***
Pagkatapos ng ilang oras na byahe, nakarating na rin kami sa wakas sa school. Medyo pagabi na rin bago kami nakarating. Pagkababa ko ng sasakyan, noon ko lang naramdaman ang pagod. I cant feel my flawless legs.Dumiretso muna kami nina Mai sa office ng student council. Tutal inaantay ko rin naman si Chuanget. Susunduin nya daw ako eh. Daming arte sa buhay. Oh well. Pero naguguilty parin ako sa di maexplain ng kagandahan kong rason. Naguguilty ako kasi nakalimutan ko si Chuanget? O kasi mas masaya ako kay Sly ng wala syang kaeffort effort? O kasi kung alam nya ang mga nangyari dun masasaktan sya? O kasi... napagtanto ko na, kahit pagbalibaliktarin natin ang mundo... si Sly parin ang gusto ko? I guess, all of the above. Ugh. Ang sama ko na.
"Anong nangyari sayo? Busangot yang mukha mo." sabi ni Mai habang nagaayos ng mga gamit, alam nyo naman yan, superhero ang dating. Nakaupo lang ako dun. Kahit gaano ko pa gusto tumulong, hindi talaga keri ng beauty ko. Nakakapagod!
"Wala." sabi ko sabay ubob. Hays, ano ba to. Hindi ko na alam ang gagawin.
"Bakit nga?"
"Wala nga, naisip ko lang. Kung siguro naiishare ang kagandahan, ang dami ko nang charities na natulungan. Sobra na kasi yung ganda ko eh. Parang nescafe, NANGINGIBABAW."
"Wala akong narinig. Wala akong narinig." pangaasar ni Mai.
"Ano ba! Umoo ka na lang kasi."
"Oo na! Pero seryoso? Bakit nga? Di ka ba masaya kanina?" napatunghay ako sa tanong nya. Tiningnan nya ako straight to the eye.
"Masaya."
"Oh? Yun naman pala eh. Anong nginunguso nguso dyan Kiara Valdez?" sabi nya, nakapamewang.
"Yun na nga eh. Masaya ako..." napabuntong hininga ako,"...eh di naman dapat." lumpapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.
"May problema ba?"
"Si Jerald.." tinaas nya ang kilay nya, which means na magpatuloy ako, explain further. "...kanina kasi, wala akong nasa isip kundi si Sly. Nakalimutan ko ngang magtext man lang sa kanya eh. Naguguilty ako na ewan. Lalo na nung narealize ko na gusto ko parin si..."
"Si Sly?" tumungo ako at tumango. "Alam ko naman yun Kiara."
"Para kasing... pinapaasa ko lang si Jerald sa ginagawa ko."
"You gave him what he is asking for, a chance. You did your part, now..." kinapitan nya ako sa balikat, "...mamaya kapag sinundo ka nya, tell him. Tell him what you really feel. Mas makakagaan yan ng loob mo. Trust me." at ngumiti sya. Tumango ako ulit.
"Salamat Mai."
"Ikaw pa." sabi nya sabay yakap sakin.
"Looks like nagkakadramahan dito?" sabi ni Al, natatawa. Kakapasok nya lang ng room dala ang iba pang mga gamit na naiwan sa sasakyan. Nasa likod nya lang si Sly, ngumiti sya sa akin. May dala rin syang mga gamit, mas madami pa nga kay Al eh. Yung totoo? Bakla ka ba talaga?
'May mga bading talagang, lalake lang sa kilos, pero bading pa din sa puso. WAG KA NANG UMASA.'
Pasampal na paalala sakin ng utak ko.
Oo na, Oo na! Hindi na!
"Baliw, di naman. Medyo nageemote lang itong si Kiara tungkol kay Jera---"
"Hmmm.." sabay inat ko, "...nakakaantok na. Tara na umuwi?" sabi ko kay Mai habang pinanlalakihan sya ng mata.
"Ay oo nga, tara na. Tara na." natatawa nyang sabi. Lumabas na kami ng room. Medyo madilim na dito sa campus pero may ilaw naman kaya kita parin ang beauty ng Kiara nyo. Tsaka isa din yun sa mga motto ko, excuse me.
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Genç KurguAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014