Chapter 26

230 11 1
                                    

I'm not good in emotional scenes. Hihi. I tried. Sorry in advance if its lame.

***

Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung kanino ako pwedeng magopen up. Hindi ko kasi kayang sarilinin ito. Bakit kasi ako pa yung nakakita nun? Hindi ko na alam ang gagawin.

"Kiara, anong nangyari?" yung boses na yun. Bigla akong nabuhayan ng loob. Si Chuanget. Sa kaniya. Pwede akong magopen! First time nya atang umeksena sa buong buhay ko na natuwa ako.

"Buti na lang dumating ka! Paano mo nalaman?"

"Sina Mai. Kahapon ka pa daw di makausap ng maayos."

"Oo nga. Kasi... Jerald.. may nakita ako."

"Ano?"

"Not here. Dun tayo sa may bleachers. Baka may makarinig,"

"Sige," naglakad kami papuntang bleachers. Yung mga babaeng nakaupo dun, pinaalis nya. Medyo malakas din ito sa mga babae dito sa school eh. Buti na lang Saturday ngayon kaya kokonting estudyante ang may klase. Isang Major lang naman ang klase ko ngayon.

"Now, tell me. Anong nangyari." huminga muna ako ng malalim at nagsimulang magsalita.

"Jerald kasi... si... Don... nakita ko sya..." nanlaki ang mata nya. Mas mukhang taranta pa sya sa akin ngayon.

"H-ha? N-nakita m-mo?! Sa-an?"

"Sa mall... may kasama sya.. may kasama syang ibang babae... tapos.. magkaholding hands sila.. sobrang sweet nila.. Jerald, alam ba ito ni Sly? Alam ba nyang may iba nang mahal ni Don?"

"K-kiara.. ano k-kasi.."

"Jerald kailangan kong makausap si Sly. Mukhang matagal na sila nung babae. Matagal nang niloloko ni Don si Sly. Kailangan nyang malaman ito!"

"H-hindi!"

"Anong hindi?"

"Break na naman sila diba? So bakit kailangan pa malaman ni Sly Kiara?"

"Eh... eh kasi baka... baka bumalik si Sly kay Don! Masaktan lang sya! Lokohin lang sya ulit! Masakit makitang masaktan siya... masakit makitang masasaktan.. na naman.. yung... yung taong mahal mo..."

"Hayaan mo sya.."

"Anong hayaan? Kaibigan mo yun Jerald! Hahayaan mong bumalik sya kay Don? Tapos ano masasaktan na naman sya? Kailangan nating kau---"

"Yan lang ba talaga ang rason mo Kiara? Na ayaw mong masaktan si Sly? O dahil ayaw mong magkabalikan sayo dahil umaasa kang kayo naman?" natahimik ako sa sinabi niya. Napayuko ako. Bakit nga ba? Bakit ko nga ba gustong sabihin?

Hindi ko alam.

"See Kiara? Gusto mo diba? Gusto mong kayo naman?"

"T-tama n-na.." masakit na kasi. Masakit na yung sinasabi nya.. hindi ko alam.. siguro kasi totoo. Ganun naman talaga diba?

Kapag mahal mo, kahit alam mo mali, aasa ka..
kahit alam mong imposible, aasa ka..
kahit alam mong walang patutunguha, aasa ka..

Kasi kahit gaano pa man yan kaimposible, nangingibabaw parin yung pag-asang someday...

Mamahalin ka rin nya.

"No Kiara! Let's face it! Gusto mo kayo naman diba? Well Kiara! Wag ka nang umasa sa kanya. Ilang taon mo na ba syang gusto? Dalawa? Napansin ka ba nya noon, kahit once lang? Ha? Maliban na lang nung nalaman nyang alam mo ang sikreto nya."

"Tama na please..." nilagay ko ang dalawa kong kamay sa parehong tenga ko. Natatakot na ako sa mga sinasabi nya. Ayaw ko nang marinig ang mga yun...

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon