***
"P-Pau.. okay ka lang?" nakasubsob ang mukha nya sa lamesa. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Tumunghay naman sya."K-Kiara.." sabi nya, nangingilid ang luha.
"Okay ka lang b--" hindi na nya ako pinatapos. Niyakap nya ako ng mahigpit at nagsimulang magsorry ng paulit ulit habang umiiyak. Wala naman akong masabi, hinayaan ko muna syang maglabas ng sama ng loob. Hinihimas ko lang ang likod nya.
"Sorry Kiara... Sorry..."
"Shhh shh. Okay na. Okay na." nang maramdaman kong tumahan na sya kahit papaano, kumalas ako sa yakap at pinunasan ang luha nya gamit ang tissue na nakalagay sa table.
"Wag ka nang umiyak. Ang panget mo."
"I don't care.. Sorry talaga."
"Ano bang nangyari? Hindi ako galit, medyo nagtampo lang. But please tell me, anong nangyari?"
"Eh kasi naman eh! I'm so naiinggit sayo..." tumungo sya, nagpatuloy ulit."... there are so madaming tao na love ka... sa sobrang many nila, even Jerald..." naguilty tuloy ako sa sinabi nya, naalala ko yung nangyari kanina.
"But Kiara, we talked na kahapon."
"Nino?"
"Ni Jerald."
"A-anong nangyari?"
"I told him na its okay lang to me na he'll make ligaw ligaw sayo.."
"B-bak---"
"Kiara you make rinig everything na i'll say ha?..."tumango ako."... Jerald like you ng sobra. I can see it. Its nararamdaman ko. That's why I'm payag na, and I'm masaya for you two. Kiara I'm so sorry.."
"For?"
"For being so inggitera. For being selosa. I'm nagalit sayo because of that lang. I even.. I even made sama sama to that evil loser just para matalo ka... but Kiara I'm so nagsisisi na. I'm sorry friend..." niyakap ko naman sya.
"Okay lang yun, at least naliwanagan na ako. Kung bakit ka nagkaganyan. Please, next time... sabihin mo sakin, samin ni Mai ha?"
"Sure sure.. but Mai... I think she's galit to me eh."
"I dont know. Magusap kayo, and for sure, maaayos din yan."
"I hope so. Friend mo parin ako?"
"Yes of course!" ngumiti sya. Naluluha na naman.
"Wag ka na umiyak, napangit ka!"
"Ugh!i'm not panget no! Ay Kiara, before i make kalimot..." kinuha nya yung bag nya at may nilabas dun."... I saw this to Quensie's gamit. Grabe! She's magnanakaw!" kinuha ko yung binigay sa akin ni Pau. Yung... yung bracelet na galing kay Sly...
Akala ko nawala na...
Bakit bumalik parin ito sa akin? Sumuko na ako ng paghahanap dito... pero kusa syang bumalik.
"You're not masaya?"
"Masaya. Nagulat lang ako. Tumigil na kasi akong paghahanap nyan. Akala ko wala na..."
"Its yours naman kasi eh. Kaya it will make balik balik to you. Quensie is so evil and loser talaga!"
"Im glad narealize mo na yan. Gahd Pauline! Wag na wag mo nang gagawin ulit yung mga ganung style na pagmamake up at pananamit ha? You're not Pauline during those days. So Jeje. Ew."
"Quensie kasi eh! She's like a witch! She's making lason lason my head!"
"Hayaan mo na yun. Wala lang yun magawa sa buhay. Mahalaga... okay na tayo. Namiss kita,"
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014