Chapter 30

311 9 1
                                    

Unedited. With typos. Lol. :))))
***

"Hello?"

"Goodmorning! Nandito na ako sa labas."

"Agad naman?" sumilip ako sa bintana. Nandun na nga si Chuanget. Buti na lang papasok na nga ako nung dumating sya. At buti na lang ako ang sinundo nya, kung katulad ako ni Pau? Mga sampung oras syang magaantay dyan sa labas.

Bumaba na ako ng kwarto. Nasa sala si mama, nanunuod ng zumba at ginagaya nya pa nga.

"So feeling nyo eeffect pa yan sayo ma?"

"Hay nako Kiara, napakasupportive mo talagang anak." sabi nya, sarcastic.

"Oo naman ma, pero wag ka pong umasa dyan ha? Masasaktan ka lang!"

"With hugots ba yan?"

"Ugh. Alis na po ako." sabi ko sa kanya at humalik sa pisngi nya. Agad naman nyang pinahid gamit ang kamay nya at kiniskis sa damit nya.

"Ew."

"Arte mo ma. Alis na ako. Andyan na si Chuanget."

"Owwww. I smell something fishy around here..." sabi nya, namimilog pa ang mata."...bakit hindi mo sya pinapasok? Napakain ko man lang sana kahit yung cookies na binake mo. For sure matuturn off yun sayo!" pambubully nya.

"Hay nako Ma, late na ako. Bye po."

"K." nagpatuloy na sya sa paggaya dun sa baklang nagzuzumba sa TV.

Paglabas ko ng pinto, nandun na si Chuanget, nakaabang. Ang tyaga din ng lalakeng ito ano? First day pa lang eh, sinusundo na kaagad ako.

"Goodmorning! Pretty as always."

"You dont need to say that. Alam ko yun, matagal na. Anyways, pinayagan kita manligaw, pero parang pagiging driver ko ang gusto mong maging trabaho ah?"

"Okay lang, basta makasama kita." sabi nya sabay wink. Ergh. Annoying as ever. Oh well, effort appreciated.

"Sakay na?" binuksan nya yung pinto ng kotse nya.

"Ay wait lang, magpapaalam muna ako kay Manong."

"Oh, sure. I'll just wait here." tumakbo ako pabalik sa bahay at dumiretso sa garage. Andun si Manong, nagpprepare na ng sasakyan.

"Manong, goodmorning po!"

"Goodmorning din Ma'am, papasok na po ba kayo?"

"Ay yun nga po ang pinunta ko dito. Dala po kasi ni Jerald sasakyan nya, alam nyo na, nagpapalakas. Di muna po ako papahatid. Bukas na lang po siguro."

"Ay Ma'am, baka po ako'y tanggalin nyo na sa trabaho dahil kay Jerald?" pagbibiro ni Manong.

"Hindi naman ho! Haha sige Manong mauuna na po ako."

"Sige Ma'am, magiingat po kayo!" naglakad na ako palabas at sumakay sa kotse ni Chuanget.

"Di ka pa agad pumasok?"

"Syempre, kailangan ladies first."

"Gentleman ka din naman palang kumag ka kahit papaano."

"Syempre naman. Music?"

"Sure." nagpatugtog sya. And guess what kung anong kanta?

Pusong Bato? No.
Isang Linggong Pagibig? No.
Thinking out Loud? No.

NOT A BAD THING.

Damn! Naalala ko tuloy yung karaoke moments namin ni Sly. Psh! Ano ba yan. Dapat hindi ko na sya iniisip eh. Move on Kiara! Move on. You're being unfair to Jerald.

My Crush's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon