I dedicate this chapter to Ms. Sopi Malik Wattpad dahil sa comment niya sa Prologue :))
Thank you!
Sly Buerro -->
***
2:45 na ng umaga pero hindi parin ako makatulog.
Kanina pa akong pagulong-gulong dito. Hindi ako mapakali. Sinubukan ko nang ihampas sa pader ang ulo ko at suntukin ang sarili ko, pero hindi talaga ako makatulog. Ganito ba yung feeling kapag nakakabukig ka ng isang malaking sikreto? Pero bakit ba naman sa dami daming facts na madadagdag sa alam ko kay Sly, yun pa! Na-beckylushes sya!
At matindi pa nito, mukhang may jowa siyang lalake! Kaya pala walang naiissue na babae sa kaniya. Lalake pala ang gusto :(
Muli akong gumulong sa kabilang side ng kama ko.
Waaaah! Hindi talaga ako makapaniwala! Bakit hindi ko nahalata yun? Bakit hindi obvious sa kaniya? Lagi ko siyang sinusundan pero, bakit ngayon ko lang nalaman?
---
Ala otso na ako nagising dahil sa kakaisip dun sa nalaman kong sikreto tungkol kay Sly at kay 'Don'. Late na ako masyado sa first class ko kaya umabsent na lang ako. Bahala na. Dumiretso na lang ako sa Canteen, dun ko na lang aantayin si Pauline at Mai. Sila ang mga bestfriend ko mula nung tumuntong ako sa college. Parehas silang may lovelife, oo ako lang samin ang wala. Yun kasing lalakeng gusto ko at hindi pala lalake.
Iba't iba kaming tatlo ng ugali pero magkakasundo kami.
Si Pauline, sosyalin at spoiled. Lahat ng gusto niya, binibigay ng magulang niya. Sweet pero may pagkaisip bata. May uhm.. pagkamahina sa klase. Pagdating naman sa lovelife niya, medyo playgirl. Paggusto niya ang lalake, sasagutin niya kaagad. Kapag ayaw na niya, makikipagbreak na agad. Sa sobrang pagkaisip bata niya, akala niya laro pati love. Isang dakilang CONYO.
Si Mai, ang pinakamatalino sa aming tatlo. Kilala rin siya sa school sa pagiging leader. Honor student at responsible. Siya ang pinaka-Ate sa aming tatlo. Siya ang taga-payo at sermon sa amin ni Pauline. Para siyang matanda kung magsalita, nakakapagtaka nga at nagkalove life ito. Akala nga namin eh tatanda yan ng dalaga eh. Pero nung nanligaw sa kaniya ni Al, ayun napa-OO. Sabagay, parehas naman sila na matalino at leaders kaya nagkasundo.
At ako? Ako ang pinakamaganda sa aming tatlo! Pinaka-sexy pa! Ako daw ang pinaka-baliw sa amin tatlo. Kasama rin ako sa top students Tourism students. Masayahin ako at hindi mahilig mamroblema sa buhay. Never akong natalo ng stress dahil hindi ako papayag na papangit ako dahil dun no! Na-a-ah! Sa lovelife naman, siguro alam nyo na. May mga nanliligaw naman sa akin na gwapo at macho, pero si Sly parin ang bet ko. He's so smart kasi, hindi lang puro pogi. Hindi rin siya ma-girlfriend or playboy. Never siyang na-issue sa school, maganda ang reputasyon niya dun. Anak siya ng isa sa mga head ng school namin. Editor in Chief sa school paper, magaling kumanta and kasama sa top 10 Accountancy students for 3 consecutive years. Oha! Talented and all. Basta all in one siya! Kaso sa nalaman ko sa kaniya kahapon...
"Hey! Why didn't you attend ng class kanina ha?" nagulat ako ng biglang may sumulpot na bruha sa harap ko.
"Na-late ako ng gising Pauline. Next class naman ay aattend ako." as usual, she's doing her make-up. Maya't maya na tumingin sa salamin. I just rolled my eyes. Inlove na naman siguro ito.
"Ayos lang ba ang hair ko friend? Tsaka can you smell yung perfume ko kahit you're medyo far?"
"Yeh. Tumigil ka na nga sa kakaayos mo. May bago ka na namang lovelife no?"
"Wala kaya! I'm not inlove no!" sabi niya habang nagpapacute. Napatingin ako sa may likuran ko, may kinawayan kasi siya sa direksyon na tiningnan ko. And I'm right! Another target.
"Wala pala ha!" sabi ko sa kaniya pagharap ko.
"Kanina wala, meron na now." excited niyang sabi. Nilagay niya pa yung buhok niya sa likod ng tenga at tumingin ulit dun sa lalake.
"Psh. Asan ba si Mai? Isusumbong kita."
"She's on the library eh, another meeting na naman for the student council. Syempre with her boyfie!"
"Ow." tipid kong sagot sa kaniya.
"Ikaw friend? Kamusta ka and Sly?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Sasabihin ko ba yung nakita ko? Bakit kasi pinaalala pa nito si Sly eh!
"Ah. Wala, wala pa." hindi muna siguro ngayon. Hindi ko pa kaya, baka pagtawanan nila ako. Daig ko pa si Den sa pagkabroken hearted, siya may fiancé lang ang crush niya eh ako? B-beck-becky.
"What? You're not nakakascore paren? You're so kupad naman eh! Soon may other girls nang makakaget kay papa Sly sige ka!"
Asa namang may makakakuha dung babae, baka lalake pa.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Parang puputok na ulo ko kakaisip! Bakit kasi ako pa ang nakatuklas nun! Sabihin ko na kaya kay Pauline? Pero baka ma-issue si Sly pag sinabi ko. Tapos baka hindi alam apng Dad niya na ganun nga siya, baka itakwil siyang anak. Tapos ako? Baka i-kick out ako dito! Hindi ko na siya makikita!
"Friend! Okay ka lang? You're making me lula na of what you're doing eh! You're shaking your head kanina pa!" inis niyang sabi sakin. Buti na lang dumating na si Mai, kung hindi kukulitin pa ako nitong si Pauline. Masyado kasi yung echosera. Konting pagbabago sa kilos mo, nakikita at napapansin niya.
"Hi girls!" bati ni Mai sa amin. Umupo siya sa tabi ni Pauline."Ay nga pala, Kiara. Hinahanap ka ni Jerald. Tinatanong niya sa akin kung kilala kita eh."
"Oh my Gosh! Jerald?! As in Jerald Chua? The oh-super-macho-gwapitong guy na Mr. Accountancy?!" and there she goes again, may marinig lang na pangalan ng gwapong lalake, nagiging wild na.
"Tumigil ka nga jan Pau. Ayan ka na naman eh! Anyway, oo friend. I'm sure ikaw yun! Full name pa nga yung tinanong niya sa akin eh."
"Bakit naman niya ako hinahanap? Manliligaw siya? Pwes mahaba na masyado ang pila para dumagdag siya!"
"Baliw! Hindi ko din alam eh."
"Anong sabi mo? Don't tell me you gave him my room and section?"
"Uhm, yep? And even you're number. Importante daw eh." natatawa niyang sagot sakin habang naka-peace sign.
"What?" napatayo ako ng wala sa oras sa kinauupuan ko. Ang aabnormal talaga ng mga kaibigan ko! Hindi ko nga kilala yung Jerald Chua na yun tapos ibibigay niya ang number ko? Hindi kasi ako tulad ni Pau na kung sino sino nakakaalam ng number. Aside from my relatives and teachers, sila lang dalawa ang nakakaalam ng number ko.
"Easy friend! Easy. Upo na aba. Madaming nakatingin sayo." napatingin ako sa paligid, oo nga pala, nasa canteen nga pala kami. And guess what? They're all staring at me.
"Sorry po. Ngayon lang po ba kayo nakakita ng magandang nakatayo?" sabi ko sabay upo.
"Taray fried! You're face is so kapal!" sabi ni Conyo habang pumapalakpak.
"Shut up Pau. Seryoso Mai, bakit mo binigay?"
"Yeah, sorry friend. Importante daw kasi eh."
"Ugh. Whatevs. Pwede naman akong magpalit ng number. Alis na tayo. Ayaw kong malate sa next class natin." tumayo na kami at umalis sa canteen. Dumiretso na kami sa classroom namin at buti na lang nauna kami sa prof namin ng ilang minutes. English ang klase namin ngayon at nagbigay lang ng seat work ang prof namin. As usual, si conyo girl ay tanong ng tanong ng gagawin. Hindi lasi nag-aaral yan eh, puro boys ang pinagkakaabalahan.
"Ma'am?" napatingin kaming lahat sa may pinto ng may magsalita galing dun. Saglit lang akong napatingin dahil hindi ko naman kilala yung lalake. Nagpatuloy na ako sa paggagawa ng seatwork ng biglang nagsigawan yung mga malalandi kong kaklaseng babae at bading. Ugh, ganyan sila basta may makitang lalake, akala mo naman ay artista ang dumating.
"Yes? What do you need Mr.?"
"Goodmorning Ma'am! Can I excuse Ms. Kiara Valdez? This is pretty important."
****
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014