FIELDTRIP NA!!! 😁😆
Thank you sa reads and comments! <3
Kahit eksaktong one week pa lang ito, 1000+ reads na! Thank you!!!
At sa lahat po ng nagcocomment sa story ko, i'll do my best to give you guys dedications ;)))) ❤️
Dedicated to IndianaRuthAwing thank you po sa comment :** :)))))
***
"Tabi tayo Kiara? Para naman ako lang ang makatabi mo buong byahe. Gusto kitang masolo today okay lang ba?" tanong sa akin ni Sly. OMG! Mamamatay na ako sa kilig.
"Sige. Tabi tayo." Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Tumingin siya sa mata ko at... at...
"I Love You Kiara Valdez." Nilapit niya ng dahan dahan sa akin ang mukha niya... one inch na lang! Konti na lang! Pinikit ko ang mga mata ko. Sa wakas may first kiss na a-----
*bogs!*
"Hmmmm.." nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Nasa langit na ba ako? Ang huli kong natatandaan ay humampas ang ulo ko sa upuan sa harap ko nung nakasakay kami ni Sly sa bus. Piste naman eh! Bakit hindi na lang pagkatapos nung kiss ako namatay?! Minulat ko ang aking magagandang mata at nakita ko ang langit. Teka? Bakit kapareho ng kwarto ko? So sa langit pala ay kapareho ng kwarto natin sa mundo? OMG! Edi ang kalat-kalat pala ng kwarto ni Pauline sa langit?!
Uminat ako at nagpagulong-gulong sa kama ko. At sa paggulong ko, nalaglag ako sa sahig.
"Aray!" napailing ako sa sakit ng pagkakauntog ng ulo ko. At nun ko lang nalaman, nasa kwarto ko pala talaga ako. Panaginip lang pala yung nasa bus. Sayang naman! Di bale, mangyayari siguro yun mamaya! Sign na yun! Ang sarap ng tulog ko. Infairness, hindi ako inabala ng alarm clock ko.
"Goodmorning Gorgeous Wor----" nanlaki ang mata ko nang bigla kong naalala yung sinabi ko kanina.
Infairness, hindi ako inabala ng alarm clock ko.
Infairness, hindi ako inabala ng alarm clock ko.
Infairness, hindi ako inabala ng alarm clock ko.
Agad kong kinuha ang alarm clock ko at chineck ang oras. 7:45 na, at ang alarm na nakaset?4:30 PM!
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" napasigaw ako nang marealize ko kagagahan kong nagawa.
"Anak?! Anong nagyari? Bakit ka sumisigaw?" nagtatakbo si Mama papunta sa kwarto ko para icheck ako.
"Maaaaaaa! 7:45 na!" Naiiyak kong sabi sa kaniya.
"Oh ano ngayon kung 7:45 n-----. FIELDTRIP NYO NGAYON!!!"
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" sabay naming sigaw.
"Ma, anong gagawin ko!!! Gusto kong sumama!!!" umiiyak na talaga ako this time. Ajuju yung chance na makasama ko si Sly sa bus at makatabi? WALA NA!!! Ajujuju!
"Anak, gustuhin ko mang ihatid ka dun ay hindi ko magagawa. Hindi ako marunong mag-drive. Tapos ni Manong driver, naka-leave ngayon dahil may nagkatay daw ng baboy sa kanila. Nangainan."
"Mama naman! Anong gagawin ko!" Ajujuju. Chineck ko ang phone kong naka-SILENT. Nakailang text at tawag na sina Mai sa akin. Nakaalis na sigurado sila! Tinawagan ko si Mai at isa palang ring ay sinagot na agad niya ang tawag.
"HELLO KIARA! ANO?! KANINA PA KAMING NAKAALIS!!!" nilayo ko sa tenga ko yung phone dahil alam kong sisigaw na naman siya sa akin. Ajuju ang ganda ko para sigawan huh! Ajuju.
"Huhuhu. Nalate ako ng gising. Huhuhu"
"Na naman?!" muli kong nilayo ang cellphone ko sa tenga ko. "Bakit hindi ka nag-alarm?!"
"Nag-alarm naman ako eh. Hindi ko lang napansin na sa halip na 4:30 AM, 4:30 PM ang nai-alarm ko."
"Anak ka ng magaling! Palakpakan para kay Kiara Valdez!" sarkastikong sabi ni Mai.
"huhuhu, enjoy na lang kayo. Huhuhu pasalubong. Huhuhu."
"Hahaha! SIge sige! Bahala ka dyan sa buhay mo! Mabored ka dyan samantalang kami nageenjoy! Hahaha"
"Sige mang-asar ka pa! Huhuhu. Nandyan ba si S---"
'Ms. Ortiz! Please turn off your cellphone first. May nagdidiscuss dito sa unahan.'
Yun ang huli kong narinig bago patayin ni Mai ang tawag. Napagalitan pa tuloy siya ni Ma'am. Pero buti nga sa kaniya! Ang bilis talaga ng karma, inaasar niya ako eh, napagalitan tulyo sya. BWAHAHA!
'di ka naman kasama sa fieldtrip!'
Pati ba naman utak ko, binubully na ako ngayon? Ajuju.
"Hay nako anak, tumahan ka na diyan! Mas maganda na ako sayo ngayon, ang pangit mo kapag umiiyak eh!" natatawang sabi ni Mama at lumabas na ng kwarto ko. Pangit daw ako pag naiyak? Tatahan na nga ako!
Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame.
"Ang ganda mong tanga!" sabi ko sa sarili ko sabay hampas sa noo ko. Psh, mabobored ako ngayon. Buong araw wala ang mga kaibigan ko pati ang crush ko. Kasama for sure sa bus na yun ang mga fan girls ni Sly. Maisahan pa ako -__________-
'don't worry, becky naman ang crush mo eh! Walang ibang babaeng papansinin yun!'
Tama! Ang talino talaga ng utak ko!
'lalaki, pwede pa!'
Binabawi ko na! Ganito ba ang epekto ng hindi nakakasama sa fieldtrip? Inaaway ang sarili? UGH! Makalabas na nga lang para may pagkaabalahan ako. Nag-ayos na ako ng sarili at lumabas ng kwarto. Nagpaalam ako kay Mama na dadaan ako saglit sa school para ipaalam sa Head na hindi ako nakasama sa fieldtrip. Baka kasi hanapin nila ako dun, syempre walang maganda sa bus, baka magalala sila.
Pumara ako ng taxi at sumakay papuntang school. Pagdating ko dun, dumiretso agad ako sa office ng head para ipaalam na di ako nakasama.
"Yes Ms. Valdez? What do you need?"
"Ma'am goodmorning po. Ipapaalam ko lang sana po na hindi ako nakasama sa fieldtrip namin.Baka po kasi hanapin ako ni Ma'am at akalaing kulang yung nasa bus nila."
"Ah ganun ba? Sige I'll call her para ipaalam yan. Sayang naman at di ka nakasama." Sige Ma'am panghinayangin niyo pa ako!
"Thank you Ma'am. I'll go ahead na po."
"Okay Ms. Valdez. Good day!" nang-aasar ba si Ma'am? Anong good sa day ko? Kahit anong angle, hindi magiging masaya ang araw ko eh.
Paglabas ko ng office ni Ma'am, napatingin ako sa katapat na pinto nito. Office ng Dad ni Sly.
"Mr. Allan Buerro. Head." Magiging Tatay din kita! Tiwala lang! Nakatingin parin ako sa may pintuan ng office ng Dad ni Sly ng bigla itong bumukas.
"Sly?"
"Kiara?"
***
Leave comments naman dyan! 😂❤️
Kawawang Kiara, naiwan ng fieldtrip! Hahahaha :)))
Si Sly nga ba ang nakita niya? O panaginip na naman ito? ABANGAN. TADADADAN!!!
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014