Chapter 24

263 15 1
                                    

Unedited. Daming typos. Ata. Haha :)))
Thanks! Annemae19 and @IamTabi ❤️💕
***

Nang malaman ko kay Chuanget nung isang araw na nakakasama nga daw ni Pau si Quensie, sobrang pagaalala ang naramdaman ko. Hindi ko alam, pero naguguilty ako. Feeling ko kasi may mali. For two years na friendship namin, ngayon lang sya naghanap ng ibang makakasama. May nagawa ba akong mali? Never ko namang pinaramdam sa kanya na balewala sya bilang kaibigan sa akin, lalo na siguro si Mai. Masyadong matured magisip si Mai para gumawa ng alam nyang hindi magugustuhan ni Pau, para mag-away sila. Pero bakit ganun? Ako yung nakakaramdam ng kakaiba. Feeling ko may masama akong nagawa.

"Miss Valdez, are you listening?"

"Ah, o-opo Sir. I'm sorry." nawala sa isip ko na nasa classroom nga pala ako. Masyado akong nagiisip ng kung anu-ano.

"Kiara, okay ka lang?" pabulong na tanong sakin ni Mai.

"Yah, yah. Naisip ko lang si Pau." hindi din kasi siya pumasok dito sa subject naming ito. Ilang araw ko na rin siya hindi nakakasama.

"Baka nagpapamiss lang ulit tulad dati."

"Oo nga. Sana." naalala ko nung bago ang tourism night, iniwasan nya din kami. Sana, ganun na nga lang ulit. Hay, hindi ko na lang muna papakaisipin. Bawal ang stress, nakakabawas ng beauty.

After ng mga klase namin, nakasalubong ko si Sly. Nabawasan tuloy ang isipin ko. Napangiti ako ng nakita kong bumalik na yung dating Sly. Mukhang di na sya stressed tulad nung huli ko syang nakausap.

"Hi Kiara!"

"Sly. Uy, kamusta?" kamusta? Mahal mo na ba ako?

Asa pa ako eh. Gayumahin ko na kaya sya? Pero di eh, hindi ko na kailangan ng gayuma. Masyado akong maganda para maging witch.

"Okay naman. Okay na. Ikaw?" eto, mahal ka padin.

"Ayos din lang. Buti naman okay ka na."

"Yep, haha. Kiara, may klase ka pa ba?"

"Uhm, wala na. Uuwi sana ako eh. May klase pa si Mai eh. Bakit?"

"Ah, aayain sana kita lumabas? If okay lang? Paalis na kasi ako bukas." lumabas? Pwede bang pagandahin natin yung term? Pwede bang DATE na lang?

"Ah, s-sure."

"Yes. Haha meryenda muna tayo?"

"Sige." sabay kaming naglakad sa hallway. #FeelingGirlfriend na naman ako dito. Sana nga lang eh! Sana! Naglakad na lang kami papunta sa isang coffee shop, malapit naman yun sa school. Sinabi ko ang order ko sa kanya at binigay sa kanya ang bayad ko. Pero tumanggi sya, sya daw ang nag-aya kaya sya daw ang bahala. Okay. Fine. Magpapakipot pa ba ako?

After ilang minutes, sumunod na si Sly sakin sa table.

"Sorry for waiting. Five minutes pa daw yung food. Okay lang?"

"Yep." sure why not! Willing naman akong magantay kahit isang araw dito! Basta ba si Sly yung kasama! Hindi ako makaimik. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano ako magoopen ng topic. Baka kasi, ewan. Nahihiya ako.

"Are you bored? He-he." napakamot sya sa ulo. Damn he's so handsome!

"U-uy, hindi ah."

"Sorry, hindi ako masyadong masaya kasama tulad ni Jerald ha? Pasensya ka na Kiara. Hehe."

"Hindi. Hindi naman sa ganun Sly.. ano lang kasi..." paano ko ba sasabihin na nahihiya ako sa kanya? Na hindi ko alam ang sasabihin ko. Na kapag kasama ko na sya, nauubusan ako ng sasabihin. Hindi ko alam kung paano.

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon