Chapter 42

158 11 1
                                    

Sorry sa mga kahit papaano ay nagbabasa ng story ko, busy si author. HAHAHA :(


***

Nasa gym kami nina Mai. As usual, kahit hindi ako member ng Student Council eh nakikisama ako. Wala eh, charitable ang puso ko. Joke lang yon, syempre bestfriend ko si Mai eh, edi support support lang ako dito. Actually, kaming tatlo dati noon nina Pau, pero ngayon? Ayun lagi na lang sa boyfriend nya nakabuntot. But its okay, ganun talaga. Nauunawaan ko naman kasi matagal ko ding nasaktan ang feelings ni Pau. So, i don't have any reason para pigilan sya sa nagpapasaya sa kanya. 

Napakalalim ng pinaghuhugutan ko parang ang tayo ko dito sa gym, sa kailaliman ng bleachers. Oo, literal. Water girl ang tayo ko for today eh. May laro kasi ngayon ang Haven's University against another school. Lahat ito ng universities dito sa city namin. Champion kami noon, kaya masyadong mainit ang laban, oo ulit kahit first game pa lang, parang yung tayo ko ulit, NAPAKAINIT. ANg sarap sanang ibuhos ng water jug na ito sa akin, kaso baka mag-wet look ako, madami na namang magkagusto. So much to basted. Charot lang ng kagandahan ko yon. Kay Jerald nga eh... hirap na ako.


Ayoko munang isipin sya, kasi naman... hays! Nevermind.


"Miss pahingi ngang tubig." sabi sakin nung isang player. 


"Aba at feel na feel mo ang pagiging watergirl ko sa team nyo?"


"Hala! Kiara, sorry hindi kita nakilala. Bakit ka naman andyan?" kaklase ko nga pala sya sa isang subject, PE ata.


"Watergirl nga diba? Swerte nyo, mananalo ang team nyo dahil sa charm ko." pambawi man lang sa kahiyahiya kong tayo dito ngayon.


"Haha! Sure yan! Salamat!" inabot ko na sa kanya yung tubig, dinuraan ko muna para mas effective. Pero joke lang ulit yun.


Pagkatapos ng game na daig ko pa ang mga players sa pagkahaggard ko, nagpaalam muna ako kay Mai na pupunta akong CR, magpapalit ako ng damit dahil ang baho ko na. Daig ko pa ang mga spartan sa itsura ko ngayon. 


"Kiara right?" napalingon ako ng may bigla kumapit sa braso ko. Alam kong flawless ako pero teka, sino ito?


"Yes? Why?" taas kilay kong sabi. Aba sino namang hindi, kung may biglang kakapit sayo at kilala ka pa. OMG i have a stalker?!


"Ay hindi ako masamang tao, wag kang magalala." napakamot sya sa ulo. "... Hindi mo ba ako natatandaan?" napaisip nga din ako, medyo pamilyar sa akin ang mukha nitong taong ito.


"OMG DON?!" napasigaw ako kaya napatingin sa akin ang mga babae sa may cr. 


"Ang lakas masyado ng boses mo uy. Tsaka hindi ako si Don."


"Ha? Eh diba ikaw yung jow---" tinakpan nya ako sa bibig. Masyadong FC itong si Don-daw-na-hindi-daw-sya-si-Don ah. Hinila nya ako sa isang tabi ng gym.


"Saan tayo pwedeng magusap dito? Yung walang masyadong tao?" nanlaki naman ang mata ko.


My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon