Chapter 34

282 13 2
                                    

Unedited. Madaming typos.

***

"Oopps. Wrong timing." nagulat kami pareho nang biglang nagsalita si Al.

"Ah...eh." napakamot si Sly sa ulo nya at ngumiti kay Al. Ngumiti din si Al ng nakakaloko at nagpeace sign. Pagkatapos, lumabas na rin sya ng classroom. Ang awkward tuloy. Feeling ko namula ako sa nangyari. Una, kasi niyakap na naman ako ni Sly, pangalawa, dahil nakita pa ito ni Al. Alam kong hindi dapat ako kiligin kasi, wala lang naman ito kay Sly. Bakla eh. Pero hindi nyo naman ako masisisi, crush ko yun. Noon.

Well, hanggang ngayon pala.

Pero nalilito na ako sa gestures nya. I mean... assuming lang ba ako at masyadong nagbibigay ng kahulugan sa mga kilos nya o...

Naging binata na ang bakla kong crush?

Ergh. Assuming nga lang siguro ako.

"Sorry.." sabi nya sa akin.

"Hmmm? For?" for breaking my heart? for being a gay and not loving me back? sa pagpapakilig sakin lagi na halos mapatay na ako minsan? Apology accepted if tayo na.

"For hu..." ngumiti sya, an awkward one at nagpatuloy "... hugging you?" namula na naman ako sa sinabi nya. Yung totoo? Ilang beses ba akong mamumula ngayong araw?!

"Ah eh, o-okay lang." actually pabor nga eh. Hihi. CHANCEsing pa more.

"Natuwa lang ako masyado." awch. Akala ko pa naman may something magical na. Na-#Clownzoned pala ako dito. Ngumiti na lang ako.

"Tara na sa labas?" yaya nya.

"Kaya mo na ba?"

"Yep. Konting sugat lang naman ito. Tara?"

"Okay." lumabas na kami ng classroom. Nahagip kaagad ng paningin ko si Mai. Nakangiti sya sa akin, tulad ng ngiti ni Al kanina. Lovers nga sila. Ugh. Lumapit kami sa dalawa.

"Ayos ka na?" tanong ni Mai kay Sly.

"Yah. Thanks to Kiara." tumingin sya sa akin at ngumiti. Bakit ba ganito?! Nakakatunaw ang mga ngiti ng baklang 'to.

"Yeh, THANKS TO KIARA." pangaasar ni Mai. "Eh ikaw Kiara? Ayos ka lang ba?" sabay kindat sa akin.

"Oo naman." sinamaan ko sya ng tingin. Tinawanan lang nya ako. Gaga talaga itong babaeng ito. Okay lang naman mangasar, wag lang sa harap ni Sly. Neheheye ren nemene eke.

"Osya, tara na dun. Kailangan na tayo dun. Magsisimula na ang feeding." singit ni Al. Sinunod naman namin sya. Nagpuntahan na kami sa may stage. Nandun parin si Ryan, ngiting aso pa din.

"Shout out kay Ate Kiara na naging nurse ni Kuya Sly for today!" nanlaki ang mata ko nang nagsitinginan naman sa amin ang mga bata at nagsigawan.

'Yeiiii!'

Tiningnan ko ulit ng masama si Ryan. If only stare can kill. Wala na yang ngiting aso mo. Double dead ka na Ryan. Pero dahil napakabuti kong nilalang ng mundo na nagmamahal sa Inang Bayan, hindi ko sya papatayin sa tingin. Papatayin ko sya sa kagandahan ko. Mamamatay sya sa sobrang ganda ko.

'Maganda ka nga, hindi ka naman crush ng crush mo. Wala din.'

There goes my brain, reminding me of that awchy fact.

Okay, enough. Nahihibang lang ako dahil hanggang ngayon nasa tabi ko parin si Sly. Kailangan ko ng sampung oxygen tank.

At isang hug ni Sly. Ahihi.

Pumunta na ako sa mga batang binabantayan namin kanina. At dahil SILA ni Al ang LALAKE, (o si Al lang?), sila ang kumuha ng mga pagkain na ibibigay namin. Kasama na dun yung mga sandwiches na nasa mahiwagang basket ko kanina.

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon