Chapter 17

457 11 4
                                    

Unedited. Daming typos. Ata? Haha. Belated Happy New Year! :)))

***
At dahil malapit na ang University Day namin, nagppractice na lahat dito. Nakakainis kasi hindi ko nakikita si Sly. Bakit ba naman kasi ang layo ng assigned area nila sa amin eh! Nakakainis.

"Oh mga chaka, lumapet na kayo dito at magppractice na ulit tayo! Bilis! Naloloka ang beauty ko!" sigaw nung baklang nagtuturo sa amin ng sayaw. Lakas makatawag ng chaka, baliw ba sya? Tinatawag ang sarili? At tsaka maloloka daw ang beauty? Meron ba sya nun? Pumunta na kami sa pwesto at pinatugtog na nung chakang instructor ang music.

Nang matapos ang practice namin ngayong umaga, nagkayayaan kaming maglunch sabay-sabay.Sakto namang dumaan si Al kasama si Chuanget at si Sly my loves kaya niyaya narin sila ni Mai. Syempre pabor naman sa akin! Kay Pauline? Not so much. Halata sa kanyang napapahiya syang ewan. Sino ba naman kasing di mapapahiya sa ginawa sa kanya nitong Chuanget na ito.

"Hi Kiara!"

"Uy, H-Hi!" kung pwede lang sigurong tumalon ako mula 4th floor ngayon, gagawin ko! Pero syempre joke lang yun, baka mamatay ako. Di pa pwede, di pa nagiging kami ni Sly 'no!

Dumiretso na kami sa fastfood na malapit lang sa school para maglunch. Naghanap muna kami ng table. Nagvolunteer na ang mga boys na kunin ang order namin para sila na ang pumila.

"Ikaw Kiara? Anong sayo?" matutuwa sana ako kung si Sly ang kumuha ng order ko eh. Kaso si Chuanget.

"Kahit ano. Eto oh." inabot ko sa kanya yung pera ko pero hindi niya tinanggap.

"Wag na. Treat ko." sabi niya. Nice, in front of Pauline talaga ha? Nananadya ba sya? Ginagamit nya ba ako para pagselosin si Pauline? O talagang ganito lang talaga kasama ang ugali nya para pagawayin kami? Ano ba talagang motibo nung Chuanget na yun?!

Nilibre na nga ako galit pa ako?

Oh well.

Sige na nga!

"Oy madaya yun ah, bakit libre?"

"Malay." sagot ko kay Mai. Nagkibit balikat na lang ako.

"Excuse me." biglang tumayo si Pauline at dumiretso sa C.R.

"She's jealous."sabi ni Mai sa akin.

"Di ko sinasadya." bigla akong nakaramdam ng guilt.

"Alam ko, at wag mong isipin na ikaw ang may kasalanan." tumango na lang ako. Alam kong kinocomfort ako ni Mai pero wala paring epekto. Yun parin ang nararamdaman ko. Bakit ba naman kasi itong si Jerald ay ganito. Parang sinasadya nya pang saktan si Pau.

Nang dumating sila, dala na nila yung mga pagkain. Lumabas na din si Pau ng C.R. Napansin kong bagong retouch sya, pero medyo halata parin na umiyak sya. At sobrang nagguilty ako dahil dun. Nagkunwari na lang kami ni Mai na hindi namin napansin yun.

"Girls, eto yung order nyo oh."nilapag ni Sly yung mga pagkain sa table. Kaso, yung akin, dahil nga libre ni Jerald, ay sya ang naglapag.

"Eat well." sabi niya sa akin. Tumango lang ako. Pagkaupo niya, kinuha ko yung resibo at kumuha ng pera sa wallet ko. Nilapag ko yun sa harap nya at kumain na. Hindi ako umiimik habang kumakain kami. Hindi ko na din tiningnan ang reaksyon niya sa ginawa ko. Nagagalit ako lalo sa kanya, ganito ba talaga siya kasama? Kahit na nagintensyon syang ilibre ako ng lunch ngayon (edi thank you), hindi parin ako natutuwa sa kanya.

"Guys, paalala ko lang ha? Punta kayo sa party ko." sabi ni Sly. Hindi ko alam pero wala ako sa mood. Kahit na nandito si Sly, nawala ako sa mood lumandi. Nakakainis kasi si Chua! Kahit kailan hindi sya nabibigong sirain ang araw ko!

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon