Chapter 19

382 12 1
                                    

Comments pleasee. 😂🙊
***

Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang sa booth namin, panay na ang kantyaw ng mga kaklase ko sa akin. Lalo na si Mai. Inaasar nila ako dahil nga pulang pula daw ako kanina nung kasama ko si Sly. Naisip ko tuloy, nahalata kaya niya yun? Nakakahiya kung oo! Sana lang inisip na lang nya na natatae ako kaya ako namumula!

"Oh, alam naming masaya ka kaya ikaw na ang in-charge dito ha! Kami naman ang maghahanap ng aming ka-date!"sabi nung kaklase kong lalake. Tumawa lang kami ni Mai at nag-ayos na kami ng booth. Sana walang sumira ng araw ko ngayon, at alam niyo na ang ibig sabihin ko doon. Sana hindi ko makita si Chuanget.

Umupo na kami ni Mai para magbasa na ulit ng dedications dahil naayos na nung iba naming kasama ang booth at ang soundsystem. Nagsimula na syang tumanggap ng mga dedications at ako naman yung magbabasa. Si Mike, yung isa naming kasama naman ang bahala sa music na request nung nagpadedicate.Nagstart na akong magbasa ng mga dedications. Syempre madami sa mga dedications na yun ay para sa crush, sa ex, sa kaaway at sa mga napapagtripan.

Madami-dami naring kacornihan ang nabasa ko, medyo natutuyo na ang laway ko kakasalita dito. Pero dahil kasama ko si Sly kanina, okay lang. Keri ito ng aking beauty!

"For our next dedication... It's from BhOxzScØh_17." natawa ako ng konti sa code name nya. Ew, may nagccode name pa pala ng ganito.

"BhOxzscØh, xOriE nHuA plEasxZ...' XuAnhA mUaGvh--- I give up! Kung sino kamang Boss ka nitong binabasa ko, magusap na lang kayo ng personal dahil pinapasakit niyo ang ulo ko! Sa lahat po ng magpapadedicate, maari lamang pong isulat ang mga nais nilang iparating sa kanilang nilalandi, inaaway, at iniirog ng hindi jejemon. Sapagkat ang nagbabasa ay nauubos ang oras at kagandahan. Salamat." nagpalakpakan naman ang mga kasama ko dito sa booth. Hay, bakit ba kasi ang dami kong fans lagi.

"Ang kapal talaga ng mukha mo Kiara ano?" natatawang sabi ni Mai. Infairness ha, hindi na sya masyadong nagiging guidance councilor. Inlove kasi eh, masagana ang lovelife nya ngayon, kaya ayan. Laging blooming ang lola nyo.

"Yep, makapal sa kagandahan ang mukha ko."nagsimula na ulit akong magbasa. Hyper ako ngayon, ipagpaumanhin niyo na. Kayo kaya ang makasama ang crush nyo ng matagal, kung hindi ka rin kaloka gaya ko!

"For our next dedication... From... wala pong from. So from whoever he/she is,"medyo nobela ang dedication na ito. Buti nagkasya pa sa sheet namin. Next time nga lalagyan ko ng maximum letters ang ilalagay sa dedication para hindi aksaya sa laway.

"Alam kong hindi mo ako napapansin tulad ng pagpansin mo sa kanya. I'm doing my best, even if I know it annoys you. Yun lang naman kasi ang alam kong way para mapansin mo ako..."napakunot ako dahil sa binabasa ko. May tama sa akin ang dedication na ito. I don't know why. Nagpatuloy ako sa pagbabasa."...pero sana maisip mo, habang nagpapapansin ka sa kanya, may isang taong ganun din ang ginagawa para sayo. Kung iniisip mong tinotokis kita, mali ka dun. Sa ibang babae, oo ganun ako. Pero iba sayo. I guess you are my 'karma'. Sa dami ng babaeng niloko ko lang at pinagtripan, ikaw siguro yung ganti sa akin ng mga yun. Sayo ko lang naramdaman yung ganito eh, ang hirap mong abutin. Sana dumating yung time na makita mo ako sa ibang way naman, as a person who can make you happy more than he can."napatigil ako saglit sa pagbabasa.

"To... Kiara." nagsigawan yung mga kasama ko. Kinikilig sila na ewan. Pero ako hindi. Natigilan ako. Hindi ko alam pero parang alam ko yung mga salitang ito. Hindi ko matukoy kung kanino galing ito pero sure ako na ala ko ang mga words na yan. Hindi naman sa hindi ako sanay na may nagdededecate sa akin ng mga kacornihan, pero iba ito eh. Nakakaguilty na ewan, may impact sa akin.

Binigay ko kay Mai yung mic. Sabi ko sa kanya, magpalit na lang kami ng gawain. Ako na lang ang tatanggap ng dedications at sya na lang ang magbasa. Ayokong isipin na yung sulat na yun. Masyadong nakakaloka. Buti sana kung si Sly ang nagdedicate nun sa akin eh. Masaya sana, eh hindi eh! Sa iba na nga nanggaling, naguilty pa ako. Ano ba yan!

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon