Chapter 14

307 16 0
                                    

Kiara's POV

Halos kalahating oras na lang ang party pero wala padin si Sly. Naiinis ako. Hindi sa kaniya, pero sa sarili ko. Ang gandang baliw ko naman kasi eh, umaasa ako na pupunta nga siya. Siguro, kaya lang siya nangako dahil nahihiya siya sa akin humindi. Siguro nga.

"Eh bakit ba hindi mo itext?"

"Ha?"

"Para kang baliw dyan. Kung akala mo nagmomonologue ka, pwes nagkakamali ka. Kanina ka pa kaya naming pinagtitinginan friend." bigla akong namula sa sinabi sa akin ni Mai. Grabe, yung pageemote kong akala ko ay sarili ko lang ang nakakarinig, sila din pala.

"You're such an emoterang froglet! You text him kaya!"

"Eh? Nakakahiya," nagkatinginan ang mga dalawang baliw at biglang nagtawanan.

"Ikaw?!" gulat na gulat na sabi ni Mai. Ano namang kagulat-gulat?

"Kiara Valdez?!" sabi ni Pau.

"MAY HIYA?!!!"sambit nila pareho at nagtawanan ulit. Kapal ng mga fes tawanan ang Kiara 'maganda at sexy' Valdez nilang friend! Inirapan ko na lang silang dalawa at nilaro-laro ang phone kong nokia 3210.

Joke.

Buti na lang pala, wala dito sina Jerald at Al. Kundi, mas lalong nakakahiya. Lalo na kay Chuanget! Ugh! Baka ibuking niya pa ako kay Sly na nagexpect ako na dadating nga si Sly. Nakakahiya naman. Baka isipin ni Sly eh napa-demanding kong tao, hindi naman niya alam na girlfriend niya ako, eh kung makapag-inarte ako ay wagas.

"Oh? Anong nangyari dyan kay Kiara?" sabi ni Chuanget sabay upo sa tabi ni Conyo.

"Si Sly kase, he made pangako to her na he will punta here sa party. Tapos, he did not punta here."

"Ah ganun ba? Busy siguro. Teka itetext ko." kinuha niya sa bulsa niya ang phone niya at nagtext. Sana naman nagreply si Sly. After 5 minutes, nag-alert phone niya.

"Kiara, baka hindi nga siya makapunta."

"Ah. Ganun ba. Haha. Ang saya naman." ngumiti na lang ako sa kanila at umubob sa table. Badtrip naman oh! Sayang ang pagka-dalaga ko ngayong gabi! Ang ganda ganda ko pa naman. Hindi naman sa sinasabi kong ngayon lang ako maganda, i mean, it's araw araw you know! 24 hours a day!

"Ladies and Gentlemen, we only have one hour to go before this party ends. So, what are we waiting for? Let's grab our special one's hand and go dance for the last time!"

GREAT! ULTRA MEGA SUPER OHLALA GREAT! Special one's?! Wth! Si Mai, syempre isasayaw ni Al. Si Pau, syempre kay Chuanget. Ako? Yung table na lang ang isasayaw ko. Dito na lang ako! Dito na lang ako! Ajujuju.

"Kiara, can we dance?" narinig kong may nagtanong na lalake. Nakaubob padin ako kaya wala akong pake kung sino siya.

"Maybe next time. Masama ang pakiramdam ni Kiara. Sorry."si Mai na ang sumagot. Thank you Mai!

"Ah, okay. Kiara oh biogesic. Ingat!"

"K." sabi ko dun sa lalake, nagkaubob padin. Feeling niya naman si John Lloyd Cruz siya. FYI, boses palang, hindi na chicks. Oo, mula nung nakilala ko si Sly, lahat ng lalake sa akin, PANGET. Number one sa list ko si Jerald Chuanget.

Nagsimula nang kumanta yung acoustic band. Sweet songs, love songs. Oh please! Nananadya ba kayo?! Sabagay, alangan namang tumugtog sila ng sad songs dahil lang sa akin. Ang pa-bebe ko naman nun! (pa-bebe as in, pa-chicks.)

Tumunghay na ako dahil binabanas na ako. Hindi ko mapanindigan ang emoterang peg ko. Nanood na lang ako sa mga kinikilig na babae habang sinasayaw sila ng mga crush nila. Nakakainggit. Ugh.

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon