatango naman ako sa sinabi niya. Sabagay, galit nga pala sa kaniya si Mai. Kilala ko si Mai, sobrang haba ng pasensya niya pero kapag nagalit, nako. Santong dasalan ang kailangan mo!
"Tsaka, gusto kong ligawan siya ulit ngayon araw."
"Ligaw? Eh diba kayo na?"taka kong tanong sa kaniya. Baliw ba siya? Sila na tapos manliligaw siya ulit? Gusto niya siguro dalawa ang Monthsary. Nako! Kapag dalawa ang monthsary, magastos yun!
"Oo, kami na nga. Pero gusto kong maramdaman niya na hindi porket napasagot ko na siya, eh stop na ako sa pageeffort at pagpaparamdam sa kaniya na mahal ko siya. Alam kong nagkukulang na ako sa atensyon sa kaniya dahil masyado kong tinututukan ang pag-aaral ko. Kaya kahit man lang sa mga ganitong espesyal na araw sa kaniya, makabawi ako. Kahit naman hindi ako masyadong expressive, mahal ko siya. At tsaka, hindi mo naman masusukat ang pagmamahal mo sa isang tao sa PDA diba?" napanganga na lang ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na si Al ang kausap ko ngayon. I mean, kung titingnan mo siya, napakaseryoso niyang lalake. Lalo na pag dating sa pagaaral. Dito niya ba nagagamit ang mga pinagaaralan nila sa Trigo at Calculus?
Nagulat ako nang biglang mapahinto ang sasakyan. Halos maumpog ako sa upuan sa unahan. Nagkatinginan kami ni Al with a anong-nangyari-alam-mo-ba-hindi-ko-din-alam look.
"Very very very well said son!" sabi ni Tito with matching palakpak at iling pa ng ulo. Nagkatawanan na lang kami. Nagkibit balikat na lang si Al, na naunawaan naman namin ni Tito ang ibig sabihin: 'Wala eh, mahal ko.'
Natutuwa ako para kay Mai, sa totoo lang hindi ako makapaniwala na ganito sila ni Al. Siguro ngayon ay natututo na silang mag-open sa amin, pero dati? Para lang silang bussiness partners na walang ka-spark spark para sa isa't isa. Pero sabi nga nila, 'you cannot judge the books by their covers.' Kumbaga, kahit parehong seryoso sa buhay itong dalawa at matured at mukhang wala sa vocabulary ang salitang 'PDA', nandun parin yung mga salitang 'true love' at 'sweetness'
Dahil sa pagmomonologue ko, hindi ko namalayang nandito na kami sa sinasabi ni Al na gift shop. Bumaba siya para kuhanin yung regalo daw niya kay Mai. Kami lang ni Tito ang naiwan dito sa sasakyan. Nakakailang tuloy. Pero hindi naman nagtagal yung pagkuha niya at lumabas siya sa pintuan ng shop na may bitbit na malaking teddy bear. Halos kasing laki na nga niya yun eh.
"Dad, cakeshop na tayo." sabi niya kay Tito. Nilagay niya yung teddy bear sa tabi ko at sinaraduhan na ang pinto. Grabe, eto na yata yung pinaka-sweet na nagawa ni Al kay Mai. Nung kasing nanliligaw si Al, paflowers flowers lang at chocolate. Ngayon, level up! Impakness!
After few minutes, nakarating na kami ng cakeshop. Pumunta siya sa loob at kinuha yung cake. Sabi ni Tito, personalized daw yun. Si Al ang nagdesign. Nang bumalik na si Al, pinakita niya sa akin yung cake.
"Ayos ba?" sabi niya sa akin. Tumango lang ako, hindi dahil sa panget pero dahil wala akong maicomment. Baka pag nagcomment ako, masunggaban ko yan -______-
Dumiretso na kami sa flower shop, sinadya ni Tito na ipanghuli ito para daw fresh parin yung flowers kapag binigay ni Al. Kinuha na ni Al yung flowers at nagdiretso na kami sa bahay nina Mai.
Nang naka-park na ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Mai, narinig kong bumuntong hininga si Al. Halatang kabado siya. First time ata ito. First time nag-away, first time nag-effort ng sobra, first time mag-PDA? Tinapik ko na lang siya sa balikat at ngumiti sa kaniya bilang encouragement. Si Tito naman, panay ang bilin sa anak niya na kaya niya yun dahil kahit sino naman daw babae, kikiligin sa effort ni Al. Agree naman ako dun. Pero napaisip ako, paano nalaman ni Tito yun? Babae din ba siya dati?
Lumabas na sa sasakyan si Al. Sumunod ako, ang task ko lang kasi dito ay mag-doorbell. Kakainis nga eh! Sayang ang make up ko. Buti hindi oily ang fes ko at natural ang beauty kaya keri!
K.
Wala din akong idea sa gagawing pakana nitong si Al kay Mai eh, liligawan daw. Eh ako kaya? Kailan ako liligawan ni Sly? Kapag pumuti ang uwak? Kapag North to South na ang ikot ng earth? Kapag hindi na conyo si Pauline? Kapag tumangkad si Dagul?
Nagiinarte na naman ang beauty ko eh! Nevermind, mapipikot ko rin yang si Sly, tiwala lang!
Nang nagsignal na si Al, nagdoorbell na ako. Lumabas ang yaya nina Mai.
"Ay ati, ikaw pu pala ati. Pasuk pu kayu ati." bati sa akin ng bisayang kasambahay nila. Obvious naman diba? -____- ehehe.
"Ay wag na po Manang, nasaan na po si Mai? Pupunta na po sa ako sa sa Hall eh. Sabi niya po sabay kami."
"Ati, nakaalis na pu si Mai."
"Pu? Ay! Po pala. Po? Umalis na?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Manang. Napatingin ako kay Al at umiling. Oh men! Sayang ang effort men! Nakita ko naman yung paglungkot ng mukha bigla ni Al. Kawawa naman. Nageffort siyang bumili ng rose at teddy bear. Yung cake? Hindi yun masasayang, nandito kaya ako! Pero sayang naman t---
"Juk laang pu naman Ati. Nanditu pu si Ma'am Mai, saglit pu at tatawagin ku." phew! Grabe si Manang ha! Pang-asar eh.
"Joke!" sigaw ko kay Al. Nakita ko naman na bigla siyang nakahinga ng maluwag. Oo kita ko yun, malaki ang mata ko eh, pwedeng microscope.
After 3 minutes, lumabas na si Mai. Ready to go na siya. Napanganga na naman ako to the Nth time ngayong araw dahil nawala ang pagka-Manang ng aming Discipline Coordinator. Joke. Basta ang ganda ni Mai ngayon! She's so pretty in her red dress.
"Oh? Bakit nakanganga ka dyan?"
"Ang ganda mo friend!" tili ko.
"Eh, bolahin mo pa ako. Anong gusto mong libre? Sige na. Sabihin mo na." natatawa niyang sagot sa akin.
"Mmm... huwag na lang libre, favor na lang."
"Aba, pinuri mo lang ako may kapalit na agad favor? Haha ano ba yun?"
"Dyan ka lang sa tayo mo. Huwag kang aalis ha?"
"Bakit Kiara?" takadong tanong niya sa akin."Basta." nag-okay sign ako sa likod ko bilang sign kay Al na lumabas na siya. Tumingin sa akin si Mai na nagtataka pero ngumiti lang ako bilang response. Bumalik ako sa sasakyan nila Al at sumandal dito katabi ni Tito.
"Gastos niya lahat yan. Matagal na siyang nag-iipon, in case daw na kailangan niya gumastos ng malaki para kay Mai. Binata na talaga ang anak ko." nakangiting sabi ni Tito. Napangiti na lang din ako at bumalik na ulot sa panonood sa dalawa kong kaibigang ibon. (Love Birds eh. K.)
(Mai's POV)
Nagulat ako ng biglang lumabas si Al dala ang gitara. Nagsimula siyang magstrum at kumanta. Pinapanood ko lang siya habang kumakanta siya ng You and I (by J.R.A.) Sa tagal na ng relasyon namin, ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang mag-gitara at kumanta. Nakakawala ng galit kapag ganito yung lalake na humihingi ng sorry sayo. Yung mga bagay na hindi niya ginagawa, nagagawa niya para parawarin mo lang. Noong una nga, akala ko hindi talaga ako gusto ni Al. Pero sa nakikita ko ngayon? Kahit kumakanta lang siya sa harap ko, feeling ko napaka-special kong tao para sa kaniya, Pride niya kasi yan eh, NEVER siyang napakanta sa school kahit inaalok na siya ng mga teachers na ipeperfect na siya sa exam. Pero ngayon? Kinakantahan niya ako kahit hindi ko inutos, hindi ko pinilit o hindi ko nirequest. Nakakatuwa lang. Nakakakilig?
Natapos ang pagkanta niya at bigla siyang lumapit sa akin. Binigay niya sa akin ang isang bouquet ng blue na roses, my favorite.
"Sorry na Mai, hindi na mauulit promise. Hindi na ako makakal---"
"Oo na. Bati na tayo. Kantahan mo naman ba ako!" natatawa kong sabi sa kaniya. Ngayon ko lang naexperience kiligin ng ganito. Kami kasi, hindi tipikal na magboyfriend-girlfriend, no holding hands in public, no kiss or hugs. Kumbaga, nasabi lang na kami dahil gusto namin ang isa't isa. Boring? I dont think so. Kasi para sa akin, hindi mahalaga ang kilos para ipakita mo na mahal mo ang isang tao.
Ang kilos, parang salita din yan eh. Pwede kang pagsinungalingan ng kilos na pinapakita ng isang tao pero kahit kailan, hindi ka mapapagsinungalingan ng mata. Cause in the eyes you can see how sincere or not a person is.
"Talaga?"
"Ayaw mo yata eh!"
"Joke lang, Thank you Mai! Ay wait lang," nagpaalam siya saglit sa akin at nagtatakbo papunta sa kotse nila. Nandun din si Tito at si Kiara. For sure, kasama si Kiara sa pakulong ito ni Al. Pero thank you sa kaniya, akala ko hindi magiging maganda ang gabi ko. Kinuha ni Al ang isang box at isang malaking malaking teddy bear. Halos kasing tangkad na nga niya yun. Nakakatawa lang, ito yung first time na magbibigay siya sa akin ng teddy bear. Parang bata lang? Or hindi lang ako sanay? Basta, ewan, ang alam ko lang napapangiti niya ako sa mga sandaling ito.
"Cake para sa'yo. Buksan mo." ngumiti ako sa kaniya at binuksan nga yung box ng cake. Nakalagay dun sa cake na: Sorry, Can you be my girlfriend?
"Baliw ka! Ano 'to? Tayo na diba?" natatawa kong sabi sa kaniya. Pero sa totoo lang, kinikilig ako. Feeling ko tuloy, hindi bagay sa akin kiligin.
"Oo, pero gusto kong paulit ulit kitang maging girlfriend eh." Sabi niya sa akin na ikinamula ko. Si Al ba talaga ito? Ano bang sumapi sa kaniya at naging ganito siya kasweet?
"Oo na! Hahaha! Saglit lang, pasok natin yan sa bahay para makapunta na tayo sa party!" tumango siya at pumasok kami sa bahay saglit. Nilagay ko sa sofa yung giant teddy bear na pinangalanan kong 'Mail' at sa ref naman yung cake. Lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan nila. After 10 minutes, nakarating na din kami sa Hall. Medyo marami na ring tao kaya nagsimula na akong magcheck ng foods. Yun kasi ang naka-assign sa akin. Tinulungan na ako ni Kiara sa lights kaya okay na. Nang okay na ang lahat, umupo na kami sa table namin. Within 30 minutes, magsstart na ang party.
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014