Chapter 38

154 8 1
                                    

"Kiara?"

Nagulat ako nang bigla syang pumasok.

Si Sly.

"Bakit ka nandito? May lakad ka?" ayokong magassume na ako ang ipinunta nya dito. You know, masakit umasa lalo't nagmomove on.

"Yep?"

"Ah, sila Mai baL Lumabas ipsila sagl---"

"No, you."

"You as in me?" sabi ko, nagtataka. Ano namang himala ang naganap na pagkatapos nya akong ituring na hangin nitong mga nakaraang araw eh biglang lakad nya daw ako?

"Yep. Pwede ba kitang makausap?"

"About?"

"Some crazy stuffs."

"Okay." pakipot kong sabi. Pero sa totoo lang, hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Umupo sya sa harap ko. Magkatapat na kami sa table. Parang sasabog ang puso ko sa kaba. Namamawis ang mga kamay ko.

Dont tell me...

This is Nature Call?

"Are we okay?" tanong nya. Napatingin naman ako sakanya. Straight to the eye. Wrong move Kiara, don't let your heart melt.

"Yep. I guess?" napapalaban ako ng englishan dito ah.

"Are you sure?"

"Yes."

"If tatanungin mo ako, mukha kasing hindi eh."

"Paano mo naman nasabi?" yes, paano nya naman nasabi? Eh never naman syang nagtuon ng atensyon sakin, at sa mga pagpapapansin ko noon. Oo, NOON.

"Napapansin ko lang kasi nitong mga nakaraang araw, no linggo ata? Eh mukhang iwas ka sakin. Tapos yun, di ko alam kung bakit ang awkward ng atmosphere." hindi ako makaimik. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Si Sly ba talaga ang kausap ko?

"Look Kiara, I can see it, and feel it. May problema ba?" tumingin ako sa kanya. Hindi ko na din alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

"Hindi ko kasi alam ang nangyayari. I mean, we talk before but now? I do give importance to what we are Kiara..." tumingin ulit sya sakin, nageye to eye ulit kami. "...Friends naman tayo diba?"

Pain. Anger.

Yan lang ang tangi kong nararamdaman ngayon. Feeling ko sinaksak ako sa puso. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, gusto kong magalit fir this stupidity. For this insensitivity. Pero ang natatangi ko lang kayang gawin ay ang tumahimik at yumuko.

Ang manhid! Ang manhid lang!

"Friends... yes. We're... friends."

"Yun naman pala eh... Kiara, magkaibigan tayo. Kaya sana sabihin mo naman kung may problema. Kasi gusto kong ayusin."

"Wala namang problema Sly eh."

"Kiara, alam kong meron."

"Wala..."

"Please tell... Or dahil may Jerald ka na kaya okay lang na di na tayo magkaibigan? Dahil may lalake nang nandyan palagi para sayo kaya wala ka nang pakialam kung hindi tayo magusap? Ganun ba yun Kiara? You're ignoring me dahil may lovelife ka na? Ganyan ka ba Kiara? Nagkalove life lang nakalimot na? Akala ko ba magkaibigan tayo?" Hindi ko nagustuhan ang pananalita ni Sly. Hindi ito pasigaw pero bawat salita ay parang sumasaksak sa utak at puso ko. I can't believe he's saying these words to me.

"Hindi ko alam kung ano yang pinuputok ng butchi mo pero kailangan mo pa bang paulit ulitin na magkaibigan tayo? Alam ko! Magkaibigan tayo. Kaya please tigilan mo na yang 'magkaibigan tayo' raised to 10 na yan? And Sly, don't judge me kasi hindi mo alam kung anong totoo. Hindi mo alam. You don't have any rights to Sly!"

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon