Chapter 36

281 10 21
                                    

Grabe yung last update ko. Last month pa ata. Sorry na po. Thank you sa mga nagmmessage at post sa wall for me to continue this story. #Inspired. Haha <3

***

(Kiara's POV)

Pailang beses ko na ba binalak magmove on? Hindi ko na alam.

Ang daming beses ko nang sinabing magmomove on ako pero hindi ko naman ginagawa. Pero this will be the last time. Susubukan ko ulit magmove on. Bahala na kung anong mangyari. This time, hindi lang para sa sarili ko, kundi para kay Chuanget din. Kung mag-success, edi masaya. Kung hindi? Ayaw kong isiping hindi.

Days after ng immersion, iniwasan ko na si Sly completely. Yung pasulyap sulyap ko sa kanya noon, tinigil ko na. Pagiisip masyado kung anong pwedeng mangyaring mga kabaliwan ko sa kanya, tinigil ko na. Pagpapatasya sa kanya at pangangarap na may pag-asa pa ang beauty ko sa kanya, tinigil ko na din. I guess, mas pinili ko na lang ang reality. Kasi... wala naman talaga. Ilang taon na ba? Dalawa? Dalawang taon na akong nagaantay na mahalin pabalik ng bading kong crush. Kakaloka. Sinayang ko ang beauty ko ng ganun katagal sa taong di naman ako mapapansin. Kaya kayo, magmove on na rin kayo! Sayang ang beauty! Kung wala naman kayong beauty...

Aba problema nyo na yan.

I decided to move on. As if naman naging kami ano? Oh well, basta. Binigyan ko na lang ng pansin si Jerald. Kasi alam ko namang sya ang deserving sya. Besides h0indi nya ako ginamit. Hindi nya ako niloko. Hindi nya ako pinagsinungalingan. Hindi lang palabas lahat ng ginagawa nya. Hindi nya ako pinaglaruan.

Hindi katulad... hindi katulad ni Sly. Masakit mang isipin. Pero dahil nga maganda ako, magmomove on na ako. Hindi bagay sa isang magandang nilalang ang magpakagaga sa isang bakla.

Pumasok na ako ng school. Ayokong malate kasi nga nagmomove on na ako. Connection? Wala. Di ko rin alam. Hindi na ako nagpasundo kay Jerald. Tutal, may klase yun ngayon ng 7-8 am. Poor him. Ayoko sa lahat eh may 7-8 am na klase. Nakakabaliw kaya yun. Naalala ko tuloy last sem. 28 lates lang naman ako sa first subject ko, which is 7-8am nga, Buti nga hindi terror yung teacher namin dun, hindi ako dina-drop. Sino ba nga namang maglalakas loob magdrop sa magandang katulad ko?

Joke. Baka biglang may magdrop sakin. Nakakaloka, sayang ang pinagpaguran ko ngayong sem. Goal ko kasing mapataas ang rank ko sa TTS (top tourism students). Inspired ako sa pagkakabroken hearted ko. Makikita ng bading na yan! Maglalaway sya sakin. BWAHAHAHA!

Joke ulit. Eto na naman Kiara. Erase erase!

Gusto ko talagang mapataas yung rank ko dun. Para sa sarili ko. Gusto ko namang may mapatunayan. Hind naman puro ganda lang dapat diba? Nakakaturn off kaya isipin yung mga babaeng magaganda tapos ... Okay nakakabawas ng beauty ang pamumula sa iba. Pero nakakainis naman kasi talaga yun iba. I mean, pangit naman ata nung ang lakas ng loob mong magmaganda tapos kapag pinag-English ka eh nagmimistulan kang kalabaw diba? Just saying.

Pagkapasok ko ng school, si Pau agad ang nakita ko. Kausap nya yung mga kaibigan nyang taga ibang department. Feeling ko kadepartment yun ng jinojowa nya ngayon eh, kaya kaclose nya. Iniistalk na naman nya siguro. Nang mapansin nya ako, kumaway sya agad at nagpaalam na sa mga kausap nya. Lumapit sya sa akin at sinalubong ang dyosa ng kagandahan.

"Kiara! What's nangyayari na? OMG! I'm so kinikilig sa na-knows ko ha! Some friends dyan sa tabi tabi told me that you and Sl---"

"Ang bilis ng bibig mo ano? Hindi man lang ako nakasingit eh."

"Really? Look at my lips nga! Baka my lipstick is making kayat kayat na."

"Hindi naman."

"Eh what happened na! You make kwento nga!" hinila nya ako sa may coffee shop sa school. Sadyang may coffee shop dito sa school, para sa mga working students. Pumasok kami at nagtinginan ang mga tao dun. Napansin kong napatigil yung isang lalake sa may counter.

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon