Natraffic ang aking update sa EDSA :")
Iibahin ko po ang date ng kaarawan ni Sly sapagkat ang author ay feeling busy.***
Yung feeling na kakaannounce lang kahapon ng tungkol sa University Day namin, may practice na DAW kaagad ngayon. Hindi naman sila excited ano? Sobrang bilis naman nung ASAP nila. As in -______-
Pumunta na kaming tatlo sa gym, dun kasi kami naka-assign ngayon. Ang layo sa area ng Accountancy, sa may likod sila ng school. May malawak kasing field dun kaya ayun. Nakakaasar nga eh, di ko masisilayan ang aking sinisinta. Madalhan man lang ng tubig at mapunasan ang pawis. Baka ibang babae ang makagawa nun. Pero sabagay, di dapat ako sa babae matakot na makaagaw ko eh, sa LALAKE.
Pagpasok namin sa gym, nakaupo na yung mga ka-course namin sa bleachers at yung mga prof namin ay nagmamadam na dun sa unahan nila kaya nagmadali na kaming tatlo.
"Goodmorning students! So, let me start our meeting. So ngayong araw, wala muna tayong practice, tulad nga ng sinabi ko kanina, meeting lang muna. Kumbaga preparation for your practices. Ang paguusapan natin ngayon ay tungkol sa contribution nyo for props at tsaka sa costume na din. By the way, 1970's ang naka-assign sa atin."
1970's? Okay na din. At least di pang stone age.
After idiscuss ni Ma'am ang mga gastusin at costumes, dinismiss din kami kaagad. At dahil nga may practice nga dapat, wala kaming klase ngayon. At dahil walang klase, ano pang mas masarap gawin kesa kumain? Edi kumain!
"Tara sa Graffitea?" yaya ko kay Mai at Pau. Kakabukas lang kasi nung last week, di ko pa nattry ang mga menu nila eh.
"Sige ba! Basta treat mo eh!"
"Joke lang Mai, siguro mas maganda kung mag-aral na lamang tayo sa library nang ang ating mga utak ay mas mahasa pa." palusot ko. Nakakatamad manlibre eh, ubos na nga pera mo, di ka pa nabusog.
"Let's go na nga! We're aabutin ng pag-white ng mata dito kapag nag-wait tayo na manlibre si Kiara."
"True Story." ako na mismo nagsabi. Oo, di ako nanlilibre at sanay na sila dun. Acceptable naman ang reason diba? Ayaw kong maubusan ng pera, ayaw kong di nabubusog. Pero syempre, mahilig akong magpalibre :3
Naglakad na kami papunta dun. Malapit lang naman sya sa school, kaya nakarating kami kaagad. Maganda naman ang surrounding kaya madami silang costumers. Umorder na kami para makakain na. Umorder ako ng Dark Chocolate Tea at Lasagna. Infairness, masarap nga ang food dito. Mukang ubos lagi baon ko nito!
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang dunating si Sly at si Chuanget. Para na naman akong mamamatay sa kilig dito. Ang gwapo ni Sly, medyo pawisan sya pero gwapo padin! Lord naman po, kailan ko ba magiging boyfriend itong lalak---baklang ito?!"Hi guys." bati sa amin ni Sly. Ngumiti lang si Jerald. Pft, feeling badboy ba?
"Hi Jerald!" masiglang bati sa kanya ni Pauline. Tumingin lang sa kanya si Jerald at di man lang ngumiti. Hindi ba talaga siya nadadala sa kasupladuhan ni Jerald sa kanya? Napayuko na lang si Pau, nakaramdam na naman tuloy ako ng awa sa kanya.
"Nga pala, guys eto nga pala oh." may inabot sa aming maliit na white envelop si Sly. Ano kaya ito? Invitation sa wedding namin? Hala! Ayaw kong mag-assume, gusto ko surprise!
Binuksan ko yung envelop, akala ko wedding invitation na, hindi pa pala. Birthday invitation nya. Shit! Malapit na nga pala birthday nya, wala parin akong naiisip na regalo."Punta kayo ha? Aasahan ko kayo dun. Sige mauuna na ako, mamimigay pa ako ng invitation sa iba eh, Sige." umalis na siya at si Chuanget. Pero bago niya saraduhan ang pintuan...
"Ge Kiara, ingat ka."
Kikiligin na sana ako pero hindi siya yung nagsabi nyan. Si Jerald -___-
Buti sana kung si Sly ano? Nakakakilig to the highest level! Pero kay Jerald? Is he out of his mind?! Or does he even have a mind? Like duh, kasama namin si Pau tapos gaganun sya? Ang sama niya. Ganun ba talaga sya ka-insensitive na babatiin niya ako, pero hindi yung babaeng pinaramdam niya na special sa kanya. Tapos ano? Iiwan niya na lang si Pau basta-basta?
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014