Sly's POV

238 12 0
                                    

Typos. Sor
***

Sly's POV

"Okay, si Kiara Valdez..." bigla akong napatigil sa pagsasalita at napaisip.

Sino nga ba si Kiara para sa akin? Hindi ko alam...

No, scratch that. Alam ko, i just cannot explain it. All that i know is, hearing that name causes me to smile. Always.

Kiara caught my eyes eversince the day I saw her following me to the library. We were freshmen then. If I am not mistaken, midterms namin nun. Nagpapa-read pa lang ako ng id para makakuha ng susi sa locker ng library, napansin ko nang may babaeng pasimpleng, well masyado palang halata para tawaging pasimple, sumusunod sa akin. Una kong napansin yung pisngi nyang namumula at parang hindi sya mapakali nuong nakita nyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti na lang ako at pumasok sa library. After ilang minutes, nandun na rin sya, nasa kabilang dulo ng lamesa kung saan ako nakapwesto. She's pretending to read a book, pero kita kong sumisilip sya sa akin through peripheral vision. Baliktad pa nga yung libro na kunwaring binabasa nya eh. Napangiti ako. That was the first time I noticed her. And yes, i know she was stalking me. Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam. Hindi lang ako yung tipo ng lalake na kapag nakaramdam, iaannounce na may crush sya sa akin. Madami ding nakakapagbanggit na ka-block ko tungkol dun. But I'm in a relationship back then kaya hindi ko inentertain. I know its just a simple crush.

Alam kong maaaring iba ang pagkakakilala ng ilan sa sakin, with the influence of my father's name, but in my own perspective, ako si Sly Buerro, isang dakilang duwag.

My past relationship isnt that easy. Masyado akong duwag kay Daddy para ipakilala sya. Masyado akong duwag para ipakita sa mundo na mahal ko sya. Masyado akong duwag para magpakatotoo. Why? Because I'm afraid I might turn into a disappointment. At yun ang pinakakinakatakutan ko. Lumaki kasi akong sunod sa yapak ni Dad. Sinasabi nya palaging sundin ko sya para maging successful din ako tulad nya. Wag ko muna daw unahin ang ibang bagay maliban sa pagaaral kasi yun dapat ang iprioritize, kasi wala daw magandang idudulot yung iba. I know he was pointing to love, kasi naranasan nya yun. Hindi maganda ang naging marriage nila ni Mom. Kaya naghiwalay din sila. Isang bagay na ayaw kong mangyari sakin. Naghiwalay sila dahil walang oras sa amin si Dad. Naaalala ko pa nuon, birthday ni Lola, na nanay ni Mom, he didn't show up nor even greeted her a happy birthday which is ikinisama nga ng loob ng family ni Mom. Lagi nyang reason ang work nya, ni hindi nga ata naranasan ni Mom na maging sweet si Dad eh. Hanggang sa sumuko na si Mom at umalis. Hindi man lang sya pinigilan ni Dad. He acted like hindi kawalan si Mom sa kanya. He always tells me, 'if she's worth it, she'll stay.'

Matagal ko ring tinago ang relasyon namin kay Dad. Never kong naisip na sabihin ito sa kanya kasi alam ko na ang magiging resulta nito. Kaya rin siguro kahit anong gawin ko SA KANYA, hindi sya makontento sa relasyon namin. Gusto nya ay yung tipong nararamdaman nyang pinagmamalaki sya, which is hindi ko magawa kaya gusto nya nang itigil namin. But I still asked for another chance. Kahit mahirap syang amuin, hindi parin ako tumitigil para makuha sya ulit. I accepted all the rejections. Yung mga pinapadala kong regalo sa kanya? Hindi nya tinatanggap. May collection na nga ako ng mga rejected gifts nya sa akin eh. Nahihirapan na ako nung mga panahong yon, pero tinatry ko paring maibalik yung dati. Pero muka talagang hindi na. Hindi na sya masaya, hindi na ako masaya. Hindi na sya kontento, hindi ko na kayang magbigay pa.

Hanggang sa dumating yung time na ayoko na. Nagsawa na ako sa panunuyo ko, pageeffort ko na nababalewala lang. Para bang bigla na lang akong nawalan ng gana sa kanya. Dumating sa point na parang may bumatok sa akin at pinarealize na, gusto ko na lang palang maging maayos kami, pero hindi ko na gusto ang relasyon namin. At yun yung time na narealize ko na...


My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon